Chapter 4

5.6K 191 2
                                    

Aligaga akong tumakbo papunta sa cr dahil huli na ako sa klase, well hindi naman dapat akong kabahan kung late ako dahil ang mga guro namin ay wala namang pakealam. Ni wala man lang kumatok saking pintuan para gisingin ako. Pati ang orasan ko ay hindi man lang ako ginising.

Pagkatapos kong magbihis at ayusin ang mga gamit ko ay bumaba na ako, tumatawang nakatingin sa akin si papa habang nakaupo sa dulo ng dining

"Why you didn't wake me up pa?"

"I dont know besides you didnt tell us to wake you up, tulog mantika ka kanina ng pumasok ako sa kuwarto mo--"

"Shut up." Mas lalo nya iyong ikinatawa, umirap ako bago kumuha ng toasted bread.

"I gotta go."

"Ingat." Kumuha pa ako ng panibagong toasted bread, binitbit ko na lang iyon at saka ako pumasok sa kotse ko.

Ang paaralan na pinapasukan ko ay ilang kilometro lang ang layo sa aming mansyon at dahil isa akong spoiled brat gumagamit pa rin ako ng kotse at baka hindi ko matagalan ang init lung lalakarin ko ang pagitan ng bahay namin sa school. Nang makarating ako sa school ay iilang studyante na lamang ang nagkakalat sa labas, ang karamihan ay nasa labas pa rin, naglalakad, naguusap, nakikipagbiruan pa sa bawat sulok ng skwelahan. Nasa ikalawang palapag pa lang ako ng marinig ko na ang matinis, malakas at nakakairitang boses na nanggagaling sa loob. Bakit pumasok to? Buti naman ay kahit papaano ay naisipan nya pa ring pumasok at magturo.


Tulad ng inaasahan ko ang suot nanaman nito ay halos mailuwal na ang suso, ang pambaba nitong suot ay halos tumaas na at makita na ang kanyang panloob sa tuwing ibababa nya ang kalahati ng kanyang katawan.

"Why are you late? You are?" Hindi na nya ata naaalala kung sino ako, nakalimutan na ata nya ang nangyari noong nakaraan, kung paano ang aming unang pagkikita.

"Athena Sandoval, Ms. Malantod." Nakakatawa, dahil ang kanyang apelyido ay nababagay lang sa isang katulad nya.

Naramdaman ko ang pagbabago ng presensya sa loob ng silid ang kaninang maiingay ay natigilan at tumingin sa akin, masama ang kanilang tingin na syang hindi ko maintindihan.

Kaagad na umalis ang guro, nainis ata sa ginawa kong pagngisi, naasar na sya don? Umupo ako sa upuan ganoon na lamabg ang pagkagulat ko sa aking upuan ng may pumunta sa harapan ko at hinampas ito. Nagtataka ko siyang tinignan ang kanyang mata ay naniniliksik, pati ang kanyang panga ay umiigting rin.

"Anong problema mo?"

"Ikaw. Ikaw ang problema ko, namin." Hinawakan nya ang kamay ko, mahigpit iyon kaya pinipilit kong alisin ang pagkakahawak nya saakin.

"Ano ba!"

"Magkaano ano kayo ni Hailey Sandoval?!" Nasindak ako ng tumaas ang tono ng kanyang pananalita.

"We're cousin." Hiniwakan nya ang panga ko, napangiwi ako ng maramdaman ko ang sakit ng pagkakahawak nya ng mariin.

"Sa oras na malaman ko, namin na pinadala ka ng pinsan mo para sirain uli kami, magdasal ka na ngayon pa lang."

"Huwag nyong ibigay saakin ang problema nyo sakanya, kung ano man ang nagawa nya sainyo ay nasa kanyang kasalanan iyon at hindi saakin!! Ang pinagbibintang nyong kasabwat nya ako ay walang katotohan dahil maging ako ay hindi ko gusto ang takbo ng utak ng babaeng iyon!!." Hinawakan ko ang kamay nya na nakahawak sa panga ko, marahas ko iyong tinanggal saglit pa akong napanganga ng sandaling hindi ko maisara ang bibig ko. King ina.

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon