Chapter 3

6.5K 209 6
                                    

Naglalakad na ako papunta sa cafeteria kasama ang mga lalaking ito, ako ang nangunguna habang nasa likuran ko sila, ang mga tao ay napapalingon sa gawi namin kapag kami ay humahakbang palakad sa harapan nila.

"Why are they here?"

"Ang akala ko ba ay bawal silang tumapak rito?"

"Delubyo nanaman ito."

Nagtuloy lang kami sa paglalakad pero ang mga studyante ay palakas nang palakas ang ingayan. Napantig ang tenga ko ng marinig ko ang usapan ng grupo ng mga kababaihan.

"Wow tumanggap na uli sila ng babae"

"Seducer."

"Like her mother."

Nagdilim ang paningin ko ng marinig ko ang huling sinabi ng babae. Ang hawak kong plastic bottle na may laman na tubig ay itinapon ko sa gawi nila at sakto namang napunta ito sa mukha nya.

"What the hell!!"

"One more word against me and my mother you'll surely beg infront of me."

Mas lalong nagingay ang paligid ang kaninang mga studyante sa loob ay nagsilabasan at pinalibutan kami, ang mga kasamahan ko ay inaawat ako at pilit na inihila papalayo sa babaeng ito

"Ang tapang mo, baguhan ka lang naman dito"

"Ang ingay mo, mukha ka namang stripper." Namula ang mukha nito ang kaninang itinapon ko na bote ng tubig ay hawak hawak na nya ngayon at akmang itatapon nya ito ng pumagitna saamin ang sisiw na ito.

Ang boteng papalipad saamin ay sinalo ng kamay nya, mahigpit ang pagkakahawak nya doon kaya't lumalabas ang tubig na lagay nito.

"Don't touch her."

"And why? Hindi ba't galit kayo sa mga babae?! Anong nangyari sainyo at nagawa nyong protektahan ang babaeng ito?! Anong klaseng pagpapaamo ang ginawa ng babaeng iyan sainyo para magkaganyan kayo?!"

"She did nothing. Get out in our way." Hindi umalis ang babae sa harapan namin.

"Anong gulo nanaman ba ito Section Death? Bakit narito kayo sa teritoryo ko." Isang baritono, madiin, nakakatakot na boses ang nagsalita sa likuran namin

Sa pagharap ko sa aking likuran ay syang paglunok ko ng mariin, pigil hininga akong nakatingin sakanya.

Ang baho nya.

Hindi ako nagbibiro, talagang mabaho sya. Malaki ang kanyang pangangatawan, may tattoo sa kaliwang braso, may hikaw sa ilong, at ang kanyang ngipin ay umiilaw sa sobrang pangingilaw.

"Sino naman itong magandang babae?" Akmang hahawakan nya ako sa braso ng tapikin ko ito.

"Aba matapang, ganyan ang mga gusto ko sa babae."

"Ang baho mo umalis ka nga sa harapan ko!!" Itinulak ko sya dahil magkalapit na ang katawan namin. Amoy na amoy ko ang baho nya, kingina.

"Aba't gago to ah! Ano bagong salta ba to sainyo Dash?! Ang tapang tapang ah, gusto nyo bang ako na ang tumapos sa babaeng ito, ibigay nyo na sakin to Dash bibigyan ko sya ng maganda at masarap na karanasan." Ang kanyang boses ay mababahidan ng pangigigil hindi ko maiwasang mandiri dahil ang dila nya ay nakalabas habang nagsasalita.

"Gago!!" Sigaw ni sisiw sakanya, hinila ako ng Ethan, ang mga lalaki ay nasa harapan ko na at itinatago ako sa lalaking iyon.

"Ganyan na kayo ah? Nagbago na ata kayo" sarkisto itong tumawa, malakas.

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon