25

26 6 0
                                    

Balik sa normal na naman ang lahat ng matapos ang Bagong Taon.

Naging busy na naman kami dahil nalalapit na ang bakasyon. Kanya-kanya kaming pasa ng mga requirements sa eskwelahan.

Naalala ko noʼng January, isang beses lang kaming nagkasama ni Taba noʼn. Iyon ay noʼng birthday niya pa. Masyadong maiksi saʼkin ang pagkikita naming 'yon pero babawi na lang siguro ako kapag bakasyon na.

Malabo na rin kasi talaga na magkita kami o magkausap man lang kahit phone call. Masyado kaming tinambakan ng school works. Idagdag mo pa ang thesis na hindi namin matapos-tapos dahil pancit canton lang naman ang ambag ng iba.

Kahit na ganoʼn, alam ko namang pagkatapos ng nakakapagod na araw, sa isaʼt-isa pa rin ang uwi namin.

Mabuti na lang at medyo lumuwag ang schedule namin ng sumapit ang February. Naisipan pa naming mag-Quadruple date para sa advance celebration ng Valentines day.

Sigurado kasi kami na masusundan na naman ng tambak na gawain. Malapit na ang oral defense at malaking pressure para saʼmin 'yon.

Swerte saʼmin ang pagdating ng Marso dahil matatapos na ang paghihirap namin. Kaunting tiis na lang, magkikita na ulit kami ni Taba ng hindi once a month lang.

“Ano bang magandang kulay ang pwedeng ipartner sa gold? Blue kaya?” tanong naman ni Mama kaya kaagad na nagsalubong ang kilay ko.

Kasalukuyan kasing nagkakabit ng kurtina si Mama. Kailangan na raw kasing palitan. Masyado na raw madumi.

“Ma, ayos ka lang ba? Blue saka gold? Sa tingin mo, maganda 'yon?” asar kong tanong saka inabot ang puting kurtina, “Iyan ang gamitin mo. Magandang combination 'yan.”

“Ay talaga ba? Wala kasi akong alam sa pagpapartner-partner ng color.” sagot ni Mama saka kinuha ang inabot kong kurtina.

Tinulungan ko siya sa pagkakabit dahil medyo malaki ang bintana namin. Hindi makakabit ang kurtina ng isahang tao lang.

Napangiti ako ng makita kong maganda ang kulay na napili ko ang kaso, nawala ang ngiting 'yon ng mapansin kong nakatingin saʼkin si Mama.

Nilingon ko naman siya ng nakakunot-noo.

“Baʼt ba ganyan ka makatingin saʼkin, Ma? May problema ba?” takang tanong ko.

Pinanliitan niya ako ng mata na para bang may kinikilatis na kung ano sa mukha ko.

“Nak, ayos pa ba kayo ni Gian? Nag-away ba kayo? O baka naman wala na kayo, hindi mo lang sinasabi saʼkin?” sunod-sunod na tanong niya.

“Ha?” iyon ang una kong nasabi sa pagkagulat, “Ano bang pinagsasasabi mo diyan, Ma? Ayos kami. Mas ayos pa sa itsura ng bahay natin kung hindi natin tatapusin ang pagkabit nitong kurtina.”

Kaagad kong iniwas ang tingin sa kanya at ipinagpatuloy ang ginagawa namin.

“Okay, kumbaga ayos ka edi ayos. Basta alam mo naman na legal na kayo, kaya kung may problema, pwede mong sabihin saʼkin.” iyon ang huli niyang sinabi saka siya nagpatuloy sa pagkakabit ng kurtina.

Napabuntong-hininga na lang ako.

Hindi naman sa hindi ako ayos. Okay ako, okay kami ni Taba.

Nakakalungkot lang isipin na kahit pala ganito na kami katagal, may mga tao pa rin talagang kung pag-isipan kami, akala mo may masama kaming ginawa.

“Bakit ba ang sama ng tingin mo kay Cristina? Mas galit ka pa kesa saʼkin. Dumaan lang naman 'yong tao.” natatawang sabi ko kay Chin habang kumakain kami sa canteen.

Inis niya naman akong nilingon.

“Kasi, bukod sa tamad 'yang kaklaseng mong hindi tumutulong sa thesis, backstabber pa!” matigas niyang sagot, “Alam mo ba kanina, narinig ko 'yang h yop na yan kasama ng mga alalay niyang chararat na pinag-uusapan ka.”

24th of DecemberWhere stories live. Discover now