Chapter 35

3.2K 154 7
                                    

Dash Point of View

Tumatawa-tawa ito habang hawak ang buhok na pinutol nya sakanya, tumigil ito sa harapan ni Zoe, isinampal ang buhok sa pagmumukha nito, kaagad naman itong napahiyaw sa sakit.

"Sa susunod ay daliri mo na ang hahampas sayo mismo." Nakakaloko itong ngumiti.

"Hindi mo ako matatakot!!"

"Hindi kita tinatakot." Saka ay lumayo na ito sakanya, sandali pa syang tumawa sa harapan nito.

"Gusto mo na bang makaalis?" Hindi ito nagsalita. "Patayin mo muna sarili mo sa harapan ko, baka mas sumaya pa ako sa gagawin mo."

"Bakit hindi ikaw ang pumatay sakin, natatakot ka?" Ngumisi ito.

"Natatakot ako sa pwedeng mangyari sayo."

"Ayusin nyo yan, bahala kayo kung anong gagawin nyo dyan. Mauna na ako." Pagpaalam nito. "Enjoy with my boys!" Pahabol nya.

Bigla ay lumapit saakin si Luke. Tinitigan pa nya ang babae atsaka ngumisi, nangunot naman ang noo ko. "Why are you laughing?"

"Look at her face."

And there I look at Zoe, she looks scared. Damn that girl, lakas mang asar. Tinignan ko ang gamit na inilabas nya kanina. Saan naman kaya to galing, bakit may ganito ang babaeng iyon.

"Why don't we make fun of her."

"Yeah that's good idea."

"No!!"

"Shh shut up Zoe, let us do what we want on you, you'll like this." Natawa ako ng padaplisin nito ang kamay nya sa hita nito, nakatalikod sakanya si Zoe kaya hindi nya kita ang reaksiyon sa pagmumukha ni Ryker. Nangangasim ito ngayon at talagang hindi nya gusto ang ginagawa nya.

"No, please no!!"

Bigla ay sinampal siya ni Ethan. Nalatahimik ito at napayuko pero hinawakan sya sa panga nito atsaka inangat ang ulo, umiiyak.

"Bakit ka umiiyak?"

"Stop this."

"Nung tinulak mo ba sya tinigilan ka? Hindi diba? Bakit titigilan ka namin?" Ang isang kamay nito ay naglakbay papunta sa likuran, kinuha ang dagger na nakapatong sa lamesa.

"Maganda ata kung may design iyang mukha mo, ano gusto mo pahiwa or ekis." Umiling- iling naman kaagad ito.

"Hays hindi naman ako nagtatanong kung tama o hindi, ang tinatanong ko ay kung anong gusto mong peklat, iyong pahiwa ba, o ekis." Tumahimik lang ito.

"Baka ata gusto ng cross malay mo biglang magbago ang takbo ng utak nya at palagi nang pumunta sa simbahan." Sabat ni Jasper.

"Aoah, ang ganda ng suggestion mo."

"Ano ba nasasaktan ako!!"

"Talagang masasaktan ka sakin lintek ka!!" Nasampal nya ito, tumunog ng pagkalakas-lakas ang sampal nito.

"Pasalamat ka hindi ka ginalaw ng babaeng iyon kung hindi ay talagang nasa lamay ka na ngayon pinagkakapehan ng pamilya mong piling nakaangat bagsak na bagsak naman!!" Bigla ay lumukot ang mukha nito. Nainis ata sa sinabi ni Ethan. Humanap ako ng pwedeng mauupan atsaka umupo doon, sumunod naman saakin si Luke.

"What?!"

"Ano?! Makaarte ka peke naman iyang mga gamit mo!!" Mas sumama ang timpla ng mukha nito.

"He changed." Aniya ng katabi ko, saglit kong binalingan ng tingin si Ethan at saka humarap sa kanya.

"He is."

"He was brutally before. Hindi nanaasar, hindi nya pinapatagal ang usapan, sya pa mismo ang maikli ang pasensya sa ating lahat. I'm not updated about him anymore." Saka ay umupo sa tabi ko.

Ethan. At his age, he taught many things. He's brave, strong, and dangerous before. There's something changed on him, he become childish, soft and become patience, everything changed when that girl came. Hailey.I know something is wrong. Ethan wouldn't be like that for no reason.

"Aba ang kapal mo ah!! Baka gusto mong ipalunok ko sayo itong balisong ano?!"

Tumayo na ako atsaka inawat sya, ang ugat kasi sa leeg nito ay naglalabasan na, ang hawak nyang dagger ay kinuha ko at inilapag sa lamesa.

"Calm down."

"Lintek ka Zoe!!! makita mo pag nagiisa ka lang na nakita kita ako mismo puputol dyan sa ulo mo isasabit ko sa billboard yan!!!"

Hinila ko na ito papalabas bago pa sya mawala sa kontrol. Bumuntong-hininga ito nang makalabas. Bumalik sa dati ang mukha nya, inosente, walang alam, isip bata. This is not him.

"K-kuya alis na ako, sasamahan ko na lang si Ate sa camp site."

"Be careful."

"Wag nyong papaalisin ang babaeng iyon na walang bawas ang katawan." Aniya saka tumalikod na saakin. Iiling-iling naman akong bumalik sa loob.

Naabutan ko ang mga ito na nakapalibot kay Zoe, hiyaw ito nang hiyaw. Anong pinaggagawa ng mga to?

"Stop!!!"

"Jade!! Jade help!!"

"Wala si Jade busy, akala mo naman talaga eh maririnig ka ng gagong yun? Parehas lang naman kayong tanga."







Ethan's Point of View

Pabalik sa camp site namin ay natigilan ako. May tao. Alam kong nasa paligid lang sya nagtatago, pero ang presensya nya ay hindi nakatago. Lumingon ako sa gilid ang halaman doon ay biglang gumalaw. Baka iyong babae na nakagintong maskara. Iyong laging nasa kwarto ko.

I know. I know that she always visits my room. Tuwing papatak ang gabi biglang may papasok sa kwarto ko, alam kong sya yon, dahil ang gintong maskara nya ay nakita kong nakapatong sa lamesa katabi ng higaan ko, hinanap ko sya ng magising ako pero walang tao, hanggang sa makatulog uli ako at paggising ko ay wala na don ang gintong maskara.

"Sino ka?"

"Lumabas ka dyan."

"Liam?" Sa halaman katabi ng punong naglalakihan ay lumabas sya don. "Anong ginagawa mo dito?"

"May camping rin kami, naglibot lang ako kaya napunta ako dito at–" Natigil ito saglit "Nakita kita. Saan ka galing?" Aniya.

Itinuro ko ang isang direksyon na dinaanan ko kanina lang paalis sa maliit na bahay na iyon.
"Anong ginawa nyo dyan?" Nagkabit balikat naman kaagad ako.

Makatanong. Hindi tayo close.

Walang pasabi na tumalikod ako at magpapatuloy na sana sa paglalakad ng tawagin uli ako nito.

"Bakit?" Umiling naman kaagad ito, umalis na ako ron.

"Nasan na sila?" Kaagad na tanong saakin ni Ate pagkarating ko.

"Nandoon pa, anong niluluto mo?"

"Ramen. Nagutom ako hinalungkat ko ang mga gamit ko at nakita ko ito. Umupo ka na." Hawak ang itlog ay nilagay nya iyon sa kumukulong tubig. "Ano nang nangyayari don? Si Zoe baliw na ba?" Aniya saka tumatawa-tawa pa.

"Ang ingay nya." Iyon lang ang nasabi ko. Totoo naman talagang maingay ang babaeng iyon.



@✔

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon