Chapter 23

3.6K 149 10
                                    

"Grabe ang sarap mo pa rin talagang magluto!!" Sigaw ni Ethan habang ninanamnam ang sinigang na hipon.

"Try this one, si Athena mismo ang nagtimpla nyan." Habang itinuturo ang Caldereta.

"Baka may lason yan ah?" Sinipat-sipat pa nya ang karne don, napairap naman ako, mukha ba akong nanlalason.

"San ka natuto magluto?" Hindi ko yon sinagot at saka Nagkabit-balikat lang sakanila habang kumakain.

Hindi naman gan'on kadami iyong kinain ko kaya natapos kaagad ako, ang mga ito ay busy pa rin sa pagkain nila. Nagtama ang paningin namin kaya't inirapan ko sya, King ina ka.

"Bayad nyo?" Bigla ay sumingit si Henry. Nagsitinginan ang mga ito sakin, Dinuro ko  naman ang mga ito.

"Kakapal ng mukha nyo!" Wala akong ipambabayad. Dala ko nga ang wallet ko pero wala akong cash. Tinignan ko naman si Dash, sa pagkakaalam ko ay mayaman to eh.

"Bayaran mo." Sabay nguso ko sa mga pagkain, nagsalubong ang nagkakapalan nitong kilay. "Kaysa sa bulok yang pera mo dyan sa wallet mo." Maraming laman ang wallet nya. Nang magkataon na nakuha ko ang wallet nito noon ay nakita kong naninikip na ang cash nya sa wallet.

Tumayo ako sa inuupuan ko at pumunta sa pwesto nya, hinawakan ko sya sa balikat, inangat nya ang tingin kaya nagkasalubong ang tingin namin, nginitian ko naman ito at suminghal sya. Sapakin kita dyan eh.

"Pay our bills. I'll give you a kiss." Binaba ko ang katawan ko para magpantay ang labi ko at tenga nya at saka bumulong don.

"Damn it, stay away from me!!" Aniya sakan tinanggal ang pagkakahawig ko sa balikat nya. Ngumiti ako ng napakalaki ng makitang inilabas na nya ang wallet nyang buntis sa sobrang laki at lapad nito.

"Yan ang gusto ko, nagbabayad." Sambit ni Henry habang binibilang ang parang iniabot sakanya ni Dash.

"Henry, kung hindi mo mamasamain, pwede bang tumulong kami sayo rito kahit papaano? Para naman makabawi kayo at umabgat uli itong negosyo nyo." Natigilan ang lahag ng magsalita ako. Napako ang tingin nila saakin.

"Nako wag na, baka makaabala ak--"

"Tutulong kami, diba Section Death?" Saad kk habang pinanlalakihan sila ng mata, napalunok ang mga ito ng bumaba ang tingin nila sa kamay ko na may hawak na kutsilyo.

"Oo naman bakit hindi?" Mabilis pa sa mabilis nang sabihin nila iyon. Marunong naman pala akong kausapin eh, gusto iyong tinatakot pa.

"Salamat." Nahihiyang tugon nito saamin.

"Aalis na kami ah? Kailangan na rin kasi naming bumalik sa skwelahan, magkita na lang tayo sa week ends, free kami tuwing week ends wala naman kaming ginagawa nyan. Sege na, by the way ang sarap ng luto mo--"

"Ano ka ba?! Nakita mo ng may kausap 'yong tao bigla mong hihilain?! Nasan ang kahihiyan mo?!" Sigaw ko, pero wala ata itong narinig dahil tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad. "Bingi ka ba?!" Bigla ay nabato ko sya ng nakuha kong plastic pot.

"What's your problem?!"

"You're my problem! Bitawan mo ako at Umalis ka sa harapan ko. Nagiinit ang dugo ko sayo, layas!!"  Sigaw ko rito.

Muli ay tumingin ako sa likuran ko at kinawayan si Henry bago sumakay, syempre ako uli ang nasa unahan at sya pa rin ang nasa tabi ko. Nananadya ata itong hinayupak na to.

Nang makarating kami sa highway ay agad kong pinabilis ang takbo ng sasakyan, nagsisigawan uli ang mga ito at ang hihigpit ng mga hawak sa upuan habang ang iba ay nagyayakapan, pero ang katabi ko ay nanatili lang ang paningin sa harapan.

"Gagooo!! Ayaw ko pa mamatay!!"

"Tamaa naaa!!"

"Nasusuka akoo!!"

"Stop the carr!!"

"Athenaaaaaa!!"

Di ko sila pinagtuunan ng pansin, dahil ang katabi ko ang pinagmamasdan ko, hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha nya, blangko pa rin yon, pero ng tumingin ako sa kamay nya ay don halos matawa ako. Mahigpit ang pagkakahawak nya sa gilid.

Kaagad kaming nakarating sa skwelahan dahil sa bilis ng andar ng van. Nagsibabaan na ang mga ito dahil nasusuka na nga raw sila. Tinanggal ko na ang eatbelt na isinuot ko kanina, natigilan ako ng makitang nasa katabi ko pa rin pala sya?! Bakit di pa to bumababa.

Binuksan ko na ang pintuan, balak ko na sanang bumaba na may humawak sa batok ko at inihila iyon papunta sakanya. Amoy na amoy ko ang bango ng kanyang hininga, ang labi nito ay bahagyang gumalaw-galaw sakin. Siya na mismo ang lumayo, mahingal-hingal ko syang tinignan habang ang pagkakagulat ay hindi maalis sa mukha ko.

"Thanks to your kiss, I'm more satisfied with your kiss than the food I eat earlier." Aniya saka lumabas na. Naiwan akong tulala.

Ang pangalawang halik ko!!

Anong kasalanan ko at ganito kalala ang parusa sakin ng diyos!! Napakabait ko namang tao para parusahan ng ganito. Sa dinami-dami ng taong pwedeng makahalik sakin, bakit iyong pang hinayupak na yon?!

"Subukan mong paandarin to ng mabilis, hahalikan kita."

"I'll give you a kiss."

Halos manlumo ako ng maalala ko ang mga iyon, King ina sa sobrang kalandian mo pinapahamak mo yang labi mo.  Pinagtatampal ko ang sarili ko, kasalanan mo naman, panindigan mo yan.

Wala sa sariling bumaba ako sa sasakyan, naghihintay pala sakin ang mga ito sa loob ng gate. "Ang tagal mo. Anong ginawa mo sa loob?" Tanong nga mga ito.

"Nagorasyon ako may ibabarang kasi ako." Habang ang paningin ko ay nasa kanya, inaasar ako ng pagmumukha nya kahit na wala naman itong ginagawa. Baka ganon talaga kapag gago nanaasar ng walang ginagawa.

"Nakita ko yun." Lumapit sakin si Ethan, kinurot ko maman ito sa tagiliran, napahiyaw naman ito sa sakit ng pagkakakurot ko. "Aray ko ah?!"

"Ganyan ka na ah?! Porket nahalikan k--" tinakpan ko ang bibig nito, masyado kang maingay dapat sayo ay nilalagyan ng tape sa bibig!!

"Shut up!" Binelatan lang ako nito at saka tumakbo papaalis sa harapan ko. Lakas ng amats mo idol.

"Anong nangyari sayo? Para kang pinagsakluban ng langit at lupa."

"Walang nangyari!!" Napalakas ang boses ko, nagulat naman ito sa inasta ko, Nauna na akong naglakad sakanila. Pagkarating ko sa classroom ay kaagad akong pumunta sa gilid at dumukdok don.

King ina talaga.



@✔

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon