Chapter 25

3.6K 154 9
                                    

Someone Point of View

"Ipadala nyo ang mga tauhan natin!!" Sigaw ko sa mga ito nang makita kung nasang parte sila hinarang ng mga kalaban. Bangin.

"Hailey, talagang ginagalit mo ako, talagang dinadamay mo ang pamilya ko sa katarantaduhan ng pamilya ninyo." Lumabas ako ron, nagsiyukuan ang lahat ng makita ako, itinaas ko ang kamay ko pasabing iangat ang ulo nila.

"Where are you going?"

"My siblings are in danger."




Athena's Point of View

Sunod-sunod na nagsidatingan ang kalaban, pero laking pasasalamat namin nang may tumulong samin, hindi nagpakilala ang mga ito, lalo na ang babaeng may suot ng gintong maskara.

"Umalis na kayo rito!! Kami na ang bahala rito!!" Aniya. Wala kaming nagawa kundi ang sumunod na lang, dahil ang iba samin ay may nadaplisan ng bala. Iika-ikang pumasok sa van sina Jasper at lucas. Pinalibutan ang sasakyan ng mga taong bagong dating, kasama sila ng mga tumulong saamin, nagtama ang paningin namin ng babae, tumango sya na kaagad ko namang nginitian bago pumasok sa van.

"Sino ang mga iyon?!" Sigaw ni Jayden, walang sumagot saamin, umandar na ang sasakyan, habang papalayo kami ay nasa babae ang tingin ko.

Tatlong araw na ang nakakalipas nang mangyari iyon, ang mansion nila ay di kalakihan pero ang loob ay talagang masasabing mong pinaggastusan. Ako at si Luke ang gumamot sakanila. Hinatid nila kami papauwi, si Ethan ay hindi kumibo nang makauwi kami, pagkatapos nitong kumain ay nagpaalam na itong pupunta sa kuwarto.

"Gising na!!" Sigaw ko sakanya, muntik ko na makalimutan na may aasikasuhin pala kami ngayon.

"Ano ba!? Mamaya na ate!!"

"Gigising ko o ipapalapa kita sa mga alaga kong pirana?!" Ang pirana sa likod ng bahay, may sarili itong pond, bata pa lang ako ay talagang inalagaan ko na ang mga ito.

"Bumangon ka na dyan, may pupuntahan tayo." Iniwan ko ito at lumabas na sa kwarto. Kukuhanin ko sana ang cellphone ko sa table ko ng maalala kong hindi ko alam ang number nila. Grabe isang buwan na ako sakanila ay wala pa rin akong number man lang ni isa sakanila.

"Ate." Binuksan ko ang pintuan ko, bumungad ang pagmumukha nya may nakasabit na tiwalya sa balikat nya at toothbrush sa kabilang kamay.

"Walang tubig don dito na muna ako makiligo." Walang pasabing pumasok sya at pumunta sa cr ko. Kapal, kinuha ko ang unan at saka tinapon iyon sakanya buti na lang ay nasarado nya kaagad ang pintuan ng cr kaya hindi tumama ang unan sakanya.

Ilang kalabog ang narinig ko sa loob, pinabayaan ko lang iyon at saka nagpalit na ng damit, kanina pa lang ay naligo na kaagad ako, ngayon ko lang talaga naalala na may gagawin kami.

Lumabas na sa cr si Ethan, may suot na rin itong damit, magulo ang buhok nya at hawak-hawak ang tiwalya, lumabas na ito sa kwarto ko at pumunta na sa kwarto na tinutulugan nya. Pumasok ako sa cr para mag toothbrush pero halos manlaki ang butas ng ilong ko ng makita ang kalooban ng cr ko.

"Ethan Mendez!!" Buong lakas na sigaw ko.

Ang mamahalin kong salon ay nasa lapag na malapit sa inodoro, ang shampoo ko ay naghihingalo na sa sobrang kapayatan sa gitna at ang mga undies ko na nakasampay ay nasa lapag na, pero mas lalong nalukot ang mukha ko ng makitang putol ang bra ko sa itaas ng sink.

"Ethan!!" Nanggigigil na sigaw ko.

Inayos ko ang banyo ko, pagkatapos ay pumunta ako sa kwarto nya pero wala ng tao don, bumaba ako at nakasalubong ko ang mayodorma namin.

"Kapag umuwi si Papa, pasabi na lang na may asikasuhin kami." Tumango naman ito, nang makarating ako sa kusina ay agad ko syang binatukan ng malakas, naubo sya at nailuwa ang kinakain nya.

"Siraulo ka, dinelubyo mo ang cr ko!!" Napakamot naman ito sa ulo nya.

"Wag ka na kumain!! Tara na!!" Hinila ko kaagad ito, ang inaabot nyang nuggets ay nahulog kaya hindi maipinta ang pagmumukha nya.

"Ano ba?! Ate naman eh!!" Hinila ko sya hanggang sa marating namin ang kotse ko, Dabog itong pumasok sa kotse ko at masama ang tingin na ibinigay sakin.

"Gusto mo dukutin ko yang mata mo?" Kaagad nyang iniwas ang tingin sakin at pinaandar na ang kotse.

Wala pa ang van sa harapab ng restaurant nang makarating kami, nasan na ang mga iyon? Wag nila sabihin hindi sila pupunta? Anak ng tupa talaga.

"Ang aga nyo naman." Bigla ay lumabas si Henry, nakasuot na sya ng apron at hairnet. "Wala pa sila, nagalmusal na ba kayo?"

"Hin--"

"Oo." Inunahan ko ang sasabihin ni Ethan, walang kakain.

"Yuhoo!! Hi baby Henry I'm here!!" Sunod-sunod na nagsipasukan ang mga lalaki. Pero natawa ako ng makita kung gaano kabagot ang mukha ni Dash.

"Ang tagal nyo." Inginuso naman nila si Dash na ngayon ay halos mamula na ang mukha, masama ata ang gising ng isang to.

"Hindi muna ba kayo kakain?"

"Wow gu--"

"Hindi." Nagsilingunan ang lahat saakin, nang makita nilang hindi maganda ang pagmumukha ko ay nagsitahimik ang mga ito.

"Bakit hindi kayo magsitawag ng mga customer para naman may masimulan na tayo?"

Hinati-hati namin ang gawain. Sila Henry, Luke at Jayden ay naka tokwa sa pagluluto, kaming tatlo ni Dash at ni Ryker ang reserver, Sina Jasper, Justine, Lee ay nasa loob sila ang maghuhugas at magaayos ng iseserve, Si Jacob at Lucas ay ang nasa labas, sila ang magtatawag ng mga customer at si Ethan ang Cashier.

Sa labas ay may natigil dalawang studyante, kinompronta ito ni Lucas, tumatango-tango naman ang babae habang nakangiti, bolero.

"Welcome Ladies, have a sit." Natawa ako sa pagkakasabinnyang iyon para syang napilitan at kapag hindi nya ginawa ay sabog ang ulo nya.

Nakangiti kong ibinigay ang menu sakanila, hinintay ko ito hanggang sa makapili sila, ibinigay ko ang order nila kay Henry para masimulan na nila itong lutuin.

"Hindi ko alam na may ganyan kang side, Mr. Wilson." Pangaasar ko sakanya. Seryoso kasi syang nagpupunas ng lamesa

"Cause I want a reward."

"Ha?"

"I want your lips on mine later." Ang hawak kong menu ay bigla kong natapon sa mukha nya.

@✔

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon