Chapter 28

3.4K 163 9
                                    

"Lucas, Jayden, pakitulungan nga akong dalhin iyong pagkain dito." Lumabas mula sa kitchen si Henry, tinatanggal nito ang apron na suot nya.

"Dito na kayo mananghalian."

"Iyon nga po ang pinunta namin dito tito Max!!" Mga walang hiya. Bakit ba sakanila pa ako napunta lord.

Lumabas sa kitchen sina Lucas at Jayden bitbit ang mga ulam, sumunod naman si Henry na bibit ang kanin. Nakakatakam ang amoy ng luto. Kahit hindi ka gutom ay talagang magugutom ka. Nangibabaw sa paningin at panamoy ko ang nasa harapan ko, steak ito at may sauce sa itaas.

"Aren't you going to eat? Tititigan mo lang talaga, really?" Palihim kong tinapakan ang paa nya sa ilalim, manahimik kang gago ka.

Kumuha ako non hunti lang muna dahil gusto ko itong tikman, masarap naman sya. Habang tumatagal ito sa bibig ko doon ko napagtanto ang talagang lasa nito. Peanuts.

"Hey what's wrong?" Hindi ako nagsalita, nagsimulang kumabog ng malakas ang dibdib ko, nagsimula na rin ang pagbilis ng hinga ko.

"Iha what's wrong? Are you okay?"

"My m-medicine" bagamay hirap magsalita ay nagawa kong banggitin iyon. Nasa bag iyong gamot ko!! Ang tanga mo.

"What medicine? Fuck what's happening on you?!" Napahawak ako sakanya, namimilipit ako sa sobrang sakit ng dibdib ko.

"H-hospital."




Dash Point of View

"Where is her car keys?!" Kaagad kong kinapa ang bulsa nya, nawalan ito ng malay.

"Sumunod na lang kayo sakin!!" Binuhat ko ito, hindi naman sya kabigatan at talagang tama lang ang timbang nya, pagkalabas ay agad akong inalalayan ni Luke, sya na mismo ang nagbukas ng pintuan ng sasakyan.

"I'll drive." Aniya.

Sumakay na lang ako sa likod at pinabayaan sya, hawak ang kamay ni Athena, ramdam konang unting pamamaga non. Pawis na pawis na rin ito. What the hell is happening to you woman!?

"Nurse!! Assist our friend!!" Pagkarating sa hospital ay kaagad kaming inasikaso ng mga nurse, marami pa itong sinabi, walang pakealam kong inilagay sa hospital bed si Athena.

Dinakwit ko ang kwelyo ng isang lalaking nurse, natakot naman itong tumingin sakin. "Assist her now!! Ang dami nyong dada bakit hindi nyo na lang gawin ang dapat gawin?!"

"Putsa dre kalma." Kaagad na hinawakan ni Luke ang balikat ko, pinalabas muna kami ng nurse, binalingan ko pa ito ng masamabg tingin bago umalis sa loob.

Nagsisitakbo papunta saamin ang mga lalaki nang makita kami. Hinihingal itong natigil sa harapan namin.

"Anong nangyari?"

"Is she okay?"

"Maybe allergy reaction." Aniya.

Lumabas ang mga nurse, nagsitayuan kami, nagulat pa ito nang makita kung gaano kami karami.

"Ayos na po ang pasyente, nagkaroon lang po sya ng allergy reaction, buti po ay naagapan kaagad, baka po mas malala pa ang naabot nyo kung hindi naagapan kaagad." Aniya nito, yumuko pa ito samin bago umalis, pumasok na rin kami sa loob.

You look like sleeping beauty




Athenas Point of View

"Ayos na kaya sya?"

"Hindi ko alam, gisingin mo kaya sya tapos tanungin mo?"

"Siraulo ka ba?"

"Mas siraulo ka."

Nagising ako sa bangayan ng dalawa, hindi nito naramdaman ang pagupo ko, inilibot ko ang paningin sa loob, kami tatlo lang ang nandito, nasan kaya yung iba?

"Ate!!" Bigla ay pumunta sakin si Ethan, sumunod rin sakanya si Ryker. "Ayos ka na ba?!" Walang kasing lakas ng megaphone ang boses nya.

"Im fine, what happened?"

"Allergy reaction." Doon ay naalala ko iyong kinain ko kanina. May peanuts pala iyon. I'm glad I'm still alive. "Allergy ka saan?"

"Peanut, may giniling na peanut iyong nakain ko kanina, hindi ko alam, napansin ko lang ng malunok ko na, nanuot kasi yung lasa ng mani sa lalamunan ko." Tinanggal ko ang swero na nakakabit sakin, nang may lumabas na dugo ron ay kaagad kong kinuha ang pamunas sa tabi ko at idiniin yon doon.

"Siraulo ka." Ayoko ng may swero sa katawan, anong magagawa nila.

"Kayo lang nandito?"

"Hindi—Oh andyan na pala sila eh." Sabay turo sa pintuan, nagsipakuan ang mga ito at may bitbit pang pagkain. Mcdo.

"Buti at gising ka na, pasensya ah." Napakamot pa ito sa ulo nya.

"Uh its okay, my fault." Iniabit nito saakin ang hawak nyang pagkain, hindi din naman na ako nag inarte dahil gutom na rin ako, hindi ako nakakain kanina.

Sinimulan ko na ang pagkain ko, lahat ay nakangangang tumingin saakin, nilunok ko muna ang pagkain na sa bibig ko bago nagsalita.  "What?"

"Nakakatakot ka gutumin, baka pati kami ay makain mo."

"Errr look at your face." Aniya saka itinutok saakin ang camera nya, anong problema nya sa mukha ko?

"Ano yan? Bakit nandyan iyang swero mo?"

"Tinanggal ko."

"Why?!"

"Nakakadagdag lang ng bigat ang swero sa katawan ko besides I'm okay now, I dont need that thing." Saka tumayo at nilinis ang pinagkaininan ko.

"Lets get out here now, why don't we shop and buy things that will be needed sa camping natin." Habang tinatanapon ang mga balat ng kinain ko sa basurahan. Kinuha ang jacket at isinuot ko iyon bago lumabas.

"Ano to?!"

"Hindi naman yan kailangan!!"

"Gusto ko nito!!"

"Hindi namin gusto."

Ingay. Ingay lang nila ang maririnig mo rito. Buti na lang ay wala masyadong tao rito sa market dahil kung hindi ay talagang paguuntugin ko ang mga ulo nito hanggang sa magsitahimik sila.

Iniwan ko ang mga ito, napunta ako sa snacks area, kumuha ako ng ilang chips at chocolates, nakita ko si Ethan na papalapit saakin, nginitian ko naman ito na agad nya ring sinuklian. "Walang Goya na white?!" Aniya pagkarating nya, hinalungkat pa nya ang mga chocolate doon. "Wag na nga!" Saka ay umalis at lumipat sa drinks section.

Sa malayo. Natigilan ako. May nakatingin saakin, liningon ko ito. Isang babaeng puro itim ang suot, may suot mask na syang nagtatakip sa mukha nya. Napako ako sa kinatatayuan ko ng alisin nya ang mask na suot-suot nya.

Bullshit.

"Ate?" Napalingon ako sakanya, kaagad kong ibinalik ang tingin sa babae, nawala na ito sa kinatatayuan nya kanina.

"Miss!!" Patakbo akong pumunta sa puwestong iyon umaasa na makikita ko uli iyong babae.

"Sinong hinahanap mo?"

"Iyong babae!!" Ang babaeng iyon, parehas kami ng mukha.





@✔

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon