Chapter 22

3.7K 150 2
                                    

Natapos na ang lahat-lahat ay hindi pa rin ako pinapansin ni Ryker. Lumalayo ito kapag lumalapit ako. "Isang layo mo pa sakin lilipad to sayo." Sabay pakita ko sa hawak kong bote na nakuha ko sa likod.

"Sorry na, nakikipagbiruan lang naman ako kanina."

"Hindi magandang biro." Ngumuso naman ako, galit talaga sya.

"Sege bahala ka dyan aalis kami at iiwan ka namin, hindi ko kayang makisama sa taong may galit saakin." Nagtaka naman itong tumingin saakin.

"Saan kayo pupunta?"

"Kakain, lunch na eh, magutom ka magisa. Section Death let's go!!" Saka nauna ng kumabas. Ayaw mo pala ah bahala ka dyan magisa, isasama ko mga kasama mo

"Athena!" Natigil ako ng marinig ko ang boses nito.

"Ito na Tara na bati na tayo!!"

"Hindi ka naman napilitan sa lagay mong yan eh no?" Napakamot naman ito sa ulo at inilagay ang isang kamay sakin saka ginulo ang buhok ko.

"Hindi ako alaga!!" Saka inis na inalis ang kamay nya sa ulo ko.

"Hindi nga, pero alaga ka namin." Saka inginuso ang ibang kasama na nasa likuran namin, nakakunot noo ang mga ito.

"Hoy Ryker tigilan mo yan!!"

"Naknampucha ka lumayo ka nga!!" Saka pinaglayo kaming dalawa, tumawa naman ng nakalaloko si sisiw.

"Saan tayo?" Tanong ko.

"Ikaw ang nagaya samin ah? Bakit samin ka nagtatanong."

"Iyon nga wala akong alam na pwedeng kainan." Nagsitawanan naman ang mga ito. Eh kung panlagyan ko ng bato yang mga bunganga nyo para di na kayo makatawa?!

Nauna akong naglakad sakanila, Hawak ang susing nakuha ko kanina sa bulsa nj Lucas ay binuksan ko ang Van at pumwesto ulit sa driver sit.

"Hoy!!" Taka ko naman itong tinignan.

"Ako dyan!!" Sigaw nito.

"Ako na."

"Wag na baka sa impyerno na ang byahe namin mamaya kung ikaw ang mag drive!!" Biglang bumukas ang kabilang pintuan, anong ginawa nito rito?!

"Dun ka sa likod wag ka dito sa harap!!" Sigaw ko kay Dash.

"Let her." Aniya nya kay Lucas, wala naman na itong nagawa at pumasok na sa loob, binelatan ko muna sya bago makaalis sa harapan ko.

Pinaandar ko na ang makita pero ganoon na lang ang gulat ko ng may biglang humawak sa beywang ko at hinila ako kaya naihinto ko ang van.

"Drive slowly, subukan mong paandarin to ng mabilis, hahalikan kita." Nanlaki ang mata ko sa huli nyang sinabi, sa tingin ko ay nagsitayuan ang mga balahibo ko sa ibinulong nito sa huli.

Gaya ng sinabi nya ay normal lang ang patakbo ko ng van, halos patayin ko na sya sa isip ko. Ang kapal ng pagmumukha, pagkatapos nyang makuha iyong kauna-unahan ko halik. Nahampas ko ang manibela kaya taka naman itong napatingin sakin. Tangina mo.

"Liko ka dyan ate." Utos sakin ni Ethan na nasa likuran ko lang pala nakaupo. "Ayan, Nandito na tayo!!" Napatakip ako sa tenga ko nang sumigaw ito, ang lapit-lapit nya sakin!!

Inayos ko muna ang pagkaparada ng sasakyan bago ko sila pinalabas. Nahuli akong lumabas, kinapa ko muna ang bulsa ng uniform ko, okay dala ko ang wallet ko, no need to worry, ang akala ko kasi ay naiwan ko ito sa bag ko.

"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ng isang lalaki na halos kasing edaran lang namin.
"I miss you so much Henry my baby boy." Nakakalokong aniya ni Jasper sakanya, bahagya pa itong lumapit sakanya at umamba ng yakap pero itinulak sya ng lalaki.

"Sino naman yan?" Tanong nito nang mapunta ang tingin nya sakin.

"Athena." Pagpapakilala ko.

"Classmate natin." Nahulaan ko naman ang makahulugang tingin nito, nagtatanong ito kung bakit may babae na sa kanila, nagkabit-balikat naman ang mga ito.

"Nice to meet you Athena, I'm Henry Vargas, I'm also your classmate." Alam ko.

"Ako muna kasi ang umaasikaso sa business ng pamilya ko, wala ng iba pang tutulong magpatuloy nito kung hindi ako."

"Where's your family?" Tanong ko habang linagmamasdan ang loob.

"My mother just died 5 months ago, My father got into an accident, I dont have siblings." Nakaramdam naman ako ng awa. Wala man lang ba syang ibang relatives na pwedeng tumulong sakanya?

"Umupo na kayo, paglulutuan ko kayo."

"Libre ba?" Walang hiyang tanong ni Jayden, hinampas naman sya nito sa balikat.

"Mag bayad kayo mga walang hiya!" Sigaw nito bago pumasok sa loob.

Napansin kong kami lang ang nandito sa loob, wala rashier at ring waiter. Grabe ang pagkalugi ng negosyo nila.

"Luging-lugi sila ngayon." Sambit ng katabi ko.

Napatingin ako sa labas, wala man lang taong dumadaan sa puwestong ito, sa pagkakaalam ko ay talagang dinadayo ito ng mga tao noon, bakit naman biglang bumagsak at talagang nalugi sila ng sobra-sobra.

Nagtagal sa loob si Henry, umalis ako ron at pumasok sa loob kung saan sya pumasok kanina, Hindi nya naramdaman ang presensya ko, nanatili lang akong nakatayo at nagmasid sa ginagawa nya.

"Ahh!" Hiyaw nito ng aksidente nyang mahiwa ang kamay nya, dumaplis ang kustilyong hawak nya na ipinanhihiwa nya sa sibuyas. Humarap ito at lumapit sa basahan na nakasabit, natigilan ito nang makita nya ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong nito habang nakahawak ang isang kamay sa may sugat nya.

"I'll help you." Lumapit na ako sakanya, kinuha ko ang kutsilyo at hinugasan iyon, bago hiniwa ang sibuyas. "Anong lulutuin mo?" Tanong ko.

"Adobo, paborito nila yon." Tumango naman ako.

"Ilang buwan ka nang magisang nagtatrabaho dito?"

"Tatlo." Aniya.

"Bakit biglang bumagsak ng sobra-sobra itong negosyo nyo?"

"Nasapawan. May nagtayo rin kasi ng isang kainan malapit lang rito, ang pagkakaalam ko ay Chinese ang may ari non. Sobrang nagalit nga non si daddy nang makitang ang mga costumer nya noon ay hindi na bumabalik dito iyon pala ay sa kabila na kumakain." Pag kwento nito. Ang restaurant ata na sinasabi nya ay iyong minsan ko na ring napuntahan.

"Buti ay natanggap ka ng mga iyon? Malaki ang galit ng mga iyon sa babae dahil sa ginawa ng pinsan mo." Natigil ako sa paghihiwa at nanlalaki ang matang tinignan sya. "Nakita na kita noon, nagaaway kayo ni Hailey, nabanggit nya ang pagiging magkadugo nyo, hindi ko alam kung anong pinagaawayan nyo." Pagkekwento nito. Wala akong maalala, hindi pa nagkikita uli ang landas namin ng babaeng iyon matapos ang pangyayari noon.

Imposible.



@✔

Section Death : The Only Girl In Class (SDTOGIC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon