Chapter 9

4.4K 171 6
                                    

Athena's Point of View


Takang tinignan ko ang mga babae na lumalapit sakanila, inis akong tumikhim at inilabas ang mga wallet nila sa bag ko, inisa-isa ko iyong binuksan, lakas maka buraot kakapal ng pera rito sa loob ng pitaka.

"6,897.45 centavos Ma'am." Binunutan ko ng tigiisang isang libo ang mga wallet Views ibinigay iyon sa cashier, nagpasalamat ako rito bago umalis

"Bye po tatay." Aniya ko, ang security kasi rito ay kakilala ko, minsan ko na syang natulungan ng may gumulpi sakanya sa labas ng mall.

"Hoy!!" Sigaw ko sa mga babae ng makalabas ako.

Ang mukha ni Dash ay hindi maipinta, para syang nandidiri sa mga babaeng lumapit sakanya upang magpalitrato, ang iba ay nakikisakay sa mga babae.

"Kunin nyo to mamaya na kayo magbigayan ng number!!" Kaagad na pumunta sa gawi si Lee at Jayden, kunuha nila ang bibit kong paper bag, sa halip na tumigil sa harapan nila ay nag deritso lang ako sa paglalakad at sumakay sa escalator, nang malapit na ako ay inilabas ko ang isang wallet at iwinagayway iyon na may malaking ngit sa mukha.

Kita ko ang pagsigaw ni Luke, inis na ibinigay nya kay Dash ang hawak nyang teddy bear at tumakbo papunta sa akin, nagsisunuran rin ang iba pang lalaki. Dumaan ako sa hardware at naisipang doon mag tago.

Sumilip ako sa kabila at nandoon si Lucas!! Nagtatanong sya sa babae, tumingin sa direksiyon ko iyong babae, taka naman na sinundan ni Lucas ng tingin iyong tinitignan ng babae.

"Athena!!" Lumabas ako sa pinagtataguan ko, tumakbo ako papalabas sa hardware at tumungo sa elevator, saktong pagkatapat ko roon ay bumukas ito.

"Nasa elevator!!" King ina magsarado ka na please!!! Pi dot ng pindot ako sa button ng elevator at sa wakas ay nagsara ito bago pa ako maabutan ng mga siraulong iyo.

Bumukas ang elevator sa ikatlong palapag ng mall ganon na lamang ang panlalaki ng mata ko ng makitang nakaabang ron si Luke at si Ryker.

Lumihis ako sa pinagigitnaan nilang dalawa, nagsakto ang katawan ko kaya't nakawala ako sa harapan nila, tumakbo akonnang tumakbo hanggang sa makarating ako sa cr ng mga babae.

Naabutan ko ron ang dalawang babae, hinihingal akong napakapit sa lababo.

"Miss, can I use that?" Sabay tingin ko sa hawak nilang paper bag, it's a dress and make up.

"I'll pay." Doon inilabas ko ang wallet ko at kumuha ng sampong libo. Ibinigay naman kaagad nila saakin iyon atsaka lumabas na.

Ngunit habang nagpapalit ako ng damit ay may narinig ako sa labas "Miss may dumaan ba ditong babae na naka pants na puti at tshirt na itim? Medyo maliit sya." Namula ang mukha ko ng marinig ang huli nyang sinabi.

Hindi ako maliit!! Sadyang matangkad lang talaga sya!! Makakatikim ng sapak iyon saakin mamaya.

Iniba ko ang tali ng buhok ko para maiba ang pagmumukha ko, naglagay na rin ako ng kolorete sa mukha, inayos ko ang mga gamit ko atsaka lumabas sa cr.

King ina nandito pa siya.

Lumapit sa akin si Luke, pinasadahan ako nito mula ulo hanggang paa, parang kinikilala kung ako ba talaga ito

"May iba pa bang tao sa loob?" Umiling ako, hindi nya ako nakilala.

"Excuse me, dadaan ako." Inipit ko ang boses ko para maiba. Pinatunog ko iyong malandi at matinis.

Aalis na sana ako ng hablutin nya ang kamay ko, nakangisi syang humarap saakin habang ang mata ay nananaliksik "Kahit anong ilagay mo sa mukha mo at bago sa pananamit at buhok mo ay alam kong ikaw yan, give me back my wallet."

"Gago!!" Iwinaksi ko ang kamay ko kaya't nabitawan nya iyon,



Luke's Point of View

Talagang lilinlangin mo pa ako. Iwinaksi nya ang kamay nya kaya't nabitawan ko iyon, tumakbo sya hanggang sa pumasok sa isang boutique. Ang bilis nyang tumakbo.

"let me go!!" Sigaw sa loob, walang kabantay-bantay ang loob, nasan ang mga bantay dito?!

Pinuntahan ko ang pinanggagalingan ng boses na iyon, may lalaking may kalakihan ang katawan, hawak nya ang pulsuhan ni Athena.

"Let her go." Lumingon saakin ang dalawa at ang isa pang kasama ng lalaki.

"At sino ka naman?!"

"Ano ba nasasaktan ako sa pagkakahawak mo!!"

"I said let her go!!" Sabay dampot ko ng vase at itinapon iyon sa likod ng lalaki, galit na tumingin sa akin ito, binitawan nya si Athena at napunta saakin ang tensyon ng lalaki.

"Gago ka ah!" Sigaw nya saakin, itinutulak-tulak ako nito, atras lang ako ng atras.

Ngunit nasuntok ko ang lalaki ng makita kong ang lalaki sa likuran ni Athena na may hawak na upuan at akmang ihahampas nya iyon sakanya, itinulak ko sya kaya't saakin naihampas ang silya.

"Ayan ang napapala mo sa pakekealam!!" Napapikit ako, ang silya ay tumama sa bandang batok ko, nakaramdam ako ng kirot ng mga sandaling iyon.

Hinawakan ng lalaki ang kwelyo ko at pilit na pinapatayo ang katawan ko.

"Pakealamero!!" Sasampalin sana ako nito ng may humarang sa kamay nya at inikot iyon kaya't natumba sya, tinapakan ang kanyang mukha, ramdam ko ang pangigigil sa pagkakatapak nya.

"Huwag mong sasaktan yan, naiintindihan mo?!" Sigaw nya sa lalaki habang mas dinidiinan nya ang pagkatapak sa mukha nit.

"Hoy!!" Bago pa man makalapit ang lalaki ay may lumpiad ng silyang papunta sakanya, nanlaki ang mata kong tumingin sa nagbato non, saan nya iyon nakuha?!

"Isa ka pa!!" Nagsipasukan ang mga tauhan sa loob ng boutique, hinila papalabas ang dalawang lalaking iyon.

"Huwag nyong iiwan ng walang bantay itong negosyo nyo!! Naiintindihan nyo?!" Nagsiyuko ang mga tauhan, maging ang mga guwardiyang pumunta upang umawat.

"Ipapasarado ko na ito Kung maulit iyon."

"Ayos ka lang? Masakit ba iyong batok mo?" Umiling ako kahit na nakaramdam pa rin ako ng hunting pagkirot.

"Nasan sila?"

"Hinahanap ka."

Kita ko sa kanyang ang pagsisisi sa kanyang sarili dahil sa nangyari.

"Sorry."

"Its okay." Tinawagan ko sila na magkita-kita na lang kami sa parking lot, tinanong pa ako kung nasan ako at kung nahanap ko na ba si Athena.

Naabutan namin ang mga ito sa parking lot na prenteng nakasandal sa van. Bumaling ang tingin nila saakin, nagtagaka nila akong tinignan at parang tinatanong kung anong nangyaro saakin at bakit ganto ako maglakad.



@✔

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon