Chapter 14

4.1K 165 9
                                    

Week end ngayon. Isang linggo na ang nakaraan ng mangyari ang pangyayaring iyon, maayos na ang lagay ni Jayden, paika-ika nga lang syang maglakad dahil grabe ang pagkapalo sa binti nya, kinailangan pa namin syang ipunta sa hospital para ipakita ang lagay ng binti nya, ang sabi ng doctor ay ipagpahinga daw ito ng isang linggo dahil ang buto ay halos mabali at mawala sa linya.

"Ma'am." Natigil ako sa ginagawa ko at nilingon sya.

"May tao po sa labas."

"Sino?"

"Lalaki po Ma'am, mukhang bata pa nga eh."  Aniya sabay kamot sa batok nya.

Tinanguan ko sya, Niligpit ko muna ang mga papeles at kung ano anong litrato na nasa table ko at ibinalik iyon sa drawer ko.

Lumabas ako at doon nakita ko ang guwardiya namin na may pinipigilang pumasok. "Bawal nga ho." Nagtitimping sambit nito, ang kanyang mukha ay lukot na lukot na. Kanina nya pa ata pinipigilan ang bisita ko.

"Kilala nga ako ng mayari!!" Ang paningin nya ay napunta sakin, itinuro ako nito at lumingon naman sakin ang guwardiya.

"Ate Athena!!" Anong ginagawa nya dito? Papaano nya nalaman na dito ako nakatira.

"Anong ginagawa mo dito?"  Tanong ko habang papalapit sakanya

"Nakita kasi kita nung isang araw na pumasok sa gate na ito hehe" aniya habang napapakamot pa sa ulo.

Sinenyasan ko ang guwardiya na pagbuksan ang gate, namamangha syang tumitingin sa paligid, unaaral ang bawat disenyo ng bahay. Habang ang kanyang paningin ay nakatutok sa bahay ay napunta ang atensyon ko sakanya.

Nangunot ang noo ko ng may napansin. Ang kanyang gulo ay magulo, may bakas ng pamumula ang leeg at pulsuhan, ang kanyang sakawal ay punit na ang kabila, ang paa nyang walang suot na kahit ano. Lumapit ako sakanya at marahas na itinaas ang damit nya, Nawala ang ngiti sa labi nya at napalitan iyon ng pagaalala, Napaatras naman ito at inilayo ang sarili saakin.

"Ano yan?" Ang kamay nya ay nakahawak sa damit nya

"Ano yan?!" Tumaas na ang boses ko, ang mata nya ay makikitaan ng takot at pangamba.

Lumapit ako sakanya, inalis ang pagkakahawak nya sa damit at itinaas iyon, napasinghap ako ng makita ang napakalaking paso na gawa sa plantsa. Iniharap ko sya sakin, nanginginig ang katawan nya, takot ang nararamdaman sa buong sistema.

Damn.

"Sinong may gawa nyan?!"

"Ethan" Malambing na sambit ko, hinawakan ko ang pisngi nya at tinignan sya ng maigi "Sabihin mo sakin, sino ang may gawa nyan sayo?" Namumuo ang galit sa sistema ko.

"Ate, Ate tulungan mo ako, ilayo mo ako kay papa, Ate ilayo mo a-ako..." Sunod-sunod na saad nya habang umiiyak

Inilapit ko sya sakin at yinakap, Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng katawan nya. Napatingin ako sa kalayuan ng may maaninag ako, itim na sasakyan, sa tabi nito ay may nakasandal, nakamasid ito samin, galit ang makikita ko sa mata nya.

"Pumasok tayo sa loob." Humigpit ang pagkakahawak nya sa damit ko.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko ng makapasok kami, kaagad namab itong umiling.

"Marie!! Maghanda ka ng makakain!!" Umasikaso naman kaagad ito, sumunod na rin sakanya ang iba pang kasambahay.

Pinaupo ko sya sa sofa at kinuha ang first aid kit at sinimulang gamutin ang ibang gasgas nya sa braso. "Matagal na bang nangyayari to?" Hindi sya sumagot.

"I see."

Humihikbi pa rin sya ngayon, nakatingin lang sya sakin habang ginagamot ko ang sugat nya. Nang matapos ako ay pinatalikod ko ito, ang paso naman nya sa likod ang lilinisin ko.

"M-masakit."

"Baka ma infection ka." Habang tinitignan ko ang paso nya.

Sandali akong tumingin sakanya at tumayo, kinuha ko ang cellphone sa bulsa at idinial ang number ng doctor namin na syang malapit din samin.

"Tito, pwede pumunta ka dito sa bahay? Yes, okay, alright." Ibinaba nya kaagad ang linya. Pumunta ako sa kusina at nakita ang mga abalang kasambahay.

"Kumatok na lang kayo sa pintuan ko kung tapos na kayo magluto." Aniya nang makalabas ako ay nagtataka akong nagtingin ng makitang ang paningin ni Ethan ay napako sa portrait na nakasabit sa sala.

"Sino yan?"

"My mother." Tumingin naman sya saakin at muling ibinalik ang tingin sa portrait. "She's gone." Hindi na sya muling tumingin saakin, ipinako nya lang ang tingin roon.

"She's seems familiar." bulong nito.

"Halika, sumama ka muna sakin sa taas, para naman makapagpahinga ka ar makapagpalit ng damit." Sumunod naman ito saakin.

Saglit ko syang iniwan at pumasok sa kwarto ni Papa at naghanap ng pwedeng ipasuot sakanya sa closet at bumalik na ako sa kwarto kung saan ko sya iniwan.

"Ma'am nandito na po si Doc. Enriquez."

"Pataasin nyo." Pinapalitan ko muna kay Ethan ang damit na suot nya dahil madumi ito at may mga punit.

"What happened to him?" Pumasok sa kwarto

"Oh hi tito, can you check his back? Its burn."

"Nako iha baka ma infection ito, dapat dito ay gamutin kaagad." Inilabas nya ang gamit nya sa bag na dala-dala nya. Pinahiran muna nya ng ointment ang gilid nito. Umalis muna ako ron at bumaba.

"Ma'am?" Sambit ng katulong na nakasalubong ko pagkalabas ko sa kwarto.

"Si daddy?"

"Ay umalis rin po kaagad sya kanina pagkauwi nya Ma'am, busy na busy po ang daddy nyo dahil pagkaupo nya pa lamang po ay tinawagan kaagad sya." Aniya nito.

Pumunta ako sa opisina ko at doon muna nanatili. Napahilot ako ng sintido ng biglang nagpakita ang imahe ng likod ni Ethan, hindi biro ang ginawang pagkapaso doon dahil talagang sinadya iyon. Bakas na bakas ang plantsa at halos umitim na ang gilid nito.

Kinuyom ko ang kamay ko at marahas na bumuntong-hininga.

Sa ganyang edad nya ay nakaranas na sya ng karahasan, iniisip ko pa lang ang pinagdaanan nya ay parang gustong sumabog ng galit ko at iyon ang hindi maintindihan. Hindi ako ganito, kung ibang tao ay baka hinayaan ko sila, pero iba ang barang iyon, may kakaiba sakanya na hindi ko mapaliwanag.

Lumabas ako at pumunta uli sa kwarto ko, naabutan kong ginagamot pa rin ang sugat, samantalang nakatulog na sya, maga ang mata nya dahil sa kakaiyak nya kanina.

"Who did this?"

"His father. I think his father is abusive." Aniya habang umupo habang pinagmamasdan sila.

"Kukunin ko sya, wala akong pakealam kung mabaliw sa kakahanap iyang tatay nya."

"You can't do that, he can arrest you for kidnapping."

"Yes, I can do that, I'm the one who will sue him for child abuse."

@✔

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon