Chapter 24

3.7K 161 9
                                    

Dash Point of View


Kita ko ang pagkagulat nya sa ginawa ko, tinignan ko lang ito atsaka nauna nang lumabas. Iniwan ko ang mga ito at nauna na ako. Sa building namin ay kaagad akong nagtago sa pader para hindi makita ng lalaki. Parang may hinahanap ito. Lukot na kukot ang kanyang pagmumukha, natigilan ito sa paglalakad ng tumunog ang cellphone nito.

"Walang tao!! Walang babae dito!!" Naiinis na sigaw ng lalaki

"Hindi ko alam!! Basta walang tao rito sa building nila!!"

"Ano?! Magpapalit ka uli ng plano tapos ano kapag pumalpak ay kami ang sisisihin mo?!"

"Kukunin pa rin ba namin iyong babae? Wala nga sya dito ngayon. Hindi ko alam kung san nagpunta. Bakit hindi ikaw ang pumunta rito? Bakit hindi ikaw ang kumuha sakanya?!" Inis nitong ibinaba ang cellphone nya.

Tumalikod ito, kinuha ko ang dagger na nakakabit sa beywang ko, pumwesto ako para tirahin ang paa nya.

"Ahh!" Natigil ito sa paglalakad at natumba sa sahig. Lumabas na ako sa pinagtataguan ko.

"Sinong kausap mo?" Hindi ito sumagot.

"Sinong kausap mo?" Ulit kong tanong, tinanggal ko ang dagger na nakaturok sa binti nya at dinaganan iyon ng paa ko, napahiyaw ito sa sakit.

"Ahh!! Hindi ko sasabihin!! Wala akong sasabihin!!" Mas diniinan konang pagkakatapak sa saksak nya. Nakarinig ako ng yapak, Ang lalaki ay pilit kong pinatayo. Hinawakan ko sa kwelyo at inihulog sa building, tinignan ko naman ito, naunang bumagsak ang balakang nya, bagamay hirap tumayo ay pinilit nya ang sarili, paika-ika itong tumakbo.

"Ano yun?" Tanong nang kakarating lang. Tinignan nya iyong tinitignan ko.

"Sino yun?" Nagkabit-balikat namn ako.

"Hinahanap si Athena, may kausap sa telepono, kukunin daw nila si Athena. Nang magtanong ako kung sinong kausap ay hindi nagsalita." Nagsisunuran nang magsitaasan ang mga ito, nangunot ang noo ko nang hindi ko sya makita.

"Where's Athena?"

"You missed me?"

"In your dreams."

"Sungit."




Athena's Point of View

"Where's Athena?" Pagkataas ko pa lang ay narinig ko na ang pangalan ko.

"You missed me?" Bagamay naiinis ako sakanya ay iinisin ko na rin sya, be fair enough.

"In your dreams." Aniya saka umalis sa harapan ko. Gustong-gusto ko ibato sakanya ang hawak kong tumbler.

"Sungit." Nang makalayo ito ay iniabot kay Ethan ang tumbler nya. "Hawakan mo yan" napasimangot naman ito

Nagsipasukan na kami pero nagtaka kami ng biglang pumasok ang adviser namin. "Pwede na kayo umuwi ng maaga ngayon, magkakaroon ng meeting ang mga teachers." Nagsihiyawan naman ang mga lalaki.

"Also, you are now allowed to join the events, next week there will be a camping, you're free to come." Mas lalong nagsihiyawan ang mga ito.

"Thank you sir!"

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon