Chapter 37

3.1K 137 13
                                    

Athena Point of View

I'm sick. I have fever and this is bullshit.

"What?!" Sigaw ko sa taong nasa harapan ko, kanina pa kasi to nangungulit. Panay hila sa dulo ng damit ko "Ano ba?! Kanina ka pa ah!?"

"Umusog ka." Nangunot ang noo ko, itinuro naman nya ang tent nya, kanina pa pala ako nakatayo rito at nakaharang sa tent kaya hindi sya makapasok. Inis akong umalis doon at umupo sa pahabang kahoy na natumba.

Habang nakaupo ako ay may humintong paa sa harapan ko, alangan namang kamay hindi ba, isipin mo na lang kung anong posisyon ng katawan mo nyan, tignan natin kung hindi ka mangalay sa lagay mong yan.

"Here drink this." Inabot nya sakin ang tablet na gamot kulay pink iyon na maliit na pabilog at isang baso ng tubig, tinignan ko naman iyon saka ininom na lang.

"Kapag lason iyong pinainom mo sakin, bibisitahin kita baba ako at ako mismo susundo sayo." Tumawa naman ito.

"Relax, It's paracetamol. Hindi iyon lason. Ang init naman ata ng ulo mo?"

"Shut up. You're irritating me." Sambit ko, akala ko ay lalayo na ito pero tumabi sya sakin at umupo sa kinauupuan ko rin.

"You're a metal." Lumingon ako sakanya.
"And I am the magnet, you're attracting me." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.

"Luke!!" Inilipat ko sa sumigaw ang atensyon ko. May bitbit itong maleta, iyon iyong mga maleta ko!!

"What? Can't you s—"

"I don't care take this and take it to Athena's car we're going home now." Talagang pinakadiinan pa nito ang sinabi nya sa huli.

"Oh come on." Tumingin muna saakin si Luke at nginitian ako, hindi ko nagawang ngitian sya pabalik dahil naiilang ako sa mgiti nya.

"Luke!!"

"Ito na nga diba?! Tatayo na?!" Bahagya naman akong napatawa sa kanila.

Pumunta ito sa gawi nya at kinuha ang maleta at isang bag ko. "Uuwi na tayo? Hindi pa tapos ang camp." Biglang kumulog ng malakas, napakapit pa ako sakanya.

"Babagyuhin ata ngayon ang Camarines Sur." Aniya ni Jasper.

"Section Death!! Ayusin nyo na iyong mga gamit nyo!! Uuwi na tayo ngayon!! Delikado ang panahon ngayon baka bigla tayong bagyuhin."

Tulad nang sinabi ay nagsiayos na sila ng mga gamit, nanatili lang ako sa kinauupuan ko kanina at pinagmamasdan lang sila. Gaya ng dati ay maingay nanaman ang mga ito.

"Hoy iyong mga kawali!!"

"Akin na tong mga natirang pagkain!!"

"Naknampucha naman oh."

Napailing naman ako sakanila. Hindi ba sila pwedeng gumawa ng hindi nagsisigawan kada halos galaw kasi nila ay talagang nangingibabaw ang mga boses nila. Daig pa nila babae sa sobrang lakas ng mga boses.

"Ethan." Tawag ko kay Ethan nang makalabas ito sa tent, suot-suot na rin nya ang bag nya. "Samin ka na sumama." Tumango naman ito habang nakangiti.

"Let's go." Aniya, nauna na syang maglakad nakasunod lang kaming dalawa ni Ethan sa likuran nya.

Maayos pa naman ang lagay ng kotse ko, buti ay walang mga tao rito at tago ang lugar. Pumasok na ako sa kotse, si Dash ang nag presintang mag maneho, kaya sa likod na lang ako umupo kasama si Ethan. Liningon naman ako nito.

"Why are you there? You sit here at the front." Nagkabit-balikat naman ako sakanya.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si Luke at umupo sa harapan, inis naman syang nilingon ni Dash "Ako ang uupo rito."







Someone Point of View

Sa kakahuyan, nakatayo lang ako sa may kalayuang pagitan sakanya. Huminto ito saglit at kinuha ang cellphone nya, tumingin pa ito sa paligid bago magsalita.

Akala ko ay pupunta sya sa pinaradahan ng school bus nila pero lumiko sya ng daan, doon nakita ko ang isang nakaparadang kotse. Napansin ko ang buhok niya, natawa ako nang mapansing hindi iyon pantay. Damn that girl is really pissing, she really likes playing on someone.

"Do whatever you want, Shoot her, just get rid of her!!" Natapos ang tawag at ibinalik nya ang cellphone sa loob ng bag. Nahinto sya sa tapat ng kotse. Hinahalungkat nya ang susi sa bag, kinapakapa pa nya ang bulsa nya. "Where's my key?!"

"Ito ba ang hinahanap mo?" Itinaas ko ang susi na napulot ko kanina habang nasa daan. Nahulog nya ata iyon at hindi napansin dahil may katawag sa telepono.

"You!!"

"Ako nga."

"What are you doing here again!" Napaatras sya, nabundol pa nya ang sasakyan nya nang bigla akong humakbang.

"Watching you."

"You bitch." Nanggigigil na aniya nito sakin, sasampalin nya sana ako ng mahawakan ko ang kamay nya.

"Ang plano mo ang sisira sa buhay ng pamilya nyo, may lalagas at susunduin ni kamatayan."

"Anong sinasabi mo?!"

"Isang paalala. Ang babaeng binubundol mo at ako ay hindi nagkakalayo at iisa." Bago ko inilapat ang kamay sa leeg nya at nawalan ito ng malay.

Umalis na ako ron at tumungo sa sasakyan, nandoon ang dalawa sa labas. "What's wrong?"

"We gotta go, they're in danger." Kaagad akong pumasok sa kotse, nagsisunudan naman ang dalawang magkapatid, papalabas sa pinagtaguan ko ng sasakyan ay nag ring ang cp ko, inutusan ko si Samantha na kunin iyon at sya na ang sumagot.

"Your mom." Sinenyas ko na iliapit nya saakin ang telepono.

"Our mens are with them. They got ambushed." Kaagad kong ipinapatay ang tawag at binilisan ang pagmamaneho

"Damn it!!!" Sigaw ko nang makita kung gaano karaming mha nakamotor ang nakikita ko sa harapan ko, may mga hawak itong mahahabang baril. Rifle]. "Get your guns!!" Kinapa ko ang ilalim ng sasakyan ko, hinila iyon at lumabas ang baril ko, sinuot ko ang maskara at binuksan ko ang bintana sa taas ng kotse at inilabas ang katawan roon.

"Athenia what are you doing?!"

"My car is automatic it won't crush!! Aim the oppenents!!" Hawak ang baril ay itinutok ko iyon sa mga lalaking nakamotor, nagpatuloy sa pagmamaneho ang sasakyan.

Sa likuran ay napatingin ako ng sunod-sunod na busina ang narinig ko, napapasok ako sa loob ng sasakyan nang biglang pagbabarilin ang puwesto ko. "Damn it." Binilisan ko ang patakbo ng kotse ko, hindi ko pa rin mamataan ang sasakayan ni Athena. "Saan nagpunta ang mga iyon?!"






@✔

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon