Chapter 8

4.6K 179 1
                                    

"Doon tayo paramihan tayo ng score!!" Aya saakin ni Ethan, kung kanina ay tahimik pa sya ngayon ay hindi na.

Pumwesto ako sa harapan at naghulog ng token, sunod sunod lang ang pag hulog ko ng bola sa ring, walang daplis lahat ay nakapasok. Bumaling ako kay Ethan kung kanina ay nakangiti sya ngayon ay masama ang tingin saakin, nilabas ko ang dila ko at pinagpatuloy ang paglalaro, inis syang umingin sa kanyang ring. Naasar.

"Ang daya mo!! Paanong marunong ka maglaro nyan ha?! Binayaran mo ata yang machine eh."

"Ethan dont shout we're in public, you're nosy." Binelatan sya ni Ethan, natawa naman ako sa naging reaction ni Dash.

Napatingin ako sa ibang kasama namin, tuwa ang makikita sakanilang mukha, akala mo ay ngayon lang sila nakapaglaro ng ganito kasaya. Ang iba ay naroon sa machine humuhulog ng token, napansin kong masama na ang timpla ng kanilang mukha, nanlaki ang mata ko ng tumayo si Lee at bahagyan binuhat pa slanting machine kaya't mahulod ang daang-daang tokens!!! Nagsilabas ang napakaraming ticket.

"Gago."

Luminga ako sa paligid, tinitignan kung may nakakita o kung may cctv ba, napahawak na lang ako sa sintido ko ng makita kong may cctv at saktong nakaharap iyon sa gawi nila. Lagot kayo mamaya.

Tumatawa-tawang naglakad papunta sa gawi namin namin sila Ryker habang sa kamay nila ay hawak hawak nila ang napakaraming nagkakabuhol-buhol na mga tickets.

"Tignan nyo ang dami!!!" Sigaw ni Ryker

"Siraulo, dinaya nyo lang naman." Napakamot naman sila sa ulo at bahagyamg ngumiwi.

"Lagot kayo may CCTV sa mismong harapan nyo pa nakatutok." Sabay turo ko doon sa CCTV, ang mga siraulo ay parang wala lang sakanila at dumeritso sa counter upang ipapalit ang tickets. Iiling-iling na lang ako habang nilalagay nila ang tickets sa machine upang mabilang yon doon ng hindi manual.

Isang malaking teddy bear ang nakuha nila, bahagya akong napaatras ng itapon nila iyon sa gawi ko, nasalo ko iyon pero natatakpan na ako.

"Tulong!!" Sigaw ko sakanila dahil, ang human sized bear ay mabigat.

"Siraulo ka." Angil ko kay Ryker. Tatawa-tawa lang ang gago.



Luke's Point of View

Nakita ko kung paanong halos matumba si Athena ng itapon sakanya ni Ryker ang Human sized bear. Hindi sya makita dahil natatakpan sya ng buhat-buhat nyang teddy bear.

"Tulong!!" Tinulungan ko syang iangat iyon, masama ang tingin nya kay Ryker, namumula ang mukha at tenga nito.

"Siraulo ka." Angil nya rito.

Hawak-hawak ang bear ay umalis na ako roon at iniwan sila, pumunta ako sa dati kong puwesto kanina, naroon rin sya tahimik lang na nanonood sa kanila.

"What happened?"

"Itinapon ni Ryker itong Teddy bear kay Athena, muntik ng matumba."

"I see." Sarap mong itumba, nagtanong ka pa alam mo rin naman kung anong nangyari kasi nanonood ka naman.

"Is she accepted?" Tanong ko ng makaupo ako sa tabi nya, nakatingin ako sakanila.

"I guess." Aniya habang ang paningin ay naroon din, iba ang pagkakatingin nya, Alam ko kung kanino nakapako ang tingin nya.

Tinignan ko sya, makikita mo ang saya sa kanyang mukha, mukhang komportable na sya sa mga kasama nya, natawa ako ng hampasin nya si Ryker, ang hilig nyang manakit. Naalala ko iyong nangyaring hidwaan nila sa corridor, kung paano nyang ibato ang hawak nyang water bottle at sumakto iyon sa pagmumukha nung babae.

"She seems comfortable with them." Aniya.

"You think accepting her will be a good idea?"

"She's harmless, I can sense it.'

Naputol ang paguusap namin ng pumunta sa gawi namin ang mga ito. Masama pa rin ang timpla ng mukha ni Athena, pilit syang pinapatawa ni Ryker pero hampas lang ang naabot nya rito.

"Nagsasawa na kami rito."

"Saan nyo gusto pumunta?"

"Chocolate Diaries tayo." Lumingon ang lahat sakanya ng magsalita ito, ang mata nya ay nagningning nang sabihin nya iyon.

"Libre ko." Nagsihiyawan ang lahat ng sabihin nya ang katagang iyon maliban sa amin. Tumatalon-talon na lumabas sa Arcade si Ethan habang naka hawak sa kamay ni Athena.

Ramdam ko ang paging malapit ni Ethan sakanya, sana lang ay tulad sya ng iniisip namin, na wala syang ibang pakay at magkaiba ang gusto nyang mangyari sa nangyari noon.

Kunot-noo akong tumingin sakanya na makita ko ang lawak ng pagkakangisi sa kanyang mukha. Ngunit sumeryoso ito ng makita nya akong Nakatinginan sakanya, nahalata ko rin ang bahagyang paglaki ng bag nya.

Anong ginawa nito?

Natigil kami sa isang shop sa labas palang nito ay maaamoy mo na kaagad ang amoy ng mga tsokolate. Ang mga lalaki ay nagsitakbuhan sa loob, nakuha nya ang atensyon ko nang makita kong nakikipagusap sya sa guwardiyang nakabantay sa shop. Ang ngiti ng guwardiya ay aabot sa kanyang mata batid kong masaya ang pinaguusapan nila.

"Maraming salamat, Ma'am." Dinig kong aniya nito ng dumaan kami.

"She's kind." Lumingon ako sa katabi ko ng bigla itong magsalita. Pati sya ay kumuha na rin ng tsokolateng nakalagay sa glass cabinet. Maging ako ay kumuha na rin. Inis kong binalingan ang hawak ko dahil nakakaramdam na ako ng pamamanhid ng kamay.

Bakit ko ba hawak tong teddy bear na to?

Dumaan sa aking gilid si Athena ganoon na lamang ang panlalaki ng mata ko nang makita ko kung gaano karaming tsokolate ang hawak-hawak nya!!

"Kaya mo bang ubusin yan?"

"Hindi."

Pumunta na ang lahat sa counter at inilapag ang mga napiling bilhin, pinalabas kami ni Athena, nakatayo lang kami sa gilid ng shop, binalingan ko ng tingin si Ryker at inibibigay ang teddy bear na hawak ko.

"Ano yan?"

"Hawakan mo, nangangalay na ako." Aniya ko, inis naman nyang dinampot iyon.

Ang mga kababaihan na dumadaan sa harapan namin ay animoy mga kinikilig ang iba ay nagbubulungan pa pero rinig naman namin, may ibang nagsisilapit at nais magpakuha ng litrato.

"Ang pogi nyo kuya!!" Sabay tiling aniya ng babae.

"Anong number mo kuya? Hihi." Lumingon ako kay Jasper, hawak na nya ang cp ng babae, batid kong ibinigay nya ang number nya sa babae. Tch babaero.

"Stay away from me." Inis na singhal ni Dash sa babaeng gustong magpakuha ng litrato sakanya.

"Hoy!!" Nagsialisan ang mga babae ng marinig ang napakalakas na sigaw na iyon. Lumingon kami sakanya, may bitbit syang dalawang paper bag.

"Kunin nyo to mamaya na kayo magbigayan ng number!!" Singhal nya.

Nagtaka kami ng bigla kami nitong iniwan, Nakita na lang namin sya sa escalator, iwinawagayway ang wallet ko. Saglit akong natigilan at kinapa ang wallet sa bulsa ko.

"Anak ng, yung wallet ko!!!"




@✔

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon