CHAPTER 43

415 17 18
                                    


"What?" Hindi makapaniwalang tanong.

The room became silent.

My manager walks towards me. "Aya-ssi—" He tried to hold my arm but I avoided him and took a step back.

I gave him a sharp look. Inilibot ko ang tingin ko hanggang sa magtama ulit ang paningin namin ni Mr. Han.

"Confirming a dating rumor of an idol who's currently on a dating ban? Are you trying to get my contract terminated?" I can already feel my face heating from my anger.

He laughed. "You know dating ban is just a facade at this point. And also, there's no terminating of contract that could happen if the company agreed to this." He said which left me in shock.

"Did seonsaengnim agree on this?" I asked, hoping he would answer no.

He nodded.

Napahawak ako sa noo ko at napatulala. Naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko. Agad akong inalalayan ng manager ko dahil muntik pa akong matumba.

"Aya-ssi, please calm down. I will explain everything to you later." He whispered.

"Oppa," my voice shakes, "this is the most stupid decision you all ever made for me." I uttered a chuckle and glared at each of them before leaving the room.

JUSTIN

"Seryoso bang wala tayong work bukas?" Tanong ni Ken.

"Reklamo ka nang reklamo na pagod ka na  tapos ngayon nagrereklamo ka na makakapagpahinga tayo bukas?" Pabalang na sabi ni Stell.

Kakabalik palang namin mula sa sandamakmak na meeting ngayong araw. Naglalakad kami ngayon papunta sa dance studio.

"Nagrereklamo ba ako? Sinisigurado ko lang para mahimbing ang tulog ko bukas maghapon at hindi nag-aalala na biglang mag ring ang cellphone ko tapos sabihan ako na pumunta dito sa company ASAP." Sagot naman ni Ken.

"Wala raw tayong schedule bukas, pwede kayo matulog maghapon." Pagkumpirma ko para matigil na silang dalawa.

"Overnight ako sa inyo, Jah." Napalingon ako kay Paulo nang magsalita ito. "Discuss mo sa akin 'yong concept." Sabi niya.

"Ako nalang mag overnight sa condo mo. Nire-renovate pa ni kuya Yani kwarto ko eh." Sabi ko at napatango nalang siya.

"Ano ba yan, rest day nga tapos magtratrabaho kayo?" Umiiling na sabi ni Josh.

Tumawa ako. "Bukas pa 'yon. Mamaya kami magwowork." Depensa ko.

"Maggro-grocery ako bukas, sino sasama?" Biglang tanong ni Stell.

"Ay shet, oo nga pala! Wala ng laman ref ko sa condo." Nasapo ni Ken ang noo niya.

"Ayan, may kasama na ako!"

"Sama na rin ako. Wala na rin akong pagkain sa condo, puro nalang pa-deliver ng fastfood." Sabi naman ni Josh.

"Ayan, good! May service na tayo." Natutuwang sabi ni Stell.

"Ano kayo, sinisuwerte? Hati kayo sa gasolina, 'raulo." Sabi ni Josh dahilan para magreklamo 'yong dalawa.

Nang makarating na kami sa tapat ng dance studio ay itinulak ko ang pinto.

Nang makapasok kami ay nakita ko agad si Lyka na naglalakad papunta sa water dispenser. Napalingon siya sa amin at nang makita niya ako ay napabuntong-hininga siya. Nagsalubong ang kilay ko.

"Hay! Ito talaga paborito ko dito sa bago nating building! Nasa ground floor lang ang dance studios!" Rinig kong sabi ni Stell at nakita ko siyang nakahiga na sa sahig.

NEVER GONE [SB19 FF]Where stories live. Discover now