Chapter 21

3.8K 154 11
                                    

Dash Point of View

Iyong galawan nya sa pakikipaglaban, ang pagtapon at ang pagpapalipad ng kalaban sa ere ay may pagkakahalintulad. Sa pagkato nya ay hindi sya iyon. Magkaiba ang katauhan nila sa buhay, she's kind and harmless while she's scary and heartless.

"Ano yan? Bago yan ah? Tulala sa malayo." Inis ko naman itong binalingan at  Nauna na ng bumaba sakanila.




Athena's Point of View

Bumalik na kami sa pwesto namin kanina, ang mga tao rito sa loob ay nagsitahimik na rin, pero biglang naghiyawan ng tumaas uli ang emcee sa stage.

"Our new Rank Sections!!" Doon ay bigla uli bumukas ang napakalaking screen at nag flash ang mga pangalan ng Section. Nagkapalitan lang ng pwesto ang Virgo at Heart, ang Virgo na ngayon ang nangunguna at Heart na ang nasa pinakaulihan.

"Yes!! Party!! Party!! Party!!" Sigawan ng mga katabi ko na halos ikabingi ko. Tumayo rin ako at saka tinignan ang mga ito isa-isa

"Balak nyo ba ako bingiin ha?!" Malakas na sigaw ko rin sakanila, natigil ang mga ito at napahawak sa kanya-kanyang mga tenga.

"King ina nabingi ata ako."

"Hello? Hello? Hi? Hi?"

"Ah eh ih oh uh"

"Good hindi pa sira ang eardrum ko, nakakarinig pa rin naman ako."

Aniya ng mga ito habang ang kamay ay nasa tenga pa rin. Nauna na akong umalis sakanila. Pero ganoon na lamabg ang gulat ko ng makitang may guro sa loob, ang kilay nitong peke ay magkasalubong na nakatingin sakin, ang labi nitong kasing pula ng regla ay kumikibot-kibot.

Anong ginagawa nito rito?

"Akala ko ay hindi kayo papasok, aalis na sana ako." Aniya sa mataray at maarteng pananalita, nang makatalikod ako ay umamba ako ng pasuntok pero may humawak sa kamay ko.

"Ikaw nga hindi ka naman pumapasok, isa sa isang linggo lang, nagtuturo ka pa wala naman kaming natututunan." Mahinang sambit ko

"Pag ikaw narinig nyan." Nantatakot na sambit ni Justine saakin, inirapan ko naman sya.

Umupo na ako, nagsiupuan na rin ang iba, nasa likod ko na pala ito kanina pa, hindi ko man lang nadama mga presensya. Isa-isa kaming tinignan nito pero umirap ng sakin tumama ang paningin, problema nito.

"Who else have any idea about korea?" Walang sumagot. Nagpatuloy ito sa pagsasalita, hindi na ako nakinig at dumukdok na lang sa lamesa, pero kaagad din naman umagat ang ulo ko ng may nagtapon ng chalk at sumakto yon sa noo ko.

"Ms. Sandoval why are you not listening?!"

"Im not interested." Lumapit ito sakin, ang kanyang kilay ay halos umabot na sa pinakatuktok ng noo nya.

"How many flag does Korea have?" Kung nagbabasa ka lang sana ng wattpad eh alam mo yan, may alam ka na sana kung ilang bandila ang mayroon ang Korea.

"Five flags in total." Iyon ang naalala ko sa nabasa ko, minsan na ring akong nagbasa at iyon ang nabasa ko, mayroong limang bandila ang Korea, halos tumalino ako kung gaano kagaling sa sagutan si Maxpein sa kwento.

"And why was that?"

"Just download wattpad and read the story Hes Into Her, si Maxpein mismo ang magtuturo sayo." Halos manlaki na ang butas ng kanyang ilong, ang ngipin nya ay kita ko, Nangigigil sya ngayon.

"Wala kang modo!!"

"I know."

"Get one hole sheet of paper!! Now!!" Sigaw nito, nagsiangalan ang mga lalaki.

"Athena naman kasi!!"

"Prinsesa!!"

"Sirmaam!!"

"Si Athena na lang ang mag take quiz total sya naman ang gumalit sayo at hindi kami!!" Pilitan ng mga ito.

"Ayaw nyo talaga?!" Kaagad namang umiling ang mga ito.

"Sege." Nagsihiyawan ang mga ito. "Lumabas kayo ng naka hubot-hubad." Agad na nanlaki ang mga mata nito.

"Sino ba may sabing hindi tayo mag quiz?"

"Idadamay pa kami eh."

"Ma'am hanggang ilan?" Natawa ako sa tawag nya.

"Pakisampal si Athena Ma'am , umayaw si quiz eh." Itinapon ko sakanya ang hawak kong ballpen, at tumama naman iyon sa bibig nya.

"Sisiw." Bulong ko atsaka humarap sa harapan.

"Number One who is the first president of North Korea!?"

"Number Two when did the korean war end!?"

"Number Three which country occupied korea during the second world war?!""

Sunod-sunod na tanong nito, sagot lang naman ako nang sagot. Tumingin ako sakanila, lahat ito ay masasama ang tingin sakin, binigyan ko naman sila ng nagtayanong na tingin, itinaas ni Jayden ang papel nya at wala man lang ako nakitang ni anong sagot don.

Problema nyo na yan.

Umabot hanggang kuwarenta ang tanong nya at lahat naman iyon ay nasagutan ko, pagkatapos magpasa ng mga papel ay kaagad rin naman itong umalis.

"Wala akong sagot!!" Aniya sa naiiyak na tono.

"Ikaw!" Duro sakin ni Ryker. "Matuto kang manahimik minsan, napapahamak mo kami, wala tuloy kaming sagot!"

"Hindi ko kasalanan na walang laman iyang utak mo." Gusto kong bawiin ang sinabi ko ng makita kung papaanong nanlambot ang ekspresyon ng mukha nito.

"Ang sakit mo magsalita."

"R-Ryker." Umalis na ito sa harapan ko at bumalik sa upuan nya, nagkabit balikat naman si Lucas na katabi nya.

Tumngin ako sa likuran ko, nakasalubong ko nanaman ang nakakatakot nyang tingin, biglang kumabog ng malakas ng puso ko at parang may nagkakarera sa loob nito.

What the hell is happening?! Why is it beating like this?! May sakit ba ako sa puso?!

Bigla ay napatingin ako sa harapan ko at tinalikuran na sya, natakot lang ata ako. Lalo na't at kinakabahan ako kay Ryker, masyadong matabil iyang dila mo Athena.

"Lagot ka." Tumingin ako sa tabi ko.

"Umiiyak yan." Aniya habang inginuso si Ryker na nakadukdok sa lamesa. Umiiyak ba talaga sya?

"Tinatakot mo ba ako?"

"Hindi."

"Bakit naman iiyak yan? Kung awayin ako ay grabe tapos iiyakan nya ako?"

"Masakit iyong pagkakasabi mo kanina, kung wala kaming utak bakit tinanggap ka namin at pinakisamahan ng maganda?" Bigla akong natahimik.

Bakit ba dito to nakaupo eh si Ethan dapat ang katabi ko?!

"Humingi ka ng patawad sakanya, delikado at baka magtanim ng galit ang isang yan sayo, baka isumpa ka nyan habang buhay." Tumatawa-tawa aniya nito habang nakatingin pa rin kay Ryker.



@✔user

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon