16

37 6 0
                                    

Ilang araw akong nakatengga sa bahay matapos ang pag-uusap naming 'yon.

Ni hindi ako makalabas kung hindi sina Sirene ang kasama. Bawat galaw ko, bantay-sarado kaya naman hirap na hirap akong magpaalam na umalis.

Mabuti na nga lang at hindi kinuha ang cellphone ko kaya naman nakakausap ko pa rin si Taba.

Hindi ko na binanggit pa sa kanya ang napag-usapan namin ni Mama dahil ayokong mag-alala pa siya.

“Pumunta rito kahapon sina Andeng. Bakit hindi ka sumama?” tanong niya mula pa sa kabilang linya, “Halos dalawang linggo ka ng hindi lumalabas sa inyo. Sigurado ka bang okay ka lang?”

Natahimik ako ng ilang segundo bago siya sinagot.

“Oo naman, syempre. Talagang busy lang kami para sa darating na Noche Buena. Bumili rin kasi si Mama ng mga bagong decorations kaya kailangan kong tumulong.” pagsisinungaling ko.

“Kailan ka pupunta ulit dito? Miss na kita.” para akong maiiyak sa bawat kataga na sinabi niya, “Pandak, noʼng Christmas Party pa ang huli nating pagkikita. Medyo matagal-tagal na rin.”

Natigilan ako ng marinig kong may kumakatok sa pinto.

“Ate!” boses iyon ni Aureole, “Aalis si Mama ngayon. Mamayang gabi ang uwi. May gusto ka raw bang ipabili?”

Bigla akong nabuhayan dahil sa narinig ko.

“Sinong kasama ni Mama na aalis?” sigaw ko mula sa may pintuan.

“Si Kuya Leonardo, bakit?” tanong niya naman.

“Wala! Pasabi na lang kay Mama na bilhan ako ng sweatshirt. Gagamitin ko 'yon sa Simbang-Gabi.” sagot ko.

Narinig ko ang mga yabag ni Aureole papalayo.

Naupo ako ng ayos sa kama at mukhang naghihintay si Taba sa sasabihin ko.

“Ba, nandiyan ka pa?” masigla kong tanong.

“Oo, nandito pa ako.” sagot niya naman, “Sino 'yon? 'Yong bunso mo?”

“Oo.” tipid kong sagot.

Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin at doon ko napansin na nakapantulog pa ako. Anong oras na rin kasi at hindi man lang ako lumabas ng kwarto. Hindi pa ako nakakapaghilamos o nakapagmumog man lang.

“Ba, magkita tayo ngayon.” seryoso kong sabi.

“Ha? Sigurado ka? Parang biglaan naman yata.” hindi siya makapaniwala sa plano ko.

Wala ng ibang choice para makatakas ako. Bihira lang umalis si Mama at Leonardo.

Kung maiiwan kami rito na kasama si Sirene at Aureole, panigurado akong hindi magsusumbong ang dalawang 'yon kay Mama. Gabi pa naman siya uuwi kaya may ilang oras pa ako.

“Ayaw mo ba akong makita kahit saglit man lang?” tanong ko.

“Pandak, wala akong sinabing ganoʼn. Ang saʼkin lang, baka hindi ka payagan. Mamaya niyan, pagalitan ka pa ni Tita.” paliwanag niya naman.

Huminga ako ng malalim saka ngumiti.

“Hindi man ako payagan, kapag ikaw, kaya kong gawan ng paraan.” nakangiti kong sabi.

Wala na akong pakialam kung ano pa ang maging consequence ng gagawin ko. Gusto ko na talagang makita siya ulit. Pakiramdam ko, mababaliw ako kapag hindi ko siya nakita.

“Ang swerte ko talaga sa future girlfriend ko.” saka siya tumawa, “I love you, Pandak.”

“Baliw ka talaga!” natatawa ko namang sagot.

24th of DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon