Chapter 13

4.2K 173 4
                                    

Hindi biro ang ginawa kong pag-apak sa ulo nya, dahil nang magkasalubong kami kanina ay halos matawa ako sa pagmumukha nya, para syang nabugbog. Ang kaniyang kilay ay parehas na may sugat, ang noo at baba ay may mga gasgas at ang labi nya animoy naputok.

Natawa ako ng maalala ko ang ekspresyon ng pagmumukha nya nang makita nya akong Ngingisi-ngisi ng nakakaloko sa harapan nya ng magkasalubong kami.

"What with that look?" Nakasalubong ko pababa si Jayden, ang dalawang kilay nya ay magkasalubong.

"Where are you going?"

"Somewhere." At saka sya nagpatuloy sa paglalakad, iniwan nya akong nakatunganga habang sinundan sya ng tingin papalayo.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, laking gulat ko ng makita kong nakadungaw doon si Ethan, Nanlaki ang mata nya ng makitang papunta na ako sa gawi nya. Patalon syang lumabas doon at sinalubong ako.

"Idol!!!"

"Shut up!!"

"Wahh!! Ang galing galing mo!!" Sigaw nya habang ang kamay ay nakahawak sa balikat ko at tumatalon talon.

"Paano?" Nanlalaki ang mata nyang tanong, Napakunot naman ang noo ko, anong sinasabi nito.

"Paano mo nagawa yung talon? Alam mo bang halos mabali na lahat ng buto ko sa katawan para lang maabot yung ganoong kataas na talon? Ang bilis pa ng reflexes mo!! Dahil saktong pagtalon mo ay syang bigla mong pagsipa sa likuran nya!!" Aniya habang hindi nawawala sa mukha ang pagkamangha.

"Pumasok ka na, ang ingay mo, baka abot sa kabilang building yang boses mo." Napasimangot naman ito.

Nang pumasok ako ay seryosong titig nya kaagad ang bumungad saakin.

"Alam mo ba kung ano iyong ginawa mo kanina?"

"Oo"

"Alam mo bang dahil sa ginawa mong yon ay pwedeng sumugod sayo ang lahat ng kaklase nya at markahan ka nila?" Nangunot ang noo sa sinabi nya.

"Hindi biro ang ginawa mong pakikipaglaban sa babaeng iyon kanina, magalaw ang utak non at hindi malabong balikan ka nya, nang may kasama ng iba."

"Hindi ko alam, pasensya na." Tumango naman ito.

"Huwag kang mag-alala habang nandito ka sa'min ay walang makakagalaw sayo." Sisiw.

Uupo na sana ako ng biglang tumayo si Jasper, ang lahat ay nakatingin sakanya, abala syang nakatingin sa cellphone nya, ang panggigigil nya ay makikita sa pagtitipa nya.

"Jayden." Iyon lang ang binanggit nya at saka tumakbo papalabas, nahulog nya ang cellphone nya, pupulutin ko na sana ng maunahan ako.

"Stay here." Aniya.

"Sasama ako."

"Hindi ka sasama. Dito ka lang." Wala na akong nagawa ng mawala na sila sa paningin ko.

Ilang minuto akong nanatiling nakatayo sa tapat ng pintuan, hindi ko na kinaya pa kaya't bumaba na ako at hinanap sila.

Wala akong ni kahit na anong ideya kung saan sila hahanapin. Napaupo ako sa gilid at napahawak sa ulo. Inangat ko ang tingin ko at saka muling tumayo.

"Jayden!!" Sigaw ko habang ang tingin ay di mapirmi.

"Jayden nasan ka?!"

May kumalabog sa likuran ko. Napatingin ako sa pintuan na nasa harapan ko. Teka nasan ako? Tumingin ako sa paligid. Walang kahit na anong studyante dito. Mahahalataan mong hindi na ginagamit ang lugar na ito dahil pinaglumaan na.

Humakbang ako papunta sa pintuan, madilim ang paligid kinakailangan ko pang patalasin ang mata para may maaninag sa dilim.

"Jayden! Jayden?! Jayden?!" Aniya ko dahil wala itong malay na nakagapos!! Ang noo nya ay may dugo at ang kaliwang mata ay putok!!

"Jayden wake up!" Habang tinatapik tapik ang mukha, namumungay na minulat nya ang mata, nagulat sya nang makita ako sa harapan nya.

"A-athena"

"Who did this to you?!"

"A-alis, get o-out" bagamay hirap sya magsalita ay nagawa nyang sabihin iyon.

"No, aalis tayo." Tinanggal ko ang lubid na nakagapos sakanya, at doon ko napagtanto na pati ang paa nya ay dumudugo rin.

Sa abot ng makakaya ko ay itinayo ko sya, ipinatong ko sya sa likuran ko, nanghihina ang katawan nya at hindi kayang maglakad o maitayo ang sarili.

"A-ahh"

"Sorry"

Lumabas kami sa madilim na silid na iyon, parang pinagsakluban ako ng langit at lupa ng makita ang mga taong may bitbit na dospordos sa harapan namin ngayon!! Ngingisi-ngisi ng mala demonyo ang mga ito.

"Sino kayo?"

"Itanong mo dyan sa kasama mo." Sabay tawanan ng mga ito.

Anak ng tupa naman oh. Kung ano-ano kasi pinaggagawa mo sa buhay Jayde!! Gusto ko mang isigaw ay hindi ko na nagawa.

"Ikaw na ba iyang bago ng lalaking yan? Ang lakas ng loob nyang iwan ang kapatid ko!? Tarantado!!" Ang kaninang malademonyong tumawa ay galit na galit ng nakatingin saamin ngayon.

"Ang tarantadong yan ay pinatay ang kapatid ko!!" Gulantang akong napatingin kay Jayden na sobrang nanghihina, nagtatanong ako gamit ang mata ko kung totoo ba ang sinasabi ng lalaki at umiling naman ito.

"Paano mo naman nasabi na sya nga ang pumatay sa kapatid mo?" Mahinahon kong tanong.

"Nang iwan ng lalaking yan ang kapatid ko ay nagpakamatay siya!! Tarantado ka mahal na mahal ka ng kapatid ko!! Pero anong ginawa mo?!"

"Hindi nya pinatay ang kapatid mo, ang kapatid mo mismo ang pumatay sa sarili nya."

"Manahimik ka!!" Initaas nya ang kamay nya sa ere at itinuro ako, ang mga kasamahan nya ay unti-unting lumalapit sa gawi namin habang kami ay umaatras.

"King ina mo Jayden ayusin mo buhay mo." Nangigigil na mahinang sambit ko sakanya.

"Tabachoy!!" Lumingon ako sa gawing iyon, hingal na hingal syang nakaturo ang kamay sa lalaking kasagutan ko kanina.

"Bwesit ka!! Pinagod mo pa kami nandito lang pala kayo sa likod ng skwelahan!!" Nagsilabasan pa ang iba nyang kasama, nakahinga ako ng maluwag ng makita ko sila.

Ngunit ang hawak ko kay Jayden ay mas lalong humigpit ng makita kong papaunta sa gawi namin iyong lalaki na may hawak na bakal at akmang hahampasin nya kami ng may lumipad na bote at nabasag iyon sa ulo nya kaya't nawalan sya ng malay sa harapan namin.

"Dont touch her."

Nagsipuntahan sa harapan namin ang mga ito, tinatakpan kami laban sa mga lalaking nasa harapan namin.

"Ang kitid ng utak mo, mismong sarili nya ang pumatay sa kanya." Ryker.

"Baliw iyang kapatid mo, baliw na baliw kay Jayden hindi na ako magtataka na namatay yon."

Lumapit saamin si Ethan at si Lee, gusto ko pa namang manatili roon ay sumama na ako sakanila, dinala namin si Jayden sa clinic, pero imbes na ang nurse ang gagamot ay pinakiusapan kong ako na lang ang gagamot kay Jayden.

"Bakit mo iniwan?"

"Tinakot ang ng papa niya, ayaw sakin ng pamilya nya."



@✔

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon