CHAPTER 2

662 26 7
                                    


ILANG oras na biyahe at nakarating ako sa terminal na sinasabi ni Mama Mich. Pagkababa ko ay agad akong lumingon-lingon sa paligid para hanapin ang sinasabi niyang kulay asul na van na susundo sa akin. May nakita akong helera ng mga upuan kaya umupo muna ako doon. Gabi na ngayon pero sobrang dami pa ring tao sa labas. Mall ang katabi ng terminal kaya sobrang daming tao.

Napalingon ako sa bagong dating na asul na van. Ito na sigurado yun. Tumayo ako at tumungo sa van. Hirap na hirap pa ako dahil sa dami ng bag na dala ko.  May lumabas na babae doon at lumilingon-lingon sa paligid. Nang makalapit ako sakanya ay napanganga ako sa kanya. Sobrang ganda niya!

Nakaramdam ako ng pagka-ilang nang tingnan niya ako mula ulo hanggang paa. Naka-shades siya pero sa paraan ng paggalaw ng ulo niya ay halatang pinagmamasdan niya ako. Ganito ba talaga ang mga tao dito? Nagshashades kahit walang araw? Muntik na akong matawa sa naisip ko pero pinigilan ko nalang.

"So... I think ikaw na nga." Ang lambing ng boses niya pero may pagkamataray.

"Uhm, hi po. I'm Inna Dianne. A-Ako po yung kausap ni Mama Mich." Sabi ko at inabot sa kanya ang envelope.

Napalunok ako nang makita na tumaas ang kaliwang kilay niya bago kinuha ang envelope. Binuksan niya iyon tsaka ako muling pinagmasdan.

"Pasok na sa van." Sabi niya.

Nginitian ko siya ng matamis at saka unang ipinasok ang mga bag ko sa van. Tsaka ako pumasok. Sa tabi siya ng driver naupo. Ilang saglit lang ay nagsimula nang umandar ang van.

Walang nagsasalita habang bumabyahe. Mas gusto ko na rin ang ganito. Tahimik ko nalang na pinagmamasdan ang mga tao na naglalakad sa labas.

Halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako dahil ito na ang simula ng pag-abot ko sa mga pangarap ko, may chance rin na makita ko ang SB19. Kinakabahan rin ako dahil baka isang linggo lang ang itagal ko sa Camp. Nalulungkot rin ako dahil naiwan ko ang mga kaibigan ko sa Naga.

Gusto kong sapakin ang sarili ko ngayon dahil bigla kong naalala si Gian. Maling maalala siya! Isa sa mga dahilan ko kung bakit nandito ako ngayon ay para makalimutan siya. Hindi ko dapat hayaan na maalala ko siya. Magiging sagabal lang kung iisipin ko nang iisipin siya.

Napatingin ako sa babaeng katabi ng driver ngayon. Natutulog siya. Maganda siya pero mukhang masungit. Sa tingin ko ay 20+ na siya.

*Ha--Hatsing!!* Ilang ulit akong nabahing. Kinabahan ako dahil baka magising siya at tarayan ako. Mabuti nalang at naka-earphones pala.

Inayos ko ang upo ko. Pero nagitla ako nang may marinig akong kaluskos sa likod ng upuan ko.

Dahan-dahan akong umikot para tingnan kung ano yun. Nakahinga ako ng maluwag nang makita na tao lang pala.

Tao? Ehhh?

Muli akong napatalikod at pinagmasdan ang tao. Akala ko ba tatlo lang kami dito? Pilit kong inaaninag ang mukha ng tao pero hindi ko masyadong makita dahil madilim sa loob ng van. Ang alam ko lang basta, lalaki ito at tulog din siya. Naka hoodie. Pilit kong inaaninag ang mukha pero madilim talaga.

Napabalikwas ako nang biglang magsalita si Manong Driver.

"Nagpumilit po yan si Sir na sumama. Ewan ko ba pero gusto ka daw niya makita. Kaso nakatulog na sa sobrang pagod."

Ehh? Ako ba kinakausap ni Manong?

"Sino—"

"Nandito na po tayo." Magtatanong pa sana ako pero umayos nalang ako ng upo at hinintay na tumigil nang tuluyan ang sasakyan.

Binuksan ko ang pinto at isa-isang ibinaba ang mga dala ko. Tatlong bag lang naman ito. Bago ko isinara ang pinto ay muli kong tiningnan ang lalaki sa likod na bahagi ng Van.

NEVER GONE [SB19 FF]Where stories live. Discover now