31

9 6 0
                                    

Pagkatapos ng tagpong 'yon, bumalik na naman kami sa mga nakasanayan namin.

Nang gabing ring iyon, sabay-sabay kaming nagsimba at nagdiwang ng Noche Buena. Medyo napaaga ang tulog ko noʼn dahil napagod ako sa maghapon na date namin.

Noʼng New Year naman, katawagan ko si Taba at sabay kaming nag-countdown hanggang mag-alas dose ng gabi. Sabay-sabay kaming nag-ingay at kahit hindi ko man siya literal na kasama ay parang kasama ko na rin siya.

Matapos ang bagong taon, back to classes na naman. Syempre busy na ulit kami ni Taba sa kanya-kanya naming pag-aaral.

Nagkakausap lang kami through phone calls at chats. Kapag merong time, nagpupunta ako sa kanila. Minsan naman, siya sa amin. Halos salit-salitan lang.

“Hello?” medyo kabado ang naging boses ko matapos kong sagutin ang tawag ni Chin.

Linggo kasi ngayon. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya at niyaya niya 'ko na gumala.

“Ano na, Kie?” pansin ko ang pagkairita sa boses niya mula pa kabilang linya, “Huwag mong sabihin saʼkin na hindi ka pa rin nakakapag-ayos dahil—naku! Sinasabi ko saʼyo!”

Natawa na lang ako sa mga pinagsasabi niya.

“No worries, Chin. Nakabihis na ako.” sagot ko sa kanya at rinig ko naman na para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib.

“Buti naman. Akala ko paghihintayin mo na naman kami, e.”

Napakamot na lang ako sa ulo. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin, na ang bagal ko na naman kumilos keneme. Sasabihin niya na naman saʼkin na ayaw niyang pinaghihintay siya.

Buti na lang talaga at bago pa siya tumawag, nakaligo na 'koʼt lahat.

“Sige na, papunta na kami diyan ni Andeng. See you!”

Pagkatapos niyang ibaba ang tawag, sinilip ko ang sarili ko sa salamin para tingnan ang kabuuan ko.

Narealize kong ang oily ng mukha ko kaya naglagay ako ng pulbos. Naglagay na rin ako ng kaunting liptint para naman hindi ako magmukhang maputla.

Napangiti ako matapos kong ayusin ang sarili.

Paminsan-minsan, nakikita ko sa sarili kong maganda rin pala ako.

“Ate! Nandito na sila Ate Chin!” rinig kong pagtawag saʼkin ni Aureole kaya naman nagawi ang tingin ko sa may pinto.

“Ang bilis niyo namang nakarating. Lumipad ba kayo?” pabiro kong tanong kaya naman tumawa silang dalawa.

“Baliw! Tara na nga!” pag-aya ni Chin saka sumukbit sa braso ko.

Nag-abang kami ng mga dumaraan na taxi. Maraming pasahero ngayong araw kaya natagalan kami. Halos umabot ng dalawampung minuto.

Nang makarating naman na kami sa mall, tumingin-tingin kami ng damit na pwede naming mabili. Walang napili si Chin dahil ang pangit daw ng designs kaya ang ending, wala kaming nabiling damit.

Nagdesisyon na lang kami na mag-arcade para naman hindi masayang ang lakad namin. Halos ilang oras kaming naglaro doon. Nang makaramdam kami ng gutom, nagpunta kami sa food court para kumain.

“Anong gusto niyong kainin? Treat ko.”

Halos manlaki ang mata namin ni Andeng sa sinabi ni Chin.

“Wow naman, manlilibre!” nagsabay pa kami sa pagsabi noʼn ni Andeng kaya pareho kaming nagtawanan.

Hindi naman maipinta ang mukha ni Chin dahil mukhang gutom na nga talaga siya.

24th of DecemberWhere stories live. Discover now