Chapter 16

4K 175 4
                                    

Nagising ako ng maramdaman ko ang sinag ng araw na nakatapat sa mukha ko. Sinong nagbukas ng veranda?. Lumingon ako sa tabi ko at nakitang wala na akong katabi.

Nasan na yun?

Dali-dali akong bumaba at naabutan ang mga abalang kasambahay, pero nagtaka ako ng makitang ang ibang kasambahay ay nagsisipasukan sa dining.

"Yaya edna may syrup po kayo?"

"Ay teka lang iho, Jessica pakikuha niyong syrup sa taas, iyan iha sa loob pakikuha salamat." Naabutan ko silang nagsisiksikan sa harapan ni Ethan, anong ginagawa ng mga to?

"Hey what's this?" Kunot-noong tanong ko, nagulat na humarap sila sakin pero ang bata ay nagpatuloy lang sa kinakain.

"What are you guys doing here?" Aniya ko at saka umupo sa upuan "Aren't you going to answer me?" Kumuha ako ng pancake at isinubo iyon.

"A-ah Ma'am makulit po kasi sya eh, nakabasag sya kanina ng maghanap sya ng mga gamit."

"Like what?"

"Asukal po Ma'am, nabasag po iyong mga lalagyan sa cabinet." Napahilot ako sa sintido ko at binigigyan sya ng matalim na tingin, ngumiti naman ito ng napakalaki at saka muling isinubo ang hotdog na hawa-hawak nya.

Sakit ulo ang batang ito.

"Hurry up, we're going to buy things for you." Atsaka iniwan sya doon.

Tumaas ako at pumunta sa opisina ko, tinawagan ko ang taong inutusan ko kagabi para dakpin ang papa ni Ethan, para ikulong ito at magdusa sa rehas.

"Rodolfo? Any information?"

"Ma'am, he's in critical, his brain is not functioning anymore, but his organs are still cooperating." Nangunot-noo ako sa sinabi nya, anong sinasabi nya? Mali ba sya ng napuntahan.

"What are you saying Rodolfo?"

"Ethan's father, Harold Barilla a drug dealer and addict his situation is in critical."

"But how come he ended up like that?!" Napataas ang boses ko, papaanong nangyari sakanya iyon?!

"We don't know also Ma'am, Naabutan na lang namin na magulo ang bahay at sa kusina namin sya nakita, naliligo sa sariling dugo at may paso ng plantsa sa mukha, ang parehong paa ay halos maging unan na sa sobrang lambot at wala ng makapang buto." Napatay ko ang tawag sa sobrang inis.

"Ate? Aalis na ba tayo?" Nakadungaw sya sa pintuan, kaagad kong tinago ang cellphone ko at pumunta sakanya.

"Kanina ka pa ba nandito?" Nakahinga ako ng maluwag ng umiling ito.

"I'll change my clothes, wait me downstairs." Nagmamadali akong nagpalit ng damit hindi na ako nagabala pang magdala ng bag at purse na lang ang binitbit ko.

"Halika na."

Hindi kami nagtagal sa highway dahil wala namang traffic at bwelong-bwelo ang daanan ng mga sasakyan, tumatalon-talon na bumaba sa sasakyan ko si Ethan, napapailing naman akong pinatay ang makina ng sasakyan.

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon