23 : First Anniversary

32 6 0
                                    

“Mukhang masyado kang nag-eenjoy, ah?” napatingin ako kay Taba ng magsalita siya.

Ngumiti naman ako at saka tumango.

Paanong hindi ako mag-eenjoy? First time kong makapasok ng resto bar. Isa 'to sa mga bagay na gusto kong gawin noon pa man.

Nakakatuwang isipin na kahit isang taon na ang itinagal ng relasyon namin, hindi niya nakalimutang tuparin ang pangako niya na sasamahan niya akong gawin ang bagay na hindi ko pa nagagawa.

Hindi naging madali na i-survive ang meron kami lalo paʼt maraming against saʼmin.

Hindi pa rin alam ni Mama ang tungkol saʼmin. Hanggang ngayon, kailangan ko pang mag-isip ng palusot kapag magkikita kami.

Kabaligtaran naman ang kay Taba dahil tanggap na tanggap ako ng pamilya niya. Paminsan-minsan, pumupunta ako roon at sa pagpunta punta ko, nagiging malapit na rin kami ng bunso niya.

Madalas kaming mag-away dahil sa dami ng nakakausap niya online. May mga pagkakataon pang nagsisinungaling siya tungkol sa bisyo niya. Nagkakabati lang yata kami kapag nagkikita kasi hindi ko kayang magalit ng matagal.

Kahit na ganoʼn, matibay kami dahil mahal namin ang isaʼt-isa.

“Thank you talaga sa pagdala saʼkin dito, Ba.” nakangiti kong sabi saka itinuon ang tingin sa bandang tumutugtog.

Tumango lang siya at ginulo ang buhok ko. Hindi na kami nag-usap pa pagkatapos dahil na rin sa lakas ng tugtog.

“Thank you so much for that song. The next song will be our last song for tonight pero ang gitarista namin ang kakanta.” sabi ng banda na tumutugtog sa unahan saka siya pasimpleng tumawa, “Siya talaga ang nag-suggest nito saʼmin dahil gusto niya raw i-dedicate sa special someone niya.”

Nagpalakpakan ang lahat ng nandito pagkatapos ng sinabi ng bokalista.

Mas lalong lumakas ang hiyawan ng pumagitna ang lalaking may hawak ng gitara. Seryoso lang ang expression na ipinapakita niya pero mamatay-matay na sa kilig ang mga babaeng nandito.

“Good Evening and Merry Christmas to all of you. Sana lang, hindi malamig ang pasko niyo.” pagbati niya saka muling nagsitilian ang mga kababaihan, “I donʼt know if sheʼs here but I wanted to dedicate this song to someone, whoʼs not even aware that she makes my world go crazy. I want her to know that as long as Iʼm holding her heart, she has nothing to worry about.”

Ngumiti siya saglit pero sa saglit na 'yon, yanig ang mga nandito. Nakakabingi ang mga tili nila na akala mo may artistang nandito kahit wala naman.

“This song is entitled, Bulong by; December Avenue.” lumingon siya sa banda at nagsimula na silang magpatugtog.

♪“Hindi masabi ang nararamdaman. Di makalapit, sadyang nanginginig na lang.
Mga kamay na sabik sa piling mo.
Ang iyong matang walang mintis sa pagtigil ng aking mundo..”♪

Hindi maalis ang tingin ko sa lalaking kumakanta. Bukod sa hindi maitatangging may itsura siya, sobrang ganda rin ng boses niya.

♪“Ako'y alipin ng pag-ibig mo.
Handang ibigin ang isang tulad mo.
Hanggat ang puso moʼy sa akin lang, hindi ka na malilinlang.
Ikaw ang ilaw sa dilim at ang liwanag ng mga bituin..” ♪

“Ang galing niyang kumanta, Ba.” mangha kong sabi saka ko nilingon si Taba na nakasalubong na ang kilay ngayon, “May problema ba?”

“Nagagalingan ka sa kanya?” nilingon niya ako na may bahid ng pagkainis ang boses.

Kaagad naman akong tumango.

“Magaling naman talaga siya.” pahayag ko.

Base pa lang sa reaksyon niya, hindi siya sang-ayon.

24th of DecemberWhere stories live. Discover now