Chapter 27

3.5K 161 5
                                    

Habang kumakain ng binili kong Chichirya sa labas ay lumapit sakin ni Ryker. Hawak-hawak nya ang cellphone nya, nagtatype pa ito sa harapan oo.

"Who are you texting? You girlfriend?" Kaagad na umasim ang mukha nito.

"Siraulo. Si Henry nag chat pinapapunta tayo sa restaurant nila." Umupo ito sa lamesa ko, hinampas ko pa sya sa hita, baka masira itong lamesa ko.

"Bakit?"

"Gusto daw tayo makilala ng Tatay nya." Saka kumuha sa chinchilla na hawak ko. Naneto eh.

"Wala ka na bang iba nyan?" Patuloy nya sa kinakain ko.

"Bumili ka ng iyo."

"Hindi pwede."

"Bakit?"

"Eh sa bawal eh." Napakamot pa ito sa ulo nya. Naibaba ko ang hawak kong chichirya sa lamesa, nilinis ko pa ang kamay ko gamit ang bibig ko, dinilaan ko ang sulok ng daliri ko. Nandidiri naman ako nitong tinignan. "Tigilan mo nga yan."

"Bakit?" Tukoy ko sa una nyang sinabi. Gusto nyang kumain bakit hindi sya bumili?

"Bawal kami pumasok sa cafeteria."

"Bakit?" Wala na ako ibang masabi, word of the day ko ata ngayon ang 'bakit'.

"Siraulong Jade yun, magsisimula ng away yun kapag nakita kami nun pakalat-kalat doon, naknampucha teritoryo daw nila iyon, siraulo." Ah iyong mukhang adik na mabaho ang hininga? Siraulo nga talaga.

"Sege." Inilatag ko ang kamay ko sa harapan nya, tumaas naman ang kilay nya.

"Ano yan?" Napairap naman kaagad ako.

"Pera mo?"

"Libre mo."

"Bahala ka sa buhay mo." Binawi ko ang kamay ko.

"Joke lang eh ito na." Inilabas nya ang wallet nya at kinuha ang kamay ko, itinapat nya ang wallet nya sa kamay ko at nagsihulugan ang mga barya. Ayos lang sana eh kaso puro piso may centavo pa.

"Nakikipagbiruan ka ba?" Doon ay inilabas nya ang 100 peso. "Dami mong trip sa buhay eh no? Ilalabas mo rin pala. Tabi nga dyan." Bahagya kong sinipa ang lamesa ko kaya gumewang ito at muntik ng mahulog.

"Ano pipitik mo ulo ko? Subukan mo di kita ibibili, magutom ka dyan." Binawi nya ang kamay nya at inayos ang lamesa ko.

Bumaba na ako, recess ngayon kaya pakalat-kalat ang mga studyante rito. Nang makarating ako sa cafeteria ay parang milyon-milyong mga bubuyog ang nasa loob sa sobrang ingay.

"Looks who's here." Anak ng tupa.

"Brave enough to face us huh?" Ang kapal ng mukha mo, hindi naman ikaw ang pinunta ko rito.

Gumilid ako para makadaan ako pero sadyang kumalawang ang turnilyo nila sa utak at sinundan ako at talagang hinarangan pa ang dadaanan ko.

"Why aren't you talking to me?" Nagsimula nang tumaas ang pekeng kilay nya.

"Are you mute?" Tinignan ko lang sya mula ulo pababa sa paa nya. Peke ang brand ng damit nya.

"Why are you looking at me like that? You look disgust." Nagbago na ang tono ng boses nya.

King ina, hindi pa ba sya aalis sa harapan ko? Nakakasawa pagmumukha nya, hindi pa nga totally healed yang bukol nya sa ulo, baka gusto nyang dagdagan ko uli yan pero sa kabila naman para magmukhang sungay, bagay naman yan sakanya, demonyo.

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon