Chapter 33

3.2K 159 9
                                    

"Hindi nyo ba ako tutulungan mag linis?! Kahit mag pulot man lang ng basura?!" Sigaw ko sa mga ito, pinagmamasdan lang kasi nila ako. Nagkabit-balikat naman ako.

"King ina bahala nga kayo sa buhay nyo!!" Sabay tapon ko sa hawak kong sako kung saan doon ko nilalagay iyong mga basura na pinupulot ko

Sa talon ako dinala ng paa ko, tuloy tuloy lang ang pagbagsak ng tubig. Buti na lang talaga ay hindi ito public land at hindi pinapahintulutan dauphin ng mga tao, dahil kapag nagkataon ay masisira ang ganda nito.

Tumigil ako sa tapat ng tubig at tinignan iyon, malalim ang parteng ito. Sa mismong bagsakan ng tubig, doon mismo ang mababaw. Sa repleksyon sa tubig, huli na ng mapagtanto ko kung sino ang nasa likuran ko.

"This is my avenge." Tinulak ako nito. Hindi kaagad na proseso ng utak ko ang nangyari, minulat ko ang mata sa ilalim ng tubig, kita ko ang pagbaba ng sarili ko.


Sinubukan kong ipadyak ang paa ko para naman kahit papaano ay tumaas ako pero talagang bumababa lang ang katawan ko.

Gintong maskarang babae ang huling naaninag ng paningin ko bago tuluyang bumigat ang talukap ng mata ko.






Someone's Point of View

Sinundan ko sya, ilang araw ko na syang sinusundan. Dinala ako nito sa talon, nakatayo lang sya sa mismong harapan nito atsaka yumuko upang tignan ang sariling repleksyon ng bigla ay may pumunta sa likuran nya, kaagad akong umalis sa pinagtataguan ko, huli na ng naitulak na nito si Athena.

"Zoe!!" Sigaw ko sa babae.

"Sin—ikaw?!"

"Anong ginawa mo?! Talagang inuubos mo ang pasensya ko!! Binantaan na kita at anong ginawa mo?!" Bigla ay ngumisi ito sa inis ay bigla kong hinablot ang mukha nito at saka ibinalibag sya, namilipit ito sa sakit.

"S-sino ka ba?"

"Remember my name, Athenia." Sabay sipa sa pagmumukha nya, tinanggal ko ang masakarang suot ko at walang pag aalinlangan na tumalon sa tubig.

Inilinga ko ang paningin sa ilalim ng tubig, bumaba ako nang bumaba hanggang sa makita ko sya sa pinakailalim, walang malay. Hinila ko kaagad ito papataas at pinahiga. Hinawakan ko ang pulso nito.

Nakaramdam ako ng kaba ng maramdaman ang unti-unting paghihina ng pulso nito. "No, no, no!!" Tinapik-tapik ko ang mukha nito.

Kaagad kong inilagay ang dalawang kamay sa dibdib nya at walang tigil na pinagdadamba iyon, CPR. Ito lang magagawa ko sakanya.

"Please wake up, Athena, We have not met yet!! You haven't met me yet!!" Ilang minuto ay ganon lang ang ginawa ko pero walang epekto ito. Tumigil na ang pulsuhan nya, napaupo ako sa tabi, nang makirinig ng takbuhan ay isinuot ko ang maskara.

Nanginginig ko syang hinawakan, naabutan ako ng mga ito sa ganong position. "Athena?"

"P-please, please help her." Hindi maitatago ang paghikbi ko, umalis ako sa tabi nito at lumapit sakanya ang isang lalaki.

Inilapit nito ang bibig nya sa labi nito ay saka dinamba ang dibdib nito, ilang beses nya iyong ginawa hanggang sa magmulat ang mata nito at nailabas ang tubig sa bibig.

Nakahinga ako ng maluwag ng bigla ay napaupo ito at saka idinuwal ang mga tubig. Aksidenteng napatingin sya sakin, bahagya akong napaatras ng makita ko ang pagsusuri nya sakin.

"W-who are you?" Bagamay hirap pa itong magsalita ay nagawa nyang itanong iyon.

"I-im death." I gave her my code my name, hindi ito ang oras ng pagpapakilala ko sakanya, talagang sira ang plano namin.

"D-death?" Maging ang mga kasama nya ay napatingin na rin sakin.

"T-thank you so much." Napangiti ako sa likod ng maskarang suot ko. Ngayon lang kami nagkaroon ng ganitong kalapit naninteraksyon. Palagi kasi akong nasa malayo at tamang nagmamasid lang sakanya, kung hindi naman ako ang nagmamasid ay sya ang inuutusan ko.

"Your welcome." Tumayo na ako sa pagkakaluhod ko, tumayo na rin naman sya, inalalayan pa ito ng lalaki.

Ang tingin ng lalaki sakin ay kakaiba, alam kong alam nya ang pangalan ko, pero hindi nya alam kung sino ako, alam ko ang pagiimbestiga nya tungkol kay Athena at sadyang makulit iyong imbestigador at talagang pati pangalan ko ay nahalungkat nya.

"T-take care of her." Saka ibinaling ko ang tingin sakanya.  "I'll watch you always, from afar. Im always in dark, just call me and I be there." Nginitian naman nya ako.

"C-c-can I hug you?" Nagulat ako nang sabihin nya iyon. Lumapit ito sakin kaya napaatras ako, nahawakan nya ang kamay ko atsaka hinila papunta sakanya. "Thank you D-death." Ang boses nya ay biglang bumiyak, biglang umiyak sa pagkakayakap nya sakin.

Sya mismonang humiwalay sa pagyayakapan namin, ngumiti muna ito sakin bago kumaway, Binalingan ko muna ng tingin ang mga ito isa-isa bago tuluyang umalis sa harapan nila.

Pumunta ako sa kotse ko, nandoon ang mga kasama ko. Nagtaka pa ito ng makita na basa ako, tinanggal ko ang maskara ko atsaka kumuha ng pamalit na damit.

"Anong nangyari sayo?"

"Fuck that bitch."

"What happened?" Ikinuwento ko sakanya ang nangyari kanina, pati ito ay napamura nang matapos kong mag kwento.

"She nearly experienced death, buti ay kaagad na naagapan." Aniya ng pinsan kong babae.

"Who's that girl? I'll punish her for hurting my princess." Sinuntok naman sya ni Samantha sa balikat, napahiyaw naman kaagad ito.

"You're cringe brother."

"Hindi ko na kaya. Bakit hindi na lang tayo magpakilala sakanya? Baka sakaling maalala nya pa ako." Aniya.

"It's not easy."

"Hindi pa rin naman nahahanap si Tañiara, why don't we take this as a chance?"

"Iyon nga, nawawala si tañiara at malaking problema iyon, pwedeng pinagmamasdan lang tayo nito at talagang mas pinili na lang na magtago muna."

"This is not easy for me to. Hindi ko nakita kanina si Athan, I hope he's doing great. Sa mansyon ay palagi akong nasa veranda ng kuwarto nya. Minsan ay pumapasok pa ako kapag sumisigaw ito. He's always dreaming, sumisigaw pa ito ng 'tulong' 'huwag'." Pagkekwento ko. Minsan na akong nakabantay sakanya. At iyon ang mga nasaksihan ko.

"He suffered something. And I need to know what is it."




@✔





Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon