Chapter 12

4.3K 162 8
                                    

Ethan's Point of View

Naboboring ako rito. Ang mga kasama ko ay mga sariling mundo!! Sila Jayden at Jasper ay naglalaro sa cellphone, si Ryker naman ay may ka chat, Si Justine at Lee ay hindi ko alam kung nagaaway o naguusap ang lakas ng boses! Si Jacob at Lucas naman ay parehong tulog!! At ang pinakahuli sa lahat ang dalawang may kanya kanyang pagiisip!! Parehas na nakatingin sa labas ng bintana akala mo naman ay may lalabas na himala sa bintana kung titignan nila iyon ng matagal!!

Tumingin ako sa katabi kong upuan, lumingon sa pintuan at muling ibinalik ang tingin sa upuan, Nasan na kaya sya?

Tumayo ako at dumungaw sa pintuan, papasok ba sya? O baka late lang talaga sya, mag-aalas onse na imposibleng late sya.

"Hoy." Lumingon ang mga ito at natigil sa mga ginagawa.

"Si Athena wala pa rin hanggang ngayon, may number ba nya kayo?" Umiling naman ito

"Baka late lang." Aniya atsaka muling ibinalik ang atensyon sa paglalaro.

"Imposible mag-aalas onse na." Natigilan ang mga ito.

"Tangina. Hanapin nyo baka kung ano nanamang nangyari sa babaeng iyon!!" Sigaw ni Ryker at saka naunang lumabas.

Nakatingin saakin ang dalawa sa likuran, Nagkabit-balikat naman ako.

"Tara na baka naghihingalo na yon kung di natin maagapan." Grabe naman sila, kung alam lang nila kung gaano katindi iyong babaeng yon ay baka pabayaan na lang nila iyon at hindi na hanapin at hintayin na lang magpakita saamin.

Pagkababa namin ay may nagtatakbuhang mga studyante, taka akong nagmamasid sa mga ito. Papunta ang mga ito sa Garden.

May hinilang babae si Dash, ang babae ay takot na tumingin sakanya, ang labi ay bahagyang nangangatal pa, kita mo rin ang pamumutla nya.

"Wala akong ginagawang masama!! Wala akong atraso sainyo!! P-parang awa mo na bitawan mo ako." Aniya. Natatawa akong nakatingin sa kalagayan nya.

"Tch." Singhal nya sa babae at binitawan nya, nilingon nya si Luke at nakuha naman nito ang gustong sabihin, sya ang humarap sa babae.

"Bakit nagkakagulo ang mga studyante rito? Anong meron sa Garden at nagtatakbuhan ang mga iyon patungo ron?" Inayos muna ng babae ang suot-suot nyang salamin.

"M-may away daw kasi d-don" Ramdam ko ang kaba nito, dahil sa pananalita nya ay nauutal na sya.

Umalis na kami ron at tumungo sa garden, may pinapalibutan ang mga studyante. Saan kami sisiksik dito?!

"Give us way!!" Ang mga tao sa harapan namin ay nagsigilid.

Nanlalaki ang mata kong nakatingin sa nasasaksihan ko ngayon sa harapan ko!! Anak ng tupa bakit nakikipaglaban sya dyan?! Halos manlumo ako ng makitang naglabas ito ng patalim.

Hindi pantay makipaglaban ang mga iyan!!

Ang mukha nya ay seryoso at nagiisip sa kung anong pwedeng gawin lalo na ngayon na ang kalaban nya ay may armas habang sya ay wala.

"Ang lakas ng loob mong magutos para lang takutin ako!!" Sigaw ni Zoe.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala akong alam sa mga pinagsasabi mo?!" Umilag si Athena ng humakbang pasaksak si Zoe.

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon