CHAPTER 11

495 21 1
                                    


NGAYON ay ang ika-anim na araw ng Talent Camp, ibig sabihin ay ito na ang huling araw ng one-week session namin para sa vocal training. At ibig sabihin rin ay ngayong araw na ang final evaluation.

Nandito kami ngayon sa studio ni ate Kim para sa final evaluation. Pang apat kaming magpeperform kaya nararamdaman ko na ang kaba. Kanina ay binigyan kami ng tatlong oras para magpractice.

Nappressure ako dahil nandito ngayon ang maraming staff para manood at isa pa alam kong malaki ang expectation nila saakin dahil throughout the week ay nasa number 1 spot ako.

Sa loob ng isang linggo ay nagawa kong i-maintain ang pagiging number 1. Sa unang araw ay kasama ko pa si Lyka sa spot na yun pero sa ikalawa ay nalaglag siya sa second spot. Nakaipon na ako ng 48 points samantalang ang grupo ko naman ay may 263 points. Obviously, kami talaga ang magiging number one sa group ranking dahil kami ang may pinakamaraming members. Nagkaroon pa ng issue about dun pero naayos rin naman agad at naipaliwanag ng staff sa mga grupong nagrereklamo.

"Wag kang kabahan. Relax." Naramdaman ko ang kamay ni Lyka sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. Siguro ay nahalata niya na kinakabahan na ako.

Nagpeperform ngayon ang group 3 at kami na ang sunod sakanila. Halos lahat ay magagaling at makikita ang improvement sa kanila. Pero ang pinakanag improve para sa akin ay si Zyrill. Naging mas confident siyang kumanta at maririnig mo talaga na nag improve ang vocals niya.

"Paano kung hindi ko mameet yung expectations nila sa akin?" Tanong ko habang ang paningin ay nasa group 3.

"Sus! Ikaw? You're a great singer kaya. Kaya mo 'to. Tsaka wag ka ngang kabahan baka pumalpak ka mamaya, nakasalalay sayo ang tagumpay ng grupo natin!" Aniya at natawa naman ako.

"Alam mo? Dahil sa sinabi mo mas kinabahan lang ako."

Tumawa siya. "Biro lang."

Narinig ko ang palakpakan ng audience hudyat na tapos na magperform ang group 3. Nagcocomment na ngayon si kuya Jung. Kinakabahan ako para kay Kyla dahil nasa critical spot ang grupo niya. Sa loob ng limang araw ay nagpapalitan lang ang grupo niya at ang group 2 sa last spot. Although may 37 points si Kyla, ang mga kagrupo niya naman ay nagrarange lang ang points sa 25-35 points. Kailangan nila ngayon maungusan ang group 2.

"Guys, be ready. Next na tayo." Paalala ni Lyka saamin.

Pagkatapos ni ate Joycee magbigay ng comment ay tinawag na kami para pumunta sa gitna. Huminga ako ng malalim at mariin na pinikit ang mata ko.

Let's get it!

Everytime na magpeperform talaga ako ay naririnig ko ang boses ni Sejun at dahil doon ay gumagaan ang pakiramdam ko at nababawasan ang kaba ko. Idinilat ko ang mata ko at kinuha ang inabot na mic sa akin ng staff.

Pumwesto na kami sa formation namin at nagsimulang tumugtog ang minus one. Lahat ng mata ay nasa amin ngayon. At ang pinakanakakakaba ay ang tingin ng tatlong coach na nasa harap namin. Naka poker face lang ang mga ito at hindi man lang kami nginitian. Napalunok ako nang tumingin sa akin si Ate Kim. Ako na ang unang umiwas. Nagsimula agad na kumanta si Lyka kaya nag focus na ako.

SECRET LOVE SONG by Little Mix and Jason Derulo

[Lyka]
When you hold me in the street
And you kiss me on the dance floor
I wish that it could be like that
Why can't it be like that? Cause I'm yours

[Kiara]
We keep behind closed doors
Every time I see you, I die a little more
Stolen moments that we steal as the curtain falls
It'll never be enough
It's obvious you're meant for me

NEVER GONE [SB19 FF]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora