Chapter 50

2.8K 118 14
                                    

Samantha's POV

"This...is huge." Patukoy ko sa lumang malaking bahay na hindi kalayuan samin. "Bakit nagkaganto to? Hindi bat dito ka lumaki?"

"I grew up here." Alam ko.

"Grabe ha? Noon pa man pala ay trip na nila ang nanay mo." Biro ko rito. "So, paano mo nasisigurado na nandito nga si tita?" Tanong ko.

"I tracked her." So. Ano pa't kailangan nya pa ako? Hacker lang naman ako dito. Alam naman na nya pala kung asan si tita pinapunta nya pa ako. Siraulo talaga to.

"Echos mo."

"About the underground. Any news?" Shit. Bigla ay naalala ko ang dapat kong sabihin.

"Matatanggal na ang unang ranggo. Nagkakagulo na sa ilalim. Masyado nang maraming grupong ang nabubuo, at ang Groupon iyon ay may mga planong palitan ang nasa itaas na ranggo."

"Athena is not yet re—"

"Hindi si Athena ang unang ranggo." I looked at her. She's looking at me with curiosity. "Nung nakaraan ko lang nalaman. Hindi sya ang unang ranggo Athenia."

"Sino?"






Athena's Point of View

"Ethan?"

"Hmm?"

"Pamilyar sakin ang bahay na to." Dinala nya ako sa isang lumang bahay. Narito kami at nakaharap lang dito. "Bakit tayo nandito?"

"Dito."

"Ano?"

"Dito ako muntik ng.."

Magtatanong pa sana ako kung bakit natigil sya sa pagsasaluta ng humugot ito ng baril at pinatamaan ang lalaking may nakatutok na baril na nasa gilid ng sasakyan kung saan kami nakasakay. Silent gun. Lumingon ako sandili sa paligid.

"Ano yon?"

"Get a gun, Ate." Aalis na sana kami sa puwesto namin ng may isang itim na kotse ang huminto sa harapan namin. "Shit!" Nataranta ako ng biglang Hampson nito ang manubela.

"Walang lalabas."

"Kilala ko yan." Naka gintong maskara ang lumabas sa sasakyan na iyon. "Athenia."

"No! Hindi yan si Ate!"

"No Ethan! Look at her mask! It's gold! Katulad lang ng palagi nyang sinusuot kapag nagpapakita sakin!"

"Athena!! Mapapahamak ka lang!"

"What?!"

"Putangina!" Lumabas ako sa kotse. Rinig ko ito dahil sa lakas ng sigaw nya.

Hindi ko alam. Pero ang dami kong gustong sabihin at itanong. Bakit bigla-bigla na lang syang nawawala at sumusulpot sa harapan ko. May nagawa ba kong kasalanan at ito ang parusa nya sakin. Ang mangalap ng impormasyon kung bakit ganto ang buhay namin?! Ang pakikipagtaguan nya samin?!

Natigilan ako sa harapan nito. Lumabas ang mga tauhan nito. Nagtaka pa ako ng ang ilan sa mga ito ay may hawak-hawak na baril. Ang mga katawan nito ay halos mapuno na ng mga tatto. Hindi naman ganto ang mga nakakasama nya dati kapag nagpapakita sya sakin ah?

"Athenia." Tawag ko rito. Tinignan lang ako ng tuwid nito. Kakaiba ang mata nya ngayon. Hindi tulad ng dati na kung tumingin saakin ay malambot. "Hailey?" Napaatras ako ng tanggalin nito ang suot.

"It's a trap!" Parang baliw na saad nito. Sinabayan pa nya ito ng nakakatakot na halakhak. "You're a fool." Nagsilabasan ang mga tauhan nito. Pinalibutan kami ng mga ito. Biglang humarurot papaalis ang sasakyan kung saan nakasakay si Ethan.

"Kahit kailan talaga ay duwag ang bunso mong kapatid. Seguro ay labis pa rin ang takot nya sa akin!" Pagkatapos nyang sabihin iyon ay tumawa ulit ito. Hindi ko maintindihan. Anong ibig nyang sabihin?

"Anong mayroon kay Ethan?"

"Bakit hindi sya ang tanungin mo?"

"Ikaw ang tinatanong ko!"

"Kung ako ang sasagot baka hindi mo masikmura ang sasabihin ko."

"Wala ka pa ring pinagbago, mapaglaro ka pa rin Hailey."

"Well. Its run in our blood."

"No. Don't you remember?" Natipak ang hawak nitong maskara.  "What?"

"Fuck you! Go get her!" Naalala ko. Hawak-hawak na pala ako ng mga to. Hindi na ako pumalag pa. Tumingin ako kung saan humarurot ang sasakyan ni Ethan. Babalikan nya ako.

"Wow, Hailey hindi nyo ba afford magpagawa ng quarters at itong lumang bahay na ito pa ang pinagkainteresan mo?"

Para akong baliw na tumatawa habang pinapasok namin ang mansyon. Natahimik lang ako ng makaramdam ako ng kirot sa ulo ko. Sa malaking pintuan may dalawang nakaabang na tauhan nito. May naglalakihang baril ang nakasabit sa katawan ng mga ito. Pagpasok ay doon makikita ang isang silya.

"Nakikilala mo ba kung sino yan?" Nangunot ang noo ko. Maging ang dalawang kilay ko ay nagdikit.

"Sa tingin mo makikilala ko yan kung may takip sa mukha?" Napa aray ako ng higitin ng tauhan nito ang kamay ko. Sinamaan ko ito ng tingin.

"A-amber?" Pinakatitigan ko ang babaeng nakaupo sa silya. "Amber?!" Napaatras ako sa gulat ng bigla itong sumigaw.

"Ma.."

"Hailey!! Pakawalan mo ako rito!!"

"Not until you gave us the key." Susi? Anong susi? "Tanggalan nyo ng takip yan!"

There i saw my mother. Panong buhay sya? I saw it. Nakita ko kung pano dumaan ang bala sa ulo nya. Nakita ko.. Nakita ko kung pano sya umubo ng dugo..Nakita ko kung pano sya hilain ng mga tauhan nila noon. Nakita ko lahat ng yon.

She's looking at me. Makikita ko sa mata nito ang pangungulila. How come you're alive?

"Hihintayin natin magpakita ang dalawang anak mo."

"Talagang hinihiling mong makita kaming magkakasama. Sa oras na narito kami lahat. Magsimula ka ng magdasal."

"Oh tita, ganyan na ganyan ang sinabi mo sa nanay ko noon."

"Don't call me tita! Walang anak si Tañiara! Inampon ka lang nila dahil kailangan nila ng taong magpapatuloy sa masamang ugali nila!"

"Ampon man o hindi. Mapapasakin ang kayamanan ng Sandoval, naiintindihan mo ha?!"

"Hailey!" Nabahala ako ng tutukan nito ng baril sa ulo.

"Ano? Natatakot ka?" Nangaasar na aniya nito saakin. "Ang tapang mo ni hindi mo nga mabalikan ang nakaraan mo! Kawawa ang mga naiwan mo."

Alam ko. Alam ko sa sarili ko na masakit ang nakaraan ko. Hindi ko kayang balikan yon. Unang parte pa lang ng nawalang ala-ala sakin ay hindi ko na kaagad matanggap. Hindi ko matanggap, habang ang kapatid ko ay nagmamakaawa ay naroon lang ako, tahimik at walang magawa.



@✔

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon