Chapter 15

4.1K 172 18
                                    

Someone's Point of View (1)

Babalik ako para sayo, para matapos na ang plano ko. Hindi ko aakalaing mapapalapit ka sa kanya. Ganon na lang ba kabait ang tadhana at tadhana na mismo ang nagpasyang ipaglapit kayong dalawa, Ano na lang kaya ang magiging reaksiyon mo kapag nalaman mo ang dilim ng nakaraan ng kapatid mo.

"Time is running."



Someone's Point of View (2)

Sa madalim, maliit at hindi kaaya-ayang amoy ng bahay na to ay nakatago ako sa dilim. Hinayaan ko ang paningin ko hanggang sa masanay ito at makaaninag na ako. Hindi ko sinasadyang mahulog ang libro sa harapan ko, bumukas ang pintuan ng kuwarto at doon lumabas ang hinahanap ko.

"Sino yan?" Luminga-linga ito sa paligid ng makitang walang tao ay sinarado nya ang pintuan.

Napunta ako sa sala at doon ko nakita ang isang kahon ng pakete ng mga marijuana. Nagkakalat ang mga babasaging bote at maliliit na pack ng marijuana mapa upuan o lamesa man.

"Sino ka?!" Hindi ko napansin ang kanyang presensya sa likuran ko. Biglang bumukas ang ilaw at napako ako sa kinape-pwestuhan ko. Dahan-dahan kong inayos ang pagkakatayo ko at hinarap sya.

"Death." Doon ay agad akong naka tiyempo at sinipa ang leeg nya, natumba ito at namimilipit na nakahawak sa leeg.

"A-ahh!! Putangina kung sino ka man ay mamatay ka na!!" Gigil na sambit nito habang nalilisik ang matang nakatingin saakin.

"Mauuna kang mamatay bago ako mamatay." Pumatong ako sakanya at hinawakan sya sa kwelo, ang pangigigil ay nandoon.

"Hindi ko papalagpasin ang ginawa mo." At malakas syang sinampal, ang mata nya mas lalong nanlisik pero hindi nya matatapatan ang galit ko sa oras na ito.

"Ano bang sinasabi mo?!"

"Ang pinaggagawa mo sa kapatid ko ay hindi makatarungan!!"




Athena's Point of View

"Buti naman at nagising ka na." Iniwan ko kasi sya sa kuwarto ng tapos na syang gamutin kanina, nakaupo na sya ngayon at sinusuri ang sulok ng kuwarto ko.

"A-anong oras na?"

"Alas-onse." Natigil ito at kaagad na tumayo, nagtaka ko naman syang tinignan, hinarangan ko ang pintuan.

"Saan ka pupunta?"

"S-si p-papa."

"Hindi ka na babalik don." Ang takot sa mata nya ay nawala. Nagtatanong ang kanyang tingin. Isinenyas kong bumalik sya sa kama at sumunod naman kaagad ito.

"Wala ka ng babalikan don, bukas na bukas ay nasa presinto na sya."

"S-saan na ako? W-wala na akong kasama."

"Ako, dito ka na sakin." Namuo ang munting luha sa gilid ng kanyang mata, tumayo sya at tumakbo papunta saakin saka ako yinakap ng mahigpit

"Thank you Ate."

"Kain na tayo,  nakapaghanda na ng gabihan ang mga katulong, hinihintay lang kitang magising para sabay tayo kumain." Tumango naman ito.

"Nasan ang nanay mo?" Ang kanyang paningin ay natigil uli sa portrait na nakalagay sa sala. "Wala, hindi ko alam." At saka binalik ang tingin nya sa linalakaran.

Sa hapag kainan ay natihimik, ni hindi man lang sya kumibo at nakatuon ang ang paningin sa pagkainin na nakahain sa lamesa. Bahagya akong natawa ng makita ang pagkalito sa mukha nya sa kung ank ang kakainin nya.

"Try this one, this is my favorite."

"M-masarap." Ngumiti ako.

"So how long your father been doing this? Why don't you ask for help." Aniya habang hinihiwa ko ang steak sa plato ko.

"Takot, n-natatakot ako sakanya, nawawala sya sa sarili nya." Tumango-tango naman ako, nakatutok lang ang paningin ko sakanya.

"Does Section Death know about your situation?" Mariin kong tanong. Hinintay ko ang sagot nya, matagal sya bago nakasagot.

"Hindi, ayaw kong ipaalam." Muling tumahimik ang presensya sa paligid, tinapos ko na lang ang pagkain ko at hindi na muling nagtanong sakanya, he's not comfortable. I can see it in his eyes. Traumatized.

"You want to watch after we eat dinner?"

"Gusto ko!!" Ang sigla sa mukha nya ay bumalik, ang kaninang takot at nawala at napalitan iyon ng ngiti. Napangiti naman ako, you're such an innocent angel to experience such things like this.

"Ipapaayos ko iyong isang kuwarto para sayo."

"W-wala akong gamit."

"That's not a problem, we're going to buy your clothes and others essential things tommorow."

"May pasok."

"We'll absent for tommorow, and besides walang matinong pagaaral don hindi ba." Hindi sya napapaniwalang nakatingin saakin.

"Totoo? Hindi mo ako ibabalik kay papa? Dito na ako titira kasama mo?" Naninigurong tanong nito, natawa naman ako. Tumatango-tango ako habang nakangiti sakanya.

"Hurry up, we'll watch upstairs in my room." Aniya ko, hinintay ko sya hanggang sa pagsawaan na nya ang mga pagkain at natapos na sya.

"How to Train your Dragon!!" Aniya nya ng tanungin ko sya kung ano ang gusto nyang pandering. Inayos ko ang kama ko at binuksan ang TV na nasa harapan lang ng kama ko. Hinanap ko ang gusto nya at sumandal sa heading ng kama ng magsimula na ang movie.

Pidnagmamasdan ko lang sya, ang ngiti sa kanyang mukha ay hindi na nawala. Yeah right, simula ngayon ay palagi ka ng masaya at hindi mo na mararanasan ang naranasan mo.

"Hey use this." Ibinigay ko sakanga ang unan ko.

Sa kalagitnaan ng panonood ay kaagad itong nakatulog, inayos ko ang pagkakahiga nya at kinubabawan sya ng kumot. Pinatay ko na ang TV at bumalik ako sa kama.

Nakatitig akong humiga sakanya, bahagyang kumunot ang mukha ko ng may nahalata sa kanya.

Bakit ganon? Bakit parang kilala ko na ang pagmumukha nya at nagkaroon na kami ng pagsasama noon. Ngayon pa lang kayo nagkakakilala Athena, huwag kang hibang.

"You look like my mother, you two have the same features, maybe we're relative or it's just a coincidence, pwedeng maging magkamukha ang tao kahit na hindi kayo magkadugo." Habang umiiling na sambit ko.

"I'll treat you better, like my own brother." Sambit ko sa mahinang boses.

Hindi ko maiwasang hindi magalit sa tuwing maaalala ko ang itsura nya kanina habang umiiyak sya sa harapan ko, para syang nawawalang bata at pinahirapan. Bukas na bukas ay pupuntahan ko ang papa nya kasama ang mga pulis. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa pagiisip.




@✔

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon