CHAPTER 18

484 27 4
                                    

"Sorry, natagalan ako." Bungad ko kay Sejun nang makarating ako sa garden.

"Hindi, okay lang." Sagot niya. "Maupo ka na." Sabi niya pa sabay tap sa tabi niya. Agad naman akong naupo at nakangiting pinagmasdan ang buwan at mga bituin na nagpapaliwanag sa paligid.

"Mukhang masaya ka ah." Wika niya kaya nilingon ko siya habang may ngiti sa labi ko.

Masaya ako kasi nandito pa rin ako. Hindi ako natanggal sa camp kaya nandito ako ngayon at kausap pa siya. Kung natanggal ako, kung hindi ako nag improve, malamang wala ako ngayon dito. Masaya rin ako na bati na kami ni Sejun. Nung nakaraang araw ko lang siya sinimulang pansinin ulit. Muntik ko pa siyang hindi pansinin ulit dahil sinabi niyang paanong hindi daw niya mahahalata eh yung palusot kong putik sa damit, masyado raw hindi kapani-paniwala. Tapos yung sinabi pa raw ni Andrea na problema daw yun ng girls, ayun na nagets niya na dun sa part na yun. Halos magpalamon ako sa semento habang sinasabi niya ang mga yun. Mabuti nalang tumigil siya nang makitang sobrang nahihiya na ako sa mga naririnig ko. Sa huli ay pareho kaming nag-sorry sa isa't isa.

"Oo naman!" Masiglang sagot ko. "Ano nga palang ituturo mo saakin?" Tanong ko.

Sabi niya sa akin kanina nung magkita kami sa cafeteria may ituturo raw siya sa akin kaya agahan ko daw ang pagpunta dito. Kaya ngayon kahit 7 PM palang ay nandito na ako. Sasagot na sana siya kaso naalala ko yung mga kailangan kong ibalik sa kanya. "Ay kuya! Yung panyo mo pala tsaka yung mga gamit ni Alex. Sobrang nadelay yung pagbalik, sorry." Sabi ko at inabot ito sa kanya. Kumunot ang noo ko nang kunin niya ang gamit ni Alex pero ibinalik lang niya ang panyo.

"Keep it. Sayo na yan." Nakangiting sabi niya.

"Hala! Nilabhan ko naman yan! Saka wala naman akong sakit ah." Sabi ko kaya natawa siya.

"Baliw, hindi sa ganun. Binigyan mo kasi ako ng regalo so yan ang kapalit. Sayo na rin yang panyo ko." Sabi niya dahilan para makagat ko ang ibabang labi ko.

"Seryoso?" Tanong ko.

"Yes."

"Kuya Sejun naman! Kinikilig na ako dito! Nakakainis ka!" Nakangusong sabi ko.

"Talaga? Kinikilig ka?" Tumango ako bilang sagot kaya tumawa siya ng marahan at ginulo ang buhok ko. "Sige lang, kiligin ka lang diyan." Sabi pa niya habang sobrang laki ng ngiti niya.

Nagkakasala na ako kay Jah! Jusko! Turn off muna ang fangirl mode, Inna! Ikaw si Inna ngayon na kaibigan niya. Hindi fan, okay? WAAHHH.

"Yung ituturo mo?" Tanong ko sa kanya.

"Ay oo, nawala sa isip ko." Napakamot siya sa ulo niya kaya natawa ako. Nangunot ang noo ko nang ibigay niya sa akin ang gitara niya. Tiningnan ko siya na parang nagtatanong kung anong gagawin ko diyan. Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang sarili kong matawa nang umirap siya bago nagsalita. "Take this. Tuturuan kitang maggitara." Nakangiting sabi niya. Nakita ko kung paanong nagsalubong ang kilay niya nang tumawa ako ng malakas. "Anong nakakatawa sa sinabi ko?"

"Y-Yung sinabi mo mismo HAHAHAHA" sagot ko.

"Stop it, Inna. Kunin mo na ito oh. Tuturuan kita maggitara. Hiniram ko yung gitara ni Ken para itong akin ang gamitin mo." Sabi pa niya tsaka ipinakita sa akin ang isa pang gitara, na kay Ken daw. Tumawa lang ako nang tumawa. Napa-tsk siya kaya mas lalo lang akong natawa.

"Naiinis ka na niyan?" Tumatawang tanong ko.

"Isa. Dali na kasi." Sabi niya sabay abot sa akin ng gitara niya. Huminga ako ng malalim at tumigil sa pagtawa. Pinunasan ko ang luhang namuo sa gilid ng mata ko tsaka kinuha ang gitara ni Sejun.
"Good."

NEVER GONE [SB19 FF]Where stories live. Discover now