Chapter 7

4.8K 173 3
                                    

"Walang lalabas ng hindi pa tapos!!" Sigaw ko. Ang lahat ay natigilan sa paglabas, nanatili silang nakatayo sa harap ng pintuan at tumingin saakin.

"Tapos na nga kami." Pumapadyak-padyak ang kanyang mga paa habang naiiyak na tumingin saakin. Siraulo.

"Titignan ko lang, dyan lang kayo walang lalabas."

"Malinis na nga yan tara na!! Ang kulit mo naman eh." Winawaksi ko ang kamay ko dahil inaabot nya iyon. Mas pinagtuunan ko ng pansin ang kisame, tinitignan ko kung wala ng sapot.

"Ano ba tara na kasi." Naiiyak na ang mukha nito, hindi ko maiwasang matawa sa pagmumukha nya, para syang batang naagawan ng lollipop, nilingon ko ang likuran ko, mas lalo kong pinigilan ang pagtawa ko ng makitang lahat sila ay nakatingin habang kunot-noong nakatingin saakin.

"Aalis na tayo o aalis na tayo?" Tanong nila saakin. Kailangan ba dapat ay sabay-sabay magsalita?

"O." Nakangisi kong aniya tila na-aasar.

"Isa." Umangat ang isang kilay ko nang bigla itong magbilang.

"Dalawa."

"Fix it yourself so we can leave." Pumagitna saamin si Dash.

Muli ko pang binalingan ang silid bago lumabas, sinisegurado ko lang kung malinis at maayos na talaga, well malinis naman na sya at maayos, pero ang kagustuhan nilang mag cutting class ay syang pagkakabuhay nanaman ng kasalanan ko. Lagot ako kapag nalaman ito ni papa.

"Sigurado ba kayo sa pag cutting class ninyo?" Tumango ang mga ito, mukhang divided talaga sila sa pag takas sa klase. Wala naman kasi nagtuturo, ang mga guro namin ay panay punta lang at wala namang maganda lesson.

"Hindi naman tayo mahuhuli ng Dean, may maganda kaming plano." Aniya habang tumatawa ang iba.

Iiling iling akong umalis doon at ba-baba na sana para pumunra sa kabilang building upang makigamit ng cr. Pero may humablot sa kamay ko, tinitigan ko ang kamay nyang nakahawak sa akin, nahalata nya ata iyon kaya't naiilang nyang tinanggal ang pagkakahawak.

"May cr sa baba pinalinis ko iyon sakanila kanina."

Tumungo ako sa unang palapag at doon ko nga nakita ang cr, maayos na ito, hindi gaya noon na hindi mo ito madaanan dahil nahaharangan ng mga sira sirang kahoy.

Hindi mabaho ang sa loob pero hindi ko naman masasabi na sobrang linis.

Dala dala ang bag ko ay ipinatong ko iyon sa lababo at inilabas ang pamalit ko. Palagi akong may dalang isa pang damit, dahil kung kinakailangan ay mayroon akong magagamit.

"Matagal pa ba yan?!" Sunod sunod ang kalampag sa pintuan ng cr. I look at myself in the mirror, yeah right you're gorgeous Athena.

Pagkatapos kong ayusin ang buhok ko ay lumabas na ako, doon nakatayo ang mga lalaki habang ang mukha ay yamot na yahoo na nakatingin saakin.

"Bakit nag changed outfit ka pa?" Tanong saakin ni Jayden.

"Of course, im comfortable wearing this clothes, where are we going?" Tanong ko rito.

"Kaya pala ang tagal mo dyan sa loob akala namin ay nakatulog ka na." Umirap naman ako sa biro nya.

"Mall, llet's play in World of Fun." Hindi naisip na sa ganyang edad nila ay gusto pa rin nilang mag si laro sa mga pambata.

Pupunta na sana ako sa garaehan ng hinalin ni Luke ang kamay ko, taka ko syang tinignan pero ang paningin nya ay nasa daan. Saan kami pupunta? Bakit pabalik kami sa building namin. Nakapunta kami sa likuran ng building huminto sa isang nagtataasang halaman, napaatras ako ng bigla itong naghiwalay at doon ko nakita ang isang itim na van.

"Ito ang sasakyan natin." Ngingisi-ngising aniya ni Ryker. Inilabas nya ang susi at iwinagayway iyon, nauna syang lumasok sa sasakyan, umatras kami ng ilalabas nya ang van.

Nagsipasukan ang lahat ng huminto na ang sasakyan at sariling nagbukas ang pintuan nito. Nagpumilit pa akong umupo roon sa unahan katabi si Jasper pero ang tigas ng kokote nya at hindi ako pinayagang makipagpalit ng puwesto sakanya!!

Akala ko ay sa main gate kami lalabas ganon na lang ang gulat ko ng  huminto kami sa isang pader, and pader ay pinalilibutan ng mga halaman na nakasabit dito, luma na ang pader na ito dahil nilulumot na rin.

"Sa wakas at magagamit ka na uli namin." May inilabas na remote si Jasper at may pinindot ng kung ano roon, ganon na lamang ang gulat ko nag biglang bumukas at maghiwalay ang pader na nasa harapan namin, pagkalabas ay mga puno ang nasa paligid, ilang minuto kaming nasa gubat at nakalabas rin.

Nagkaroon ng traffic, maraming sasakyan ang nandito, nangunot noo ako ng may nakita akong motorsiklo na pumasok sa gitna ng dalawang sasakyan, tigas ng ulo.

May sumusundot sa beywang ko, nakanguso sya at ang mata ay inaantok. "Bakit?"

"Ilang taon ka na?"

"17, ikaw?"

"14." Hindi naman nakakapagtaka dahil ang pagiisip mya ay parang sa bata, pero paanong napunta agad sya rito saamin.

"Ate. Ate Athena na lang ang tawag ko sayo pwede?" Ang mata nya ay nagnining tila naghugis puso ito, naghihintay sya sa aking sagot, malawwak ang ngiti nya na makikita mo namang abot sa mata nya.

"Sure." Minsan ko na rin namang pinangarap magkaroon ng kapatid.

"Nandito na tayo." Hindi ko namalayang nakadaan na kami sa traffic, nagsibabaan ang lahat, ako na ang naunang naglakad, kasama ko si Ethan habang ang ibang lalaki ay nasa likod ko. Mukha silang body guard ko.

"Saan nyo gusto pumunta?" Tumingin ako kay Ethan ang nguso nya naka nguso sa kaininan.

"Gutom ka na?" Tumango-tango naman ito.

Bumaling ako sa aking likuran "Kain muna tayo." Nagsisunod ang mga ito, pumasok na kami sa Jollibee, inutusan ko si sisiw na sya na lang ang mag order.

Naghanap na kami ng upuan, maraming tao ang narito sa loob, nakatingin ang ilan sa gawi namin, anong tinitingin-tingin nila?

"Dito na lang tayo." Tumabi ako kay Ethan, tahimik lang syang nakaupo habang nakatingin sa malayo, ang mata nya ah nakatingin ng deritso sa isang babae.

Nangunot ang noo ko ng makita ang babae, pawang mga naka itim ito, may suot na shades, hindi mo mamumukhaan dahil ang suot nyang hoodie ay tumatakip sa pagmumukha nya.

"Kilala mo yan?" Umiling naman sya.



@✔

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon