50 : New Start

13 3 0
                                    

“Grabe, I really thought youʼre just kidding when you asked Andeng about going to America. Totoo pala talaga,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Chin nang maabutan niya akong nag-iimpake.

Noʼng araw na tinanong ko noʼn si Andeng, tinawanan niya ako. Akala talaga nila nagbibiro lang ako noʼn. Hinayaan ko na lang sila sa gusto nilang isipin at ginulat sila with the news that I am going to America. Nag-file ako ng two-month leave at ginamit ko ang ipon ko para asikasuhin ang mga kailangan.

Sadly, nauna na saʼkin si Andeng noʼng isang araw pa. Sinabi ko sa kanya na okay lang at susunod naman ako. Siguro, malilibang na rin naman ako sa two months na 'yon. Marami akong makikilala.

“Kie, wala na ba talagang atrasan 'yan?” tanong niya ng makitang desidido na talaga akong mag-impake.

Tinawanan ko naman siya habang tinitiklop ang mga damit ko.

“Chin, kahit pa anong sabihin mo, hindi mo na ako mapipigilan. Saka, two months lang naman akong mawawala. Kailangan ko lang talaga ang leave na 'to para malibang,” sagot ko naman.

“So, hindi na talaga kita mapipigilan?” muling tanong niya kaya umiling na lang ako.

Nakita ko namang nakanguso siya kaya tinawanan ko na lang. Alam kong ganʼyan lang 'yan dahil mawawalan siya ng kachismisan. Paano ba naman, kaming dalawa ni Andeng ang mawawala. Mas matagal nga lang kay Andeng. Aabutin ng halos apat na taon.

“Huwag ka na ngang mag-emote diyan, Chin. Ang drama mo,” natatawa kong sabi saka isinara ang maleta ko.

Wala na talagang atrasan. Ready na akong umalis bukas.

“Nalulungkot lang ako kasi ganoʼn kalala ang epekto ng g gong 'yon saʼyo na kailangan mo pa talagang magpakalayo-layo para makamove-on,” inis niyang sabi.

Natigilan naman ako sa pag-aayos ng maleta saka napaangat ang tingin sa kanya. Ayoko ng isipin pa ang tungkol kay Gian pero ang babaeng 'to, talagang binubukambibig pa!

“Gusto ko na ngang mag-move on tapos inuulit-ulit mo pa saʼkin ang pangalan niya,” dismayado kong sabi.

“Edi Chester na lang. Yi, Chester,” pang-aasar niya kaya naman natatawa na lang ako.

“Magtigil ka na nga diyan. Ang dami ko pang kailangan ayusin, okay?” pagsusungit ko sa kanya kunwari. Imbes na mainis, mas lalo lang akong inasar ni Chin.

“Sus, naging jowa mo nga 'yon, e. Balikan mo na kaya? Hanggang ngayon pa rin naman, deds na deds pa rin saʼyo si Chester. Ayaw ka ngang hiwalayan noʼn kaso nirespeto na lang ang desisyon mo,” sambit ni Chin kaya natahimik ako.

Isa pa 'yan. Nakalipas na rin ang tungkol saʼmin ni Chester pero binabalik niya pa rin. Na-gi-guilty na naman tuloy ako.

“Lahat na lang ng nakalipas, binabalik mo. Ganʼyan ka ba ka-bored?” inis kong tanong. “Nakalipas na 'yong saʼmin ni Chester. Kung sakali mang magkakabalikan kami, tadhana na lang ang magsasabi. Hindi ko kailangang pilitin ang sarili ko na gustuhin siya. Magkukusa na lang 'yon.”

“At kailan naman ang panahon na 'yon, aber?” gatong niya.

“Do you know the word, wait?” wala sa sarili kong sabi saka siya inirapan.

Tumango na lang siya na parang nagpapatalo na saʼkin. Alam niya naman kasing hindi siya mananalo saʼkin. Ang rami kong dahilan at hindi ako mauubusan noʼn.

“Over naman kasing pagmamahal mo 'yan kay Gian, solid na solid,” rinig kong sabi niya kaya muli ko siyang sinamaan ng tingin. “Joke lang, 'to naman. Aalis ka na nga bukas tapos aawayin mo pa ako.”

24th of DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon