Prologue

85 10 1
                                    

Itʼs supposedly our Eighth Anniversary.

Instead of having fun, Iʼm still here, going back to the place where one of our memories started.

“So, someone suggested a song.” nakangiti kong sabi sa mga audiences habang binubuksan ang papel.

I froze for a moment after opening the paper.

“Magbalik, by; Callalily.” pagbasa ko sa nakasulat.

A lot of people reacted. Merong napa “Aw.” 'Yung iba naman, nagtitilian.

Nananadya yata ang nagsuggest nito, ah?

“To whoever suggested this song, matagal ko na pong hindi nakakanta 'to.” sabay tawa ko, “This song is my favorite, pero hindi ko kinakanta kasi ang lakas ng impact saʼkin. Since you suggested, syempre pagbibigyan kita.”

Ibinaling ko ang tingin sa banda at sinenyasan sila na magpatugtog na.

The song started and d mn, wala pa nga doʼn sa may lyrics na part pero nasasaktan na agad ako.

“Nakita mo 'yung tattoo ng babae?” tanong niya saʼkin saka ngumuso sa bandang likuran ko.

Lumingon ako para makita ang tinutukoy niya.

Pinagmasdan ko ang tattoo ng babaeng itinuro niya. Sa kaliwang braso niya ay may date, 08.16.

Minimalist lang ang tattoo pero ang cute tingnan.

“Magpatattoo rin tayo, Pandak! 'Yung couple tattoo!” suhestiyon niya na talaga namang ikinagulat ko.

Bakit niya ba biglang naisip 'yan?

“Hindi mo ba alam na permanente ang tattoo? Paano kung mag-break tayo?” tanong ko.

Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi saka inilapit ang mukha niya sa akin.

“Hoy, ano bang ginagawa mo?” suway ko, “Baka pagtinginan tayo.”

“Girlfriend naman kita, kaya wala namang masama doʼn.” kampante niyang sagot.

Sinamaan ko siya ng tingin pero nakangiti lang siya saʼkin habang hawak ang pisngi ko.

“Gusto ko lang malaman mo na wala akong balak pakawalan ka.” nakangiting sabi niya.

Ipinilig ko ang ulo ko sa bigla kong naalala at nagsimula na akong kumanta.

♪“Wala ng dating pagtingin.”♪

Natawa ako ng mapakla dahil totoo ngang sa nakalipas na pahanon, wala na siyang pagtingin saʼkin.

“Bakit ka makikipagbreak?” mahinahong tanong ko.

“Ayoko na.”

♪“Sawa na ba saking lambing.”♪

Hanggang ngayon, hindi pa rin nasasagot ang mga katanungan ko.

Bakit? Bakit ka biglang umalis?

“Sabihin mo saʼkin ang totoo dahil hindi ko kailangan ng mga palusot mo!” malalakas na sigaw ang pinakawalan ko.

Bumuntong-hininga siya saka ako tiningnan ng diretso.

“May iba na ako, Kie.” mahinahong sagot niya.

♪“Ginawa ko naman ang lahat. Bakit bigla na lang naghanap.”♪

Sa loob ng limang taon, ni hindi sumagi sa isip ko ang palitan ka. Palaging ikaw ang nandito.

“Itigil na natin 'to, please. Ayoko na, magpahinga na tayo.”

“Ayoko.” garalgal kong sabi habang nakahawak sa kamay niya at pilit na nagmamakaawa, “Please, huwag mo akong iwan.”

♪“Hindi magbabago. Pagmamahal saʼyo. Sanay pakinggan mo ang awit ng pusong ito.”♪

Bago pa makarating sa chorus ay wala ng humpay sa pagtulo ang luha ko.

♪“Tulad ng mundong hindi tumitigil sa pag-ikot, pag-ibig 'di mapapagod. Tulad ng ilog na hindi tumitigil sa pag-agos, pag-ibig di matatapos.”♪

Kaya ayokong kinakanta 'to, eh.

Every lyrics of this song really breaks my heart. All of the memories are coming back, especially the pain.

The crowd clapped as I sang the last lyrics. I tried to smile kahit pa halatang-halata sa mata ko ang lungkot.

It hurts, knowing that the person I love will never come back.

Kahit pa paulit-ulit kong kantahin ang “Magbalik”, hindi na talaga siya babalik.

“Sorry for being too emotional, guys.” sabi ko habang nakangiti pa rin sa audiences, “Did you like it?”

“Yes!” sigawan nilang lahat.

'Yung iba, nag-iingay pa sa mesa. May mga audiences na wagas ang pagpalakpak, tila manghang mangha saʼkin. May mga sumesenyas na isa pa raw.

“You want more?” nakangiting tanong ko.

“Yes! Isa pa! Isa pa!” they are all yelling.

Someone handled me a paper. Nakangiti ko iyong binuksan.

“You sang the song perfectly. You never failed to amaze me, Pandak.”

Halos manlaki ang mata ko sa nakasulat. Even there is no name written on the paper, I know who he is.

Nilinga ko ang tingin sa mga manonood.

I saw him, heʼs smiling at me.

24th of DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon