Chapter 6

5.1K 184 5
                                    

Athena's Point of View

Gabi na nang makauwi ako, ilang oras pala akong nanatili sa loob ng bodegang iyon at halos mag iisang oras ako nakatulog kanina. Ang lakas ng loob ng babaeng iyon na gawin ito, tignan na lang natin ang magagawa mo sa gagawin ko

Nakita ko ang kotse ni daddy na sa garaehan. Papagalitan ako non!! Baka isipin nya ay may dinidate na ako kaya't gantong oras na ako nakauwi.

Imbes na sa harapan ako dumaan ay sa likod ako dumaan, inakyat ko ang bakod ron, tahimik akong nakapunta sa likuran at binuksan ang pintuan papasok sa kusino, halos mabitawan ko ang bag ko ng makita kung sino ang nasa harapan ko.

"Why the hell are you holding a hanger?!" Ang isang kamay kasi nito nakaangat at may hawak na hanger habang ang isang kamay ay nakahawak sa beywang nya.

"Bakit ngayon ka lang?!" Itinuro ko sakanya ang ulo ko, halos sumingkit ang mata nya ng makita ang panibagong tapal sa uluhan ko.

"Anong nagyari dyan?"

"Pinalo, kinulong, nahimatay." Napabuntong-hininga naman ito.

"Kaya mo naman ang sarili mo hindi ba? Karma mo lang yan dami mo ba namang kasalanan sa dati mong skwelahan." Umirap naman ako.

"Pumasok ka na at kumain, nakahanda na ang lahat sa dining area, mamaya ka na tumaas, ipahatid mo na lang kay Marie iyang bag mo."

"Marie come here, bring my bag upstairs." Kaagad naman itong kumilos at kinuha ang bag ko.

Umupo ako sa katabing silya na kinauupuan ni daddy, ang mga kasambahay namin ay pinapunta na namin sa kanila ring puwesto upang magsikain. Ayaw ng mga ito na makisabay na kumain, ayaw kasi sa ugali ko. Iilan lang ang kasambahay na malalapit saakin.

Natapos kaagad ang gabi at napalitan ng umaga.  Maayos ang pagkakatulog ko maliban na lang sa araw ko. Dahil alam kong isa nanamang delubyo ang araw na ito.

Tumingin ako sa taas ng pintuan bago buksan iyon, malay ko ba, baka may inilagay using patibong ang mga iyon, pagkapasok ko ay ibang patibong ang bumungad saakin!!

Lobo, petals, ginunting-gunting na mga colored paper ang tumapon sa pagmumukha ko!! King ina.

"Section Death!!!!" Nannggigigil kong aniya, nagsitawanan ang mga ito, lumapit saakin si Ethan at tinilungan akong tanggalin ang petal sa buhok at katawan ko.

"Sorry hihi." Humahagikhik nitong sambit habang tinatanggal ang petals sa ulo ko

"Hindi nyo nga malinisan itong classroom nyo ang lakas pa ng loob nyong maglagay ng panibangong kalat!!" Napakamot sa ulo ang mga ito, maliban na lamang sa dalawang lalaki na prenteng nakaupo lang sa likod at pinagmamasdan kami.

"What is this Section Death?! Ang dumi ng classroom ninyo!! Hindi ako papasok ngayon, seguraduhin nyo bukas ay malinis na ito sa pagpasok ko." Nilingon ko ang adviser namin, ayaw mo lang magturo eh.

"Athena." Ang lahat ay nakatingin sakin

King ina wag nila sabihing ako ang paglilinisin nila?! Mga siraulo.

"Tigilan nyo ko."

"Ang ganda mo." I know.

"Anong brand iyang bag mo, maganda." Of course I designed it.

"Libre kita mamaya, gusto mo?" I have my own money.

"Come on, Stop fooling a round." Nagsisimangot ang mga ito at umupo sa kanya kanyang upuan

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon