Chapter 26

3.5K 166 10
                                    

Pagod na ako, kanina pa ako nakatayo, wala ng bakanteng upuan na pwedeng maupuan, dahil puno na ang restaurant!! Kung kanina ay halos makita mo ang langgam sa sobrang linis ngayon ay halos mahilo na ako sa dami ng tao dito.

"Hoy!! Pakidala kako ito sa table 6!!" Inis ko syang binalingan bago kinuha ang order at dinala iyon sa table 6.

Naglibot ang paningin ko at umusok ang ilong ko nang makita ko si Dash prente itong nakaupo habang nakatutok sa cellphone. Wala syang ambag iyong pagpunas nya lang sa lamesa kanina ang naitulong nya.

Lumapit ako dito at tinapik sya, lumingon naman ito sakin, inginuso ko ang mga tao pero nagsalubong ang kilay nito. "Aren't you going to help us?!" Mahinang sigaw ko sa nangigigil na tono.

"What? I already helped earlier." Napahilot ako sa sintido ko. "Besides you didn't kiss me." Nanlaki ang mata ko.

"Yang bibig mo ah ayus-ayusin mo kung gusto mong gumanda pa yang buhay mo."

"Ikaw ang umayos sa bibig ko." Aniya saka kinibot-kibot pa ang labi nya. Ang kamay ko ay walang pasabing nahampas ko sa bibig nya.

"Gago!!" Napalakas ang sigaw ko, nagsitinginan ang mga tao sakin, si Ethan naman ay nangaasar habang nagbibigay ng sukli.

Umalis ako sa harapan nya napagpasyahan kong pumasok sa loob ng kitchen, nadaanan ko si Ethan, malaki ang ngisi nya. "Ano yon? Kayo ah." Itinaas ko ang gitnang daliri ko na ikinatawa nya naman.

"Anong ginagawa mo dito?" Luke.

"Im tired." Pinagpatuloy nito ang paghihiwa nya sa mga rekado Mayat-maya ay tumitingin sakin, wala akong nagawa kundi ang ngitian sya.

He's perfect, a boyfriend material. He's good looking. His face his attitude all of it, its all attractive. His eyes is his asset.

"Baka matunaw ako nyan ah?" Pabiro nito, nahalata pala nya ang pagmamasid ko sakanya.

"What are you cooking?"

"Itinuro lang saakin ito ni Henry kanina, this is one of their best dishes here. Its sisig." Mabango ito, ang amoy nya ay talagang nanlalamon ng gutom.

"Is that delicious? I haven't tried it yet." Kumuha ito ng kutsura at kumuha ng unti doon, inilapit nya ito sa bibig ko.

"Wow, this is delicious." Saka kinuha ang kutsarang hawak nya atsaka kumuha uli ng bago don.

"Hindi pa tapos yan, wag mo masyadong pagdiskitahan." Habang tumatawa

Natigil kami ng biglang may napuntang kawali sa mismong harapan ko, tinignan ko kung sino ang may gawa niyon. Anong problema nito?

"What the hell!! Hoy kung magtatapon ka wag sa harapan ko pwede ba?!"  Sigaw ko sa kanya habang lumalapit, pero hindi nya ko pinansin.

"Henry!!" Biglang sigaw nya. Aligagang pumunta kaagad sakanya si Henry.

"Anong mayron?"

"I'll cook. Ako lang."

"Pe-pero--" Bastos. Umalis ba naman kaagad sa harapan namin at dumiretso sa puwesto ni Luke. Taka naman syang tinignan ni Luke pero ang tingin nya kay Luke ay naniniliksik.

"All of you!! Get out!!"

"Pero--" Lumabas si Henry ng biglang ilabas ni Dash ang dagger nya at pinatong iyon sa lamesa.  Nagsisunuran na ring lumabas ang iba, kami na lang ni Luke ang natira sa loob nagkatinginan kami at nagtanguan.

Sasabay na sana akong lumabas sakanya ng bigla na namang may kumalabog. "You, stay here." Hindi sya nakatingin sakin, sinong kausap nito?

"Who are you talking to?"

"You!! I'm talking to you!! You get out." Duro kay Luke. "And you stay here." Habang nakaturo saakin.

Umupo na ako sa inupuan ko kanina, pinagmasdan ko sya, tinignan nya ang mga orders, Napabuntong-hininga muna ako bago magsimula.

"Eyes on me lady." Nangunot ang noo ko, ano gusto nya, tignan ko lang sya magdamag dyan? Siraulo talaga.

"Watch me, I can prove it to you that I can cook better than him." Ano bang kinakasa ng bibig nito? Di mo maintindihan kung nakikipagbiruan o seryoso.

Bakit ba hindi sila umiiyak sa sibuyas? Samantalanag ako ay nakakaisang hiya pa lang ay umiiyak na. This is unfair.

Nang abala na ito sa pagluluto ay palihim kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko, dahil talagang aantukin lang ako kung titignan ko lang syang magluto.

May Social media ba to?

Hinanap ko ang pangalan nito sa Facebook at walang lumabas don, sa ig ay sinubukan kong hanapin at nagtagumpay naman ako.

Akala mo naman ay crazy rich Asian dahil sa profile nya rito. Wala syang finafollow, mismong mga taong ang nag follow sakanya. Maayos pa ang pagmumukha ko sa una pero ng nasa gitna na akong kanyang profile feeds ay ibinalik ko ang cellphone sa wallet ko, nawala ang ngiti ko at napalitan iyon ng pagkainis, inioff ko sa cellphone ko atsaka binalik ang tingin sakanya na abala pa rin hanggang ngayon.

Walang syang saplot at nakabini lang ang babae. Magkaharap ang dalawa, Sa litrato ay nakatalikod ang babae at kalahating mukha lang kita rito, nakahawak ang babae sa dibdib ni Dash, ang kamay naman ni Dash ay nakapulupot sa Beywang ni Hailey.

Anong ginawa ni Hailey sa kanila? Bakit ganon na lang ang naging reaksyon sakin ni Ryker ng malaman nyang mag pinsan tayo. Nagkaroon ba sila ng relasyon? Iyon ang ilang mga tanong sa ulo ko.

Natigilan ako sa pagiisip ng biglang may kumalansing na babasaging plato. Tahimik ang paligid kaya rinig mo iyon. Saglit nyang tinignan ang niluluto nya, sinuri-suri nya pa iyon bago kumuha ng kutsura at kumuha at inilagay iyon sa plato. Nagtataka naman akong nakatingin sakanya ng iabot nya sakin iyong plato.

"Try it. Tell me what it taste, if its enough or not, tell me whats missing." Kunot-noo kong tinignan ang luto nya bago ko kinuha sa kamay nya.

Mabango. Nakakatakam. Nakakagising ng sikmura. Marunong rin pala syang magluto?

Kinuha ko ang kutsara sa kanya at kumuha ng kaunti sa plato, nakatingin lang ito sakin ng sumubo ako.

"What do u think? Masarap ba?" Kaagad na tanong nito sakin, malamang ikaw na yan eh, aangal pa ba ako.

"Masarap, pero mas masarap pa rin talaga iyong luto ni Luke na ipinatikim saakin kanina." Pagbiro ko pero inako nya ata iyon kaya galit na galit ngayon, umalis sa harapan ko at inoff ang apoy at tinanggal na ang kawali sa kalan.

Nang mawala sya ay parang patay gutom kong kinain ang pagkain na ibinigay nya sakin. Mas masarap to kung may kanin!!



@✔

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon