Chapter 31

3.4K 141 4
                                    

Nagising ako sa lamig, bukas ang tent namin, at ako lang ang nasa loob ng tent, Nasan na yung mga kasama ko? Atsaka paanong napunta ko dito?! Sa puno ako nakatulog kanina. Sino naman bumuhat sakin dito, iyong manyakis na yun? Jusko.

Hinanap ko ang jacket ko sa bag, nailabas ko pa lahat ng lagay non kasi sa pinaka ilalim ko pala ito nalagay. Pagkakuha ko sa jacket ay ibinalik ko ang mga gamit, saka umalis na don. Luminga pa ako ng makalabas ako, tulog na ang mga tao.

Naglakad lang ako nang naglakad, sinundan ko lang ang agos ng tubig, may talon dito. Malakas ang tunog ng tubig kaya't rinig na rinig mo iyon.
Nang marating ko ang talon ay umupo ako doon at tinanggal ang tsinelas ko at inilagay ang paa sa tubig, sa puno ay may pigura doon. Kaagad akong tumayo at isinuot ang tsinelas at pinuntahan ang puno. May natutulog.

"Luke?"

"Hey." Tinapik-tapik ko ang mukha nito. Anong ginagawa nito dito?

"A-athena." Nagulat pa ito at umayos ng pagkakaupo saka inayos ang buhok. "What are you doing here?" Nagkabit-balikat naman kaagad ako at sumandal sa puno na syang kinasasandalan nya rin.

Tumingin ako sa langit, maganda ang tanawin dito, para kang nasa ibang dimension. Sumasabay sa ganda ang talon, ang nagbabagsakan nitong mga tubig.

"Peace? Maganda ang surroundings dito." Tumango naman ako.

"The moon is beautiful isn't?" Natigilan ako. Ang kaninang paningin ko sa langit ay napunta sakanya.

"Your beauty is gorgeous like the moon, its mesmerizing me." Aniya. "I like moon." Habang ang paningin ay nasa akin.

Biglang kumulog ng malakas, naiwas nito ang nitong sakin habang ako ay nasa kanya pa rin ang tingin. Pinagsasabi nito.

"Bumalik na tayo, baka abutin tayo ng ulan, baka magkasakit ka pa." Saka hinila ang kamay ko, sa kakahuyan ay may nakita akong anino, nagtatago ito at ayaw magpakita samin. Sino yun?

"Teka may tao." Tumigil naman kami. Biglang nawala sa paningin ko iyong tao. Nasan na yun?
"Nawala. Tara na. Baka si Zoe lang yon, baka crush ka tapos nakita tayo, nagselos satin kaya nag walk out." Biro ko, natawa naman ito.

Bumalik na kami, nang makita kong nasa loob na ng tent si Dash ay nagtaka ako. "Wala to kanina dito eh." Tinignan naman ako ni Luke. "Kagaya mo ay wala rin to kanina. Saan naman kaya to pumunta." Baka may dinate na maligno.




Dash's Point of View

"Your beauty is gorgeous like the moon, its mesmerizing me." Natigilan ako sa paglalakad ng marinig iyon, di kalakasan at natatabunan ng tunog ng bagsak ng tubig.

"I like moon." Gumilid ako at nagtago sa puno. Magkatitigan ang dalawa. Bigla ay kumulog naputol ang pagtitigan ng dalawa pero ang paningin ni Athena ay nanatili sakanya.

"Bumalik na tayo, baka abuti tayo ng ulan, baka magkasakit ka pa." Hinili ni Luke si Athena, nagtago ako at pilit na isiniksik ang sarili sa puno.

Damn it.

Umalis na ako ron ng makita ako ni Athena, tumakbo ako hanggang sa makarating sa tent. Inayos ang pagkakahiga at nagkunwaring tulog. Mayat-maya ay nandito na iyong dalawa.

"Wala to kanina dito eh." Ipinikit ko ang mata ko. "Kagaya mo ay wala rin to kanina, Saan naman kaya to nagpunta." Wala na akong narinig pa.

Nang maramdaman kong wala ng kumikibo ay nagmulat na ako ng mata, she's beside me. Hindi ko pagtatabihin ang dalawa. Nasakin pa rin ang hulik palakpak.

"You're incredibly beautiful." Mahinang sambit ko habang nakatitig sakanya.

"I heard it." Bigla ay sinipa ko ang paa nya.

"Fuck you. Confessing lowkey huh? At talagang dinaan mo pa sa buwan, gago." Natawa naman ito. Hindi na ito nagsalita pa kaya natulog na rin ako.





Athena's Point of View

"M-may bukol." Nagising ang diwa ko ng may maramdaman ako sa likuran ko. "Oh my god."

"Hey."

"H-h-huwag kang gagalaw!! May ahas sa likuran ko!!" Nagpapanic kong saad, bigla ay tumigas iyon. Anong klaseng ahas to?!

"Oh my god, the snake is hard!!" Umalis ang nasa likuran ko, nawala iyong matigas sa likuran ko, kinakabahan akong umupo at patakbong lumabas sa tent.

"Ate?"

"Anong nangyari sayo?"

"Ayos ka lang?"

"Im fine." Piste asan na yung ahas. Lumabas si Dash sa tent, nagpalit ito ng damit, sando. "Ano asan na yung ahas? Bakit na wala ata?" Tanong ko ng makalapit ito sakin.

"Tinapon ko na, it won't bite, its not venomous." Tumawa pa ito sa harapan ko.

Kinakabahan ako tapos sya tumatawa pa?! This is unfair!!

"Here, mag breakfast ka na, pupunta na dito Mayat-maya si sir. Magsisimula na ata ang activity." Inabot saakin ni luke ang plato, may laman na iyong hotdog, ham at egg.

"Ang aga nyo naman ata?"

"Alas quatro nang magising ako, biglang umulan, buti na lang ay di nagtagal kaya hindi lumapok iyong lupa dito." Umulan? Bakit di ko man lang naramdaman. "Hindi na ako nakatulog pa kaya lumabas ako at ikinabit ang duyan at saka nag basa ng libro, alas-singko ng biglang lumabas sa tent si Henry. Ang sabinnya ay magluluto na sya ng agahan para daw paggising nyo ay kakain na lang kayo." Mahabang salaysay nito.

"Eh iyan?" Sabay nguso ko kay Dash.

"What? Parehas lang kayo ng oras na lumabas ng tent." Tumango na lang akl at sinimulan ko ng kumain. Hindi na din naman sya dumada kaya nagpatuloy na lang kami sa pagkain nang biglang dumating iyong madaldal at kung ano ano nanaman ang pinagsasabi. Buti ay bumalik kaagad ang sigla nya, hindi kagaya noong mga nakaraan.

"May papaliguan ba dito? Sana may ilog dito para makapag swimming ako!!" Sabay taas sa kamay nya at animoy lumalangoy, muntik pang mahulog iyong hotdog na nakatusok sa tinidor na hawak nya.

"Walang ilog pero may talon." Bigla ay kuminang ang mata nito.

"Talaga?! Paano mo naman nalaman na may talon dito ate? Nakapunta ka na ba dito dati?!" Sunod-sunod na tanong nito sakin, nagkabit-balikat naman ako sakanya. Ang ingay.

"Pinuntahan namin kagabi."

"Namin?"

"Im with Luke."

"Hoy!! Sinasabi ko sayo Luke itutusok ko sayo itong tinidor kapag nagkataon."





@✔

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon