Chapter 36

3.2K 159 9
                                    

Athena Point of View

"Section death!" Kumakain kami ng agahan ng biglang dumating si Sr. Andrew. Napalingon ang lahat sakanya at hinintay ang sasabihin nya.

"Bilisan nyo na at hinihintay na kayo ng lahat." Yeah right, we're late again.

Hindi ko na tinapos ang kinakain ko kinuha ko na lang iyong ulam at iyon na lang ang kinain ko. Nagsitinginan saakin ang lahat nang mauna na akong tumayo. "What?"

"Saan ka?"

"Magpapalit ako ng damit." Saka walang pasabi ba umalis sa harapan nila at pumasok sa tent.

Pagkalabas ko ay tapos na ang mga ito. Lumingon sila sakin kaya pinagkunutan ko ang mga ito. Nagsitayuan na sila ng mauna na akong maglakad, at talagang kami na lang ang hinihintay, nandito na ang lahat, kami na lang ang kulang. Akala ko ay dadada nanaman iyong bakla buti ay hindi na kami pinansin at ipinagpatuloy na lang ang pagsasalita sa harapan.

Bigla ay nagsigiladan ang mga teachers, personal, doon nakita namin ang mga net, gulong, hukay, at putik.

Napatingin naman ako kay Zoe, bahagya naman akong napatawa kaya sinamaan nya ko ng tingin. Kawawang buhok hindi pantay. Bahagya itong sumiksik sa mga katabi para hindi ko makita.

"Okay students! Heres the mechanics about the game. Isang babae sa section nyo lamang ang mag lalaro sa larong ito okay!? Paunahan lang naman silang makapunta sa punong iyon para mailagay ang banderang ito naiintindihan!?"

At dahil ako lang nga ang babae saamin ay ako na mismo ang pumwesto sa gitna. Nagtaka pa ang mga ito ng makitang wala na ako sa puwesto ko kanina, itinuro ako ni Lee kaya napatingin sila saakin.

Bahagyang tumaas ang kaliwang kilay ko ng tumabi saakin si Zoe, walang pinapalagpas na laro ang isang ito.

"What?"

"Punta ka sakin mamaya ayusin natin buhok mo hindi pala pantay." Pangaasar ko dito.

Biglang pumutok ang pekeng baril, pero nang pumutok ito ay naglabas ito ng usok, malakas ang tunog nito at aakalain mong totoo talaga.

Ang gulong, iyon ang nauuna dito. Dalawang paa ay binilisan ko ang pagpasok at paglabas ng paa ko ron. Ang net na sa ilalim ay putik, hindi kaaya-aya ang amoy nito. Ginapang ko iyon, ang baba ng pagkakalagay sa net kaya nabahidan na din ng putik ang mukha at buhok ko. At ang hukay. Doon kailangan namin iyon talunin pababa at taasin pataas.

"Athena!!" Sigaw ng mga ito nang talunin ko ang hukay.

Sa baba ay may dalawang pagpipilian. Ang hagdan o ang lubid. Kaagad kong kinuha ang lubid. Kung maghahagdan ako ay hindi ko rin naman iyon maaabot. Ang lubid ay may patalim sa dulo. Tinapon ko ito sa taas, naging ayos ang bagsak nito at talagang bumaon ang patalim, hinila hila ko pa ang lubid para tignan kung matibay ang puwesto nito.

Nakalabas ako sa hukay, humigpit ang pagkakahawak ko sa bandera nang matiyansa ko ang taas ng puno para mailagay ang bandera sa tuktok na sanga nito.

Lumapit ako at hinawakan ang puno, madulas iyon, kung talagang tataasin ko yun ay mahuhulog at mahuhulog ako.

"Ahh!!" May biglang humablot sa ulo ko, nahulog ko ang hawak kong bandera at hinila ako papalayo sa puno.

Nang makalayo layo ako sa puno ay pinatumba nya ako talagang tumama ang likod ko, binitawan na nya ang pagkakahawak sa buhok ko at tumakbo papunta sa puno.

Hinanap ko ang bandera, kinuha ko iyon, Tumataas na sya sa puno ngayon, tinignan ko lang sya. Nakatayo lang ako sa harapan at tinitignan ang gagawin nya.

Inangat ko ang kamay ko kung saan hawak ko ang bandera, tinyansa ko ang layo ng pagitan namin, kaagad kong tinapon iyon at talagang bumaon sa tuktok na sanga ang dulo ng bandera. Pagkabaon nito doon ay syang pagkahulog ni Zoe, bumagsak ang katawan nito at kaagad naman inagapan ng mga kasama.




Ethan Point of View

Nagtaka ako ng makitang nawala si ate sa kinakatayuan nya kanina at nakita ko na lang ito na nasa harapan. Tumabi sakanya si Zoe, nagusap ang dalawa, ngingiti-ngiti si Ate habang nalukoy ang mukha ng isa.

Natawa naman ako ng mapansin na hindi pantay ang buhok nito. Bigla ay pumutok na ang baril na hawak ng isang guro, nagsimula ang laro, kaagad na nalagpasan ni Ate ang mga gulong na pinahiga, pagkatapos ay nilusong nya ang net kung san ay gagapangin mo ang putik.

Napatayo kami ng biglang tumalon ito sa hukay. Tatakbo na sana ako papunta roon ng higitin ni Luke ang kamay ko at sinabing dumito lang ako. Ilang minuto ay wala pang nakakalabas sa hukay, biglang may tumaas na lubid bumaan ang patalim nito at talagang maganda ang pagkakapuwesto at baon nito. Napasigaw kami nang makalabas si Ate sa hukay.

"Tangina ang itim." Nang makita ko ang singit ng babae sa Virgo. Nakadapa kasi ito at kita ko ang singit nyang nangingitim akala ko ay napahidan lang ng uling.

"Sumbong kita kay Athena, nagmumura ka na ah." Sinuntok ko ang dibdib nito.

Nasa puno si Ate hinawakan nya ito pero may sumabunot sakanya, Zoe. Walang takot ang taong ito.

"Ahh!!" Hiyaw ni ate, hinila sya nito papalayo sa puno nang makalayo-layo na ito ay pinabagsak sya nito, kita ko ang paginda nya sa sakit dahil likod ang unang tumama sakanya.

Tumakbo si Zoe at talagang inakyat nya ang puno. Si Athena. Kinuha nya ang bandera, nanatili sa puwesto. Inangat nya ang kamay kung saan nakahawak ron ang bandera, gumalaw-galaw pa ang ulo nito.

"Waahh!!"

"Oh my god."

"This is unbelievable!!"

Sigaw ng lahat ng itapon nya ang bandera at saktong sa pinakatuktok na sanga ito bumaon. Nahulog si Zoe at bumagsak ang katawan nya, kaagad naman syang inagapan ng mga kasama.

Lumapit na saamin si Athena, lukot na lukot ang mukha nito. Hawak ang pamunas na dala ko ay pinunasan ko ang ilong nito na may putik. "Mukha kang kumain ng tae." Natatawang aniya ko.

"I need to wash, Tara sa talon." Iniwan na namin  ang mga tao ron. "May langgam iyong putik na ginapang ko king ina." Aniya habang kinakati ang balikat nito.

Ang puting damit na suot nya kanina ay naging brown na ang leggings nya ay puno na ng mga putik.


Someone's Point of View

"She's pretty, the two really look alike and you wouldn't know which one is Athena and her." Aniya ng kapatid ko.

"I know."

"Why are you two doing here? they might catch you here." Bigla ay dumating sya, pareho namin ay tinignan nya rin ang pinagmamasdan namin. "They are now close to each other." Saka tinitignan ang kapatid. Ang mga tawanan nito ay aabot sa puwesto namin.

"Lets go."

Kami dapat ang kasama mo ngayon, lintek ka Tañiara.


@✔

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon