Chapter 10

4.5K 174 3
                                    

Ang mga ito at ay takang nakatingin sa amin nang makarating kami sa parking lahat, prente itong mga nakasandal sa van, nakatingin sila kay Luke nagtataka at kung bakit ganon sya maglakad. Naitama kasi iyong sirang kahoy sa paa kanina ng hampasin sya sa batok.

"What happened to you?" Sa halip na sumagot ay tumikhim ito. LTumingin ang lahat saakin, nakuha ko naman ang gusto nilang sabihin, inilabas ko ang mga wallet nila at isa-isa iyong ibinigay sakanila.

"Next time don't do this again." Ngumiwi ako. Nauna na syang pumasok sa van. Binalingan nya pa uli ako ng tingin bago tuluyang isara ang pintuan ng sasakyan.

"Anak ka ng tupa binawasan mo iyong pera ko!!" Sigaw nila, dahil sa takot ay pumasok na rin ako sa loob, sa kanya ako tumabi dahil alam kong galit ang mga iyon sakin, hindi ko naman sinasadya huhu.

"Paupo ako dito ah?" Umusog sya ng kaunti.

"Mamaya ka samin." Binelatan ko sila.

Nasa tapat na kami niyong pader na dinaanan kanina, saglit na huminto ron sa tapat at saka iyon muling bumukas.

Ang kaninang nagkakasiyahan ay ngayong di na makababa sa sakyan. "Ito na nga ba ang sinasabi ko sainyo eh."

Itinaas ni Dean ang kaniyang kamay, batid kong nakikita nya akong nakatayo, sinenyasan nya akong bumaba, inipit ko ang tenga ni Ryker bago bumama.

"Saan kayo galing?!" Aniya sa galit na tono.

"Sa mall." Lumabas na pala ang mga ito sa sasakyan, napakamot sa ulo ang mga ito. Nakatayo lang ako at hindi inintindi ang sinasabi nya. Hindi ko kasalanan na inaya nila akong mag cutting.

"At ikaw! Nagiisang babae na akala ko magpapatino dito sa mga lalakk ay nakikisabay rin pala sa trip. Imbes na ikaw ang magpatino ay sumakay ka rin sa kalokohan nila." Aniya habang ang kamay ay nakaduro saakin.

"Dean, tinigilan ko sila nung una, pero nagpumulit pa rin sila at wala na akong nagawa kundi ang um-oo na lang." Sambit ko habang nakatutok sa cellphone ko.

"Ikaw naman! Ikaw ang mas matanda rito sainyo pero hindi mo man lang pinagsabihan iyang mga kasama mo!?" Aniya habang hawak-hawak ang tenga ni Dash

"Let go of me. "

"Ipasok nyo na iyang van nyo. Lilinisin nyo ang buong building na sinasakupan ninyo."

"Sir."

"Ano? Nagawa nyo pa talagang gumawa ng sarili nyong lagusan papalabas, titigas ng ulo nyo eh no? Hindi ko pa malalaman na may sarili kayong labasan kung walang studyanteng nakakita sainyo at sinumbong saakin. Umasikaso na kayo dyan para masimulan na ninyo ang paglilinis." Aniya.

"Sir naman, nakikita mo ba yan?" Sabay turo sa building. "Ang laki! Paano namin lilinisin iyan?!"

"Problema nyo na iyan." Napasimangot na lamang ako habang tinitignan syang naglalakad papalayo saamin

"King ina nyo." Aniya ko habang nakatingin na ngayon sakanila.

"Ito na nga ba kasi anh sinasabi ko eh!! Kumilos na kayo at maglinis!! Ayokong gabihin!!" Sigaw ko at saka pumasok na sa building.

Sa likod ako ng silid pumunta, don ko napagpasyahan maglinis. Nagtaka ako ng makita kong may board pala rito sa loob at may mga sulat iyon ng markers imbes na chalk.

Isang sulat lang ang nakakuha ng atensyon ko.
Raped. Sino ang may sulat nito? Hindi mo mababasa ito kaagad dahil napakaliit ng pagkakasulat.

Raped. Sinong na rape?

Aligaga akong tumingin sa paligid. Walang katao-tao at ako lang ang narito, seguro ay naglilinis na ang mga iyon.

"Ate?" Inosenteng nakatingin saakin, kakapasok nya lang, may hawak syang plastic garbage.

"Anong ginawa mo dyan?"

"Raped. Sinong na rape rito?"

"H-hindi ko alam."

"May nakasulat rito, freedom wall nyo to hindi ba? Halos sama ng loob ang mga nababasa ko rito hanggang sa mabasa ko ang napakiliit na sulat."

"Hindi ko alam ang sinasabi mo, lalabas na ako." Nangunot ang noo ko lumabas ito, kaagad syang nawala sa paningin ko.

Inis kong inalis ang board doon at doon nakita ko ang isang pintuan, gawa sa kahoy at may kadena na nakasabit doon. Bakit may pintuan dito?

Humanap ako ng pwedeng ipangbukas sa kandado. Roon ay naalala ko ang suot-suot kong ipit, ipinasok ko iyon sa kandado animoy may hinahalungkat, ang kadena ay nahulog sa lapag at sariling nagbukas ang pintuan.

Bakit may ganito sila?

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita ang laman ng kuwartong ito. Hinakbang ko ang isa kong paa hanggang sa makapasok ako, inilibot ko ang aking tingin nang ang mga mata ay nanlalaki.

Hinawakan ko ang baril na nasa harapan ko. May koronang nakaukit sa dulo nito. Itinutok ko iyon sa pintuan pero gulat kong ibinaba ang baril ng makita ang mga lalaking nakamasid saakin sa labas.

"What are you doing here?" Ang boses ay mahinanon pero ang galit ay nandoon.

"Hindi ko sinasadya."

"Papaano mong nabuksan ang pintuan?!" Nasindak ako sa ginawang pagsigaw nya.

"Hindi ko alam, pasensya na." Nakayukong lumabas ako sa silid na iyon, pumunta ako sa corridor at doon nagpahangin.

Bakit ba galit na galit sya?

"Paano mong natanggal iyong kadena?" May tao na pala sa tabi ko.

"Hairclip." Sandaling namayani ang katahimikan sa paligid namin.

"Bakit may ganon kayo?"

"Emergency purposes."

"For what? Do you belong to organizations?" Tanong ko, natigil naman sya at tumingin saakin.

"Oo, organisasyon ng mga taong may ranggo sa Arena, kailangan mong labanan ang nasa itaas para umaangat ang position mo." Gangsters.

Tumatango tango ako habang nag ke-kwento sya. "Ang mga gamit na iyon ay pinuslit lang namin papasok dito, ang Lahat sa building na ito ay magkakaaway, may ranking din dito."

"Alam ba iyan ng Dean?"

"Oo, sya mismo ay nanonood paminsan-minsan kung may naglalaban."

"Sinong nangunguna?" Tanong ko.

"Kami."

"Pasensya nga pala sa nangyari kanina, ayos na ba iyang batok mo?"

Lumingon ako ng makarinig ako ng yapak, nagsilabasan na pala sila sa silid. Nakatingin sila saamin.

"Luke." Bumaling ang tingin nya saakin "We're done, you can go home now."

Sandaling lumingon saakin si Luke at nagpaalam, tumingin naman sa akin si Ethan at bahagyang ikinaway ang kamay, Napabuntong-hininga na lang ako at saka kinawayan sila ng papaalis na ang nga ito.



@✔

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon