Chapter 20

4K 167 6
                                    

Nang tapos nang magsisukahan ang mga ito ay pumasok na kami, Nagtaka ako ng walang guwardiyang nakatutok, at kung dating may mga studyante pa sa labas kahit oras na ng klase ay wala. Nasan na ang mga tao?

"Damn." Sigaw ni Jacob, taka naman akong tumingin sakanya.

"Bakit?" Takang tanong ko, ang paningin kasi nito ay gala nang gala.

"Damn, Ngayon magaganap ang ranking, King ina baka hindi tayo makasama." Sambit nito at saka tumakbo sumunod ang ilan at natira kaming tatlo. "Hoy!! Bilisan nyo dyan!!" Sigaw nito samin.

"Halika na baka hindi natin maabutan, mawala tayo sa pwesto." Aniya ni Ryker at saka naunang naglakad.

Nagsitakbuhan na kami papunta sa gymnasium at nang makarating kami ron ay napakaraming studyante maski ang ibang building ay pumunta rito. Agad ring nangunot ang noo ko ng makita kung sino ang nasa harapan, panot?!

Hinila ni Ryker ang kamay ko at itinuro ang mga kasama namin, tumango naman ako at sumunod sa kanya, maganda ang puwesto na nakuha nila, kitang kita mo ang mga naglalaban sa taas.

"Minsan na ring nabanggit saakin ni Luke ang Ranking na ito, pero hindi ko alam na ganito pala ang akala ko ay simpleng away lang pero brutalan pala, buti nalang ay bawal gumamit ng armas kundi ay talagang delikado ka kung tatapak ka dyan." Sambit ko, hindi naman kumibo ang katabi ko.

"Dahil pinagbawal iyon ng Dean, hindi namin inakala ng manonood sya noon, biglang naglabas ng kutsilyo ang mga Aries nang kami ang magtagpuan sa loob ng ring na yan." sabay turo nya sa stage napatango naman ako

"Wala namang nasaksak ano?"

"Meron." Aniya, napatingin wala sa oras sakanya. Itinaas nya ang kanyang damit at doon nakita ko ang isang peklat malapit sa puson nya. "Nang umawat ang Dean ay bigla akong nasaksak ako kasi ang nasa malapit sakanya." Habang tumatawa.

"Hoy Ryker!! Ibaba mo yang damit mo wala kang abs!! Hindi mo maaakit si Athena sa ganyang pataas-taas mo ng damit!!" Sigaw ni Lucas, mabuti na lamang ay nagsisihiyawan ang mga tao kaya't hindi sya narinig ng mga ito.

"Kung ganon na may nangyari na palang ganyan? Bakit itinuloy pa ni Panot?" Bigla naman itong natawa sa huli kong sinabi.

"Dahil nakitaan nya ng potential ang mga studyante. Potential sa pakikibaglaban." Bigla ay natahimik na naman sya, ibinalik ko uli ang tingin sa naglalaban sa itaas, anong section ang mg ito? Nakita kong may nagflash sa itaas.

Aries x Vrigo

"Para sa Aries ay laro laro lang ito, sila ang nagpauso ng ranking at ang section natin ang gusto nyang pabagsakin." Kita ko nga, dahil kahit nasa taas si Jade nakikipaglaban ay saamin sya nakatingin.

"Sino ang mga nasa ranking?" Tanong ko.

"Nangunguna tayo, ikalawa ang Aries, ika tatlo ang Heart at ikaapat ang Vrigo." Heart. Hindi ko man lang nakita kung pano sila makipaglaban. Inilibot ko ang paningin ko sa gymnasium. Doon nakita ko ang isang grupo, maaamo ang kanilang mukha at kung gumalaw ay di mo makikita ng kasamaan. "Yan ang Heart, mababait ang mga iyan at minsan lang magdemonyo sa taas."

Hindi mo makikitaan ng daplis sa galaw ang Aires, masasabi kong marunong talaga ang mga ito, lalo na ang Leader nila, Jade the bad breath boy.

Ganoon na lang ang gulat ko ng bigla nitong hawakan ang ulo ng kalaban ay iniikot iyon, alam ko naman humihinga pa yon pero mali ang pagkaikot sa sakanya.

"Unbelievable, kunin nyo na yan at dalhin sa clinic baka mag agaw buhay at ikulong pa si Jade." Nagsitawanan naman ang mga tao.

"Lets go to the next round." Aniya ng emcee at saka binasa ang nakasulat sa papel nanhawak nya. "Masyadong mainit ang laban na ito." Aniya habang nakangiwi.

"Section Aries and Section Death!!" Ang kanina ay maingay ay mas lalong nagingay. Tumingin sa gawi namin si Panot at saka nginitian ako kaya naman nginiwian ko sya iiling-iling naman ito. Tatayo na sana ako para sunama sakanila ng biglang hilain ni Lee ang kamay ko at napaupo uli ako.

"Where do you think were you going?" Tanong nito, bumaling din ang atensyon nila saakin.

"Gusto kong sumama." Nakukot ang mukha ni Dash at galit na tumingin sakin.

"You cant. Seeing you there in stage is not a good idea."

"But I can, I can fight back. Kung iniisip nyong ipapatalo ko kayo, doon kayo nagkakamali." Umalis ito sa harapan ko at tumaas, pero matigas ako, hinigit ko ang kamay ni Jacob bago pa ito makaalis sa harapan ko.

"Palit tayo ako na makikipaglaban ha? Ayaw mo naman atang malaman ng mga girlfriend mo nanmarami silang kahati sayo." Kung kanina ay malawak ang ngiti nya sabi, ngayon ay bigla itong naglaho. Namutla rin ang mukha nito, gusto ko man tumawa ay hindi ko na ginawa.

"S-sege." Ngumiti ako sakanya bago lumayo ron at tumaas sa stage.

Tumaas na rin ang Section Aries, binago nila iyong mga kasama habang ang lima ay nanatili. Guess what? Zoe is here too. Masama ang tingin nito sakin na para bang sa isip nito ay patay na ako at hinuhukayan na ako ng dilim.

"What the hell are you doing here?!" Inis na singhal sakin ni Dash ng pumwesto ako sa tabi nya, inilagay ko naman ang isang daliri ko sa labi ko at sinenyasan syang tumahimik at ibalik ang tingin sa harapan.

Bigla ay may pumito, nagulat ako ng biglang magsisugod ang mga ito, bigla akong napaatras ng umamba ng sipa ang kaharapan ko. Zoe. Malaki ang ngisi nya labi. "Why you look so scared?" Aniya sa nanlolokong tono.

"Nagulat lang ako, akala ko ay tarsier ang umamba ng sipa sakin." Bigla ay nasapak ako nito, at hindi ko inaasahan yon. King ina ka.

Doon natapos ang pagtitimpi ko at pinatulan ko na rin sya, panay iwas na lang muna ang ginawa ko sa mga sugod nya, hahayaan ko muna syang mapagod sa pinaggagawa nya. Ang balikat nito ay parehas nang bumagsak at doon nakahanap na ako ng tiyempo pero laking gulat ko ng biglang lumayo ito sakin at tumalon pasipa pero nahawakan ko ang paa nya at inikot iyon saka ko sya naibalibag.

"Ugh." Daing nya ng timama ang likod nya sa lapag, nabasa ko ang galaw nya, mag hihihh kick sana ito ng bigla ko ulit kunin ang paa at hinila ito saka muli syang itinapon, ulo na nya ang natama. Matulog ka muna dyan para bumalik ang lakas nyang katawan mo, malambot na eh.

"Arghhh!" Sigaw ni Ethan, hawak sya ng dalawang lalaki, aba gago to ah.

"Hoy!! Wag yan ah!?" Aniya ko saka pinagsisipa sila sa mukha, napaupo na man sa lapag si Ethan at ngumiti saakin. Tinignan ko ang iba, kaya na nila yan.

Umupo muna ako sa tabi kung saan bumagsak si Zoe at pinagmasdan sila, nang magsawa ako sa pagmumukha nila ay binalingan ko si Zoe, Ayan ang tapang-tapang mo oras ng laban nakatulog ka naman kaagad. Pinagmasdan ko pa ang kabuoan nya, kung hindi tayo magkaaway ay baka hinangaan pa kita sa ganda mong yan.

Ang atensyon ko ay natuon sa harapan ng may lumagabog. Anak ng tupa anong ginagawa nyan sa sahig?! Tatayo na sana muna ako ng bigla kong siniko ang katabi ko ayun, nakatulog uli. Sasakalin ba naman ako patalikod buti na lang ay malakas ang pandama ko.

Anak ng tupa naman oh bakit ka nagpahiga sa Jade na yan?! Nakapatong na sakanya si Jade corner na sya. Tumayo na ako at iniwan na si Zoe sa pwesto, hindi naman nagkalayo ang pwesto namin kaya kaagad kong nahila ang kwelyo ni Jade.

"Ano ka bakla pumapatong?!" Sigaw ko, nagsitawanan naman ang mga nanunuod, nandilim ang paningin nya sakin at aambahin ako ng suntok ng hilain ko sya at pinaikot sa ere at patapon na bumagsak sa labas ng kinatatayuan namin

"Ahhh anak yan ni kumapare ko!!!" Sigaw na aniya ni Panot habang tumatalon-talon, lumapit sya kay Jade at saka tinignan ang lagay nito "Anak ng Tupa dalhin nyo sa clinic to!!"

"Wow, sa kauna-unahang pagkakataon, babae ang tumapos ng laban." Aniya. "Hindi na ako magtataka kung manalo kayo dahil sa galing at lakas nyo. Let's all be proud to our Rank One Section Death!!"


@✔

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon