Chapter 11

4.3K 171 3
                                    

"Dad where are you going?" Tanong ko sakanya ng makababa ako sa hagdan, pormal na pormal kasi syang nakasuot.

"I have business trip in America, Uuwi rin kaagad ako." Aniya

"Pagkauwi ko ay dapat wala na iyang mga puting tapal dyan sa ulo mo, naiisip mo?"

"Yes Pa."

"Magiingat ka, aalis na ako."

"Okay." Maganda iyon. Dahil wala sya ay pwede akong umalis ng bahay tuwing gabi at tawagan ang mga kaibigan ko para magkita.

"What with that smile? If you're thinking your free because I'm in other country, doon ka nagkakamali, may inutusan akong magmasid sayo sa malayo, kaya kahit nasa malayo ako ay malalaman ko ang pinaggagawa mo." Nabawi ang saya ko napalitan iyon ng pagkainis.

At talagang nag hire pa sya?!

"Have a safe trip Pa." Binigyan nya ako ng isang mahigpit na yakap bago umalis.

Tumungo ako sa sala at naabutan doon ang napakaraming pagkain na inihanda ng mga katulong.

"Bakit andami naman ata nyan?"

"Ang sabi po kasi ng Papa nyo ay damihan ang pagkain para sainyo." Loko talaga iyon, alam naman nyang hindi ako nag he-heavy breakfast eh.

Tinignan ko ang mga naka hilerang mga maid sa tabi ng hapag kaininan. Tinuro ko ang mga ito. "Umupo kayo." Taka naman nila akong tinignan "Samahan nyo ako mag-agahan." Kahit na nalilito ay sinunod pa rin nila ang utos ko.


Nagsimula na akong kumain, pero natigilan ako sa pagsubo ng nang makitang hindi sila kumukuha ng pagkain.

"Anong ginagawa nyo?"

"Ma'am?"

"Bakit hindi kayo kumakain?"

"Ang sabi nyo Ma'am ay samahan namin kayo." Napahilot ako sa sintido ko, sandali silang sinulyapan ng tingin atsaka bumuntong-hininga.

"Kumain kayo." Napakamot naman sa ulo ang mga ito at saka kumuha na ng makakain nila.

Pagkatapos ko ay nagpaalam na ako sakanila at pumunta sa kwarto ko para maligo. Hindi nagtagal ay bumaba rin kaagad ako, Alas-diyes na.

Napagpasyahan kong huwag munang tumuloy sa classroom, wala rin namang nag tuturo ron. Pumunta ako sa garden ng paaralan at doon napag- pasyahan munang tumuloy. Nilibot ko ang aking paningin, nang makitang wala namang nakatingin ay agad akong tumaas ng puno para doon mamahinga.

Ang sinag ng araw ay tumatama sa kalahati ng aking mukha, bahagya akong napapapikit habang nakatingin sa building namin. Maaliwalas at presko ang hangin dito sa taas ng puno.

Sumandal ako sa puno at inayos ang pagkakahiga. Hindi ko namalayan na nilamon na naman ako ng antok.



Zoe's Point of View

"Has she already moved on from what we did to her?" Natatawang aniya, maski ako. Ay natawa na rin. Bitches.

"Hindi pa ata, may mga nakatapal pa sa uluhan nya eh, napalakas ata iyong paghampas mo sakanya." Habang nakatingin saakin na may nakakalokong mukha, Tila inaalala ang pangyayari.

"What will be our next move Zoe?" Nagkabit-balikat naman ako sa kanya, habang ang paningin ay nasa guro na nagtuturo sa harapan.

"I dont know. I can't think of anything to do yet." Aniya ko habang ang paningin ay nasa harapab pa rin.

Sandaling namayani ang katahimikan sa aming tatlo, ang aming paningin ay nakatuon sa harapan. Hindi pa ba sya matatapos sa kaka dada nya sa harapan? Nagsimula na akong mairita ako sa kaniya.

"Hindi man lang tayo binalikan ng babaeng iyon haha I'm sure ayaw nyang magkita uli ang landas natin." Rebecca.

"You're not sure about that. Malay mo ay iganti sya ng Section Death." Lianne.

"O ng ibang tao." Nagsitinginan ang dalawa sakin.

"What do you mean by that?" Nagkibit-balikat naman ako sakanilang dalawa at muling itinuon ang atensyon sa guro.

Hindi man lang ba nya kami gagantihan? Oh well baka hindi nya kami nakilala, ofc ikaw ba naman biglang paluin kaagad, makikilala mo pa kaya kung sinong may gawa non saiyo.

"What do you want for lunch?" Tinignan ko ang menu sa na ibinigay nya saakin. Itnuro ko ang gusto kong kaninin, kaagad na humilera ito sa linya.

"I'll leave first, comfort room lang." Paalam ko tumango naman saakin si Lianne.

Nang makapasok ako sa cr ay walang katao-tao sa loob, tumingin ako sa salimin at inaayos ang sarili doon.

"Zoe." Isang tinig ang kumawala sa loob. Inilibot ko ang paningin ko sa loob pero wala namang tao. Guni-guni lang yan.

"Zoe, Zoe, Zoe." Sunod sunod na tawag sakin, ang pangingilabot ay nabuhay sa sistema ko.

"Kilalanin nyo muna iyong tinitira nyo sa likod." May bumagsak sa likuran ko. Isang pigura ng tao na pawang nakasuot ng itim, mata lang ang makikita mo. Hindi mo makikilala kung babae iyon o lalaki.

"Sa malayuan, narito ako palagi kitang pinagmamasdan." Seryoso, malamig at nakakatakot ang boses nya.

"Galawin nyo na ang lahat wag lang ang babaeng iyon, naiintindihan mo?" Hindi ko nagawang makasagot. May malamig na bagay ang nakatutok sa likuran ko.

"Naiintindihan mo?" Aniya habang mas idinidiin pa ang kutsilyo sa likuran ko.

"S-sinong tinutukoy mo?!"

"Sino? Nagpapatawa ka ba?"

"Hindi ko alam iyang sinasabi mo." Sarkisto itong tumawa pero sumeryoso din naman kaagad

"Athena, Iyong ikinulong nyo sa bodega. Gusto mo bang tulad ng ginawa nyong tatlo sa kanya ay gawin ko rin sainyo? O gusto mo ng ibang paraan." Nangunot ang noo ko sa sinabi nya. Alam nyang kami ang may gawa noon?! Pero nang gawin namin iyon ay sinigurado naming walang makakakita sa amin!!

"Naalala mo na ba? O baka gusto mong ipaalala ko pa sayo."

"Bitawan mo ko!" Sigaw ko, pagak naman itong tumawa, at nalolokong inigigilid ang ulo.

"Hindi kita hinahawakan." Aniya sa tatawang boses nya.

"Pero ilayo mo iyang matalim mo!" Sa halip na ilayo ay mas inilapit nya pa iyon, bahagyang nabutas ang uniporme ko at nakapasok na ang patalim niyon sa loob kaya ramdam ko ang tulips nito.

"Layuan nyo ang babaeng iyon."

"Who are you?"

"You will go to hell if i tell you."

Inilayo nya ang patalim na nakatutok sa likuran ko, nakaramdam ako ng kaluwagan. Paano ako makakaalis dito? Tinignan ko ang tao sa likuran ko gamit ang salamin na nasa harapan ko. Nakatitig sya saakin ngayon parang inaaral ang itsura ko.

"This is just a warning."

@✔

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon