Chapter 29

3.5K 154 11
                                    

Dalawang araw matapos ang pagkikita naming iyon, siya lang ang laman ng isip ko, ni hindi nya pinaglagpas pati ang pagtulog ko. Halos halughugin ko ang internet mahanap lang ang mukhang iyon.

"You're time is running say bye to your son and lost child and oh to your miracle baby Athena."

Lost child. Muli ay bumalik sakin ang alaalang iyon. May kapatid ako. Iyon nga lang ay wala akong alam. Si Papa kaya?

"Ate." Naputol ang pagiisip ko ng bigla ay may kumatok sa pintuan ko.

"Hindi ka pa ba lalabas dyan? Aalis na tayo eh, baka maiwan tayo ng bus ate." Tinatamad ako.

Kanina pa ako gising o kaya sabihin na lang natin na dalawang araw akong gising. Ala sais pa lang ay inayos ko na ang mga dadalhin ko, nagtaka pa nga ang mga maid ng bumaba ako at kumuha ng kaldero at kawali. Nakaayos na rin ako, nang ayusin ko kasi ang gamit ko kanina ay naligo na rin ako.

"Anong oras alis ng bus?" Tanong ko nang mabuksan kk ang pintuan.

"Alas-otso raw." Aniya habang nakahawak sa naglalakihan nitong bag.

"Anong laman nyan?"

"Damit."

"Ano ka mag o-out of town? Bawasan mo yang dala mo tatlong araw lang naman tayo doon." Pumadyak-padyak pa ito sa harapan ko bago umalis at pumunta sa kwarto niya.

Ayos na ang kwarto na, si daddy na ang nagpatapos niyon, walang problema sakanya kung dito na manirahan si Ethan.

"Okay na ba?" Tinanguan ko naman sya. Natatawa pa ako ng makita kung gaano lumiit iyong bag nyang aakalain mong may bitbit na mundo kanina.

"Nagagahan ka na ba?" Tumango naman ito. "Ako na ang maghahatid sayo. kung alas-otso ay wala pa rin ako ay wag nyo na ako hintayin, tinatamad na rin naman akong sumama."

Inilagay nya ang bag nya sa likod at sumakay na sya sa harapan. May hawak itong pagkain sa kamay nya at kinakain nya iyon habang papunta kami sa skwelahan. Pagkarating namin ay may limang bus na naghihintay ron sa loob, hindi ko na ipinasok ang kotse ko.

"Ate naman eh, ayaw mo talaga sumama?"

"Wala ako sinabing ayaw ang sabi ko ay tinatamad lang ako, mag dasal ka na mawala ang tamad ko baka sakaling makapunta pa ako." Natatawa aniya ko. "Bye, enjoy." Yinakap ko muna sya bago kinawayan.

"Bumalik ka ate ha!?!"






Ethan's Point of View

"Nasan si Athena?" Pinangsingkitan ko naman ito ng tingin. Ito talaga eh nakakaamoy ako ng kakaiba rito. "What?!" Aniya ng makita ang pagmumukha ko. Sungit.

"Where's Athena?" Isa rin to, maka lowkey akala mo naman talaga eh tinitignan mo lang iyon pala may halong pagkainlove na. "Anong tingin yan?" Inirapan ko naman ito.

"Tinatamad daw sya, sana bumalik sya." Sabay upo sa bench.

Ibinaba ko ang bag ko at kinuha ang kandila at posporo, umupo ako sa lapag, taka naman nila ako tinignan, hawak ang kandila ay sinilyaban ko ito, nagpatulo ako sa lapag at pinatayo ito ron.

Lord sana sumama pa rin si ate kahit tinatamad na sya, hindi magiging memorable ito kung hindi sya kasama. Talagang hindi na ako kakain ng marami araw-araw kapag nagkatotoo ang prayer ko huhu.

Ang sabi nya kanina ay magdasal ako baka sakaling magbago pa ang isip nya. "Hoy! Ano yan?!" Sipat sakin ni Ryker. Itong sisiw na to.

"Shut up, mukha kang sisiw na bagong pisa." Saka muling ipinikit ang mata ko at ipinagdikit ang palad ko.

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon