Chapter 43

2.8K 136 11
                                    

Athena Point of View

"May transferee daw teh dalawa"

"Ay weh?"

"Ang ganda ng transferee sis"

"Oo nga pero familiar sya"

"Ang gwapo nung kuya ghad"

Really? Anong klaseng paaralan ba tong itinayo ni panot? At talagang kahit nasa midterms na ay tumatanggap pa din ng mga bagong studyante. Sino naman kaya yon? Babae at lalaki?

Sa paglalakad ko ay talagang namayani ang mga bulong-bulungan ng mga ito hanggang sa mapunta ako sa music room, nang makita kong hindi ito naka lock ay pumasok ako sa loob, walang tao. Ang bag na suot-suot ko ay iniligay ko muna sa gilid at pumwesto ako sa sulok kung asan nandoon ang mga instrument, may violin, piano, guitar at iba pa.

Kinuha ko ang gitara, sinumulan kong mag strum hanggang sa ipinagpatuloy ko na ito.

O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa

Tanaw parin kita sinta
Kay layo ma'y nagniningning
Mistula kang tala sa tuwing nakakasama ka
lumiliwanag ang daan

Kislap ng yung mga mata
'Pag ikaw ang kasabay puso'y napapalagay
Gabi'y tumatamis tuwing hawak ko ang iyong kamay

Napapikit ako at dinamdam ang kanta. Sinabay ko sa himig ng boses ko ang damdamin ko.

O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa

Simoy ng hangin na kay lamig sa katawan
Daig parin ng liyab na aking nararamdaman
Sa tuwing tayo'y magkabilang mundo
Isang tingin ko lang sa buwan napalapit narin sa iyo

Langit ay nakangiti nag-aabang sa sandali
Buong paligid ay nasasabik sa'ting halik

O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa

O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa

Halika na sa ilalim ng kalawakan
Samahan mo ako tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa

Pagkamulat ng mata ko ay nagulat ako sa dami ng studyante na nakaabang sa labas, ang mga ito ay nagsisiksikan sa labas, kitang kita ko ang pagkamangha sa mukha nila. Ang iba pa ay nagtutulakan na.








Liam's Point of View

"Bro asan na chix mo?"

"I dont know. Samahan nyo ako sa cafeteria may bibilhin ako" tumango naman yung dalawa at sumunod saakin papunta sa cafeteria

Nagsitilian ang mga studyanteng naroon ng makapasok kami, may iba pang nagsitakbuhan papunta samin at nakikikuha ng litrato. Anong klaseng mga studyante ba to? Ngayon lang ba sila nakakita ng ganitong kagwapong studyante?

O kay sarap sa ilalim ng kalawakan
Kapag kapiling kang tumitig sa kawalan
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa, nating dalawa....

Ang boses na iyon ay talagang mahihipnotized ka sa ganda ng pagkakanta nya, ang lamig ng kanyang boses ay syang nagbibigay ganda. I remember those days you used to sing me that song.

"Sa music room bilis!" Agad na nagsitakbuhan ang mga students. Nagtinginan pa kaming tatlo bago sumunod sakanila. Nang makarating kami ay siksikan na ang mga itong nakatingin sa naglalakihang salamin sa music room.

Athena.

"Bro chix mo yieeee"

"Singer bebe mo pre" Kutya ng mga kasama ko.

"Shut up."

Muli kong itinuon ang pansin sakanya. Nakapikit sya habang kumakanta makikita mo sa ekspresyon ng mukha nito na damang dama nya ang kanta.

"Tangina pare crush ko na yan"

"Be mine miss"

"Kyahhh ang galing!"

"Idol na kita!!"

"Im your number 1 supporter Athena!"

"One more wohhhh!!"

Nang matapos ang kanya ay minulat na nya ang mata nya, napaatras pa sya at halos mabitawan ang gitara ng makita kami. Nagtataka itong nakatingin saamin at para bang nagtatanong na kung bakit nandito kami.

Dali-dali nyang kinuha ang bag nya at tumakbo papalabas sa music room.

"What are you fucking doing here!?" Shit, shit, shit.

"Mag aaral?" Fuck you, what the hell is she doing here?! Sa kalayuan ay nakita ko pa ang isang lalaki, ang mga traydor sa nakaraan ni Athena.

"Dont lie! Kilalang kilala na kita simulat sapul, alam kong hindi lang pagaaral ang aatupagin mo dito. What do you want?"

"Really my dear cousin? Ganyan ka na ba talaga kagalit saakin? Porket ba inagaw ko si lan--"

"I dont care about you anymore!! Kahit magpakasal kayo at magkaanak na ay wala na akong pakealam sainyo!!"

"Hailey, tara na? Sinong kausap mo diyan?" Hindi nya kaagad nakita si Athena. Nang tuluyan syang pumagitna sa dalawa ay doon nya napagtanto kung sino ang nasa harapan nya. "Athena."

"Its nice to see you two again." Umalis kaagad ito sa harapan ng dalawa, naiwang tulala ang mga ito. Seguro ay nagkakamali ang iniisip nila na maapektuhan pa rin nila ang pagkatao ni Athena.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at ipinakita ang sarili sakanila. "L-liam."

"Why are here Hailey?"

"Im going to study here."

"You already finished your studies, you already have your work, aren't you?" Napako ito sa kinatatayuan. Nagsimula ng sumama ang timpla ng mukha nya.

"Oh come on. Liam bakit ba nakikialam ka? Hindi ka maalala ng tao, bakit pinagpipilit mo pa?"

"Dahil kailangan nyang makabalik sa katauhan nya para malaman ang katarantaduhang kagagawan ng pamilya ninyo sa pamilya nila." Hinila sya ng lalaking kasama niya, sinundan ko ng tingin ang dalawang iyon hanggang sa makalayo sila.

Umalis na ako doon at kaagad na hinanap si Athena, aligaga akong nakatingin sa paligid. Sa likod ng lumang building ay narating ko. Walang katao-tao dito, maliban na lamang sa babaeng naka gintong maskara.

"Why are you here?"

"She's here." Ang boses nya ay galit. "Why is she here?! Dont tell me they're back for their avenge? Again and again? Her mother is really a nuts. They are really stupid. Kailan ba nila tatanggapin na hindi talaga para sakanila ang kapangyarihan na meron kami ngayon?"

"Make sure she won't harm Athena."

"I'll make sure."

"Liam?" Parehas kaming natigilan. Nagkatinginan kami. Kahit naka maskara sya ay kita mo ang bakas ng gulat sakanya. Napabuntong hininga ako bago tuluyang makaharap sakanya.

"Athena."









@✔


Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon