44

8 4 0
                                    

Nagkasagutan kami ni Chin noʼng araw na 'yon. She just left me kasi ang t nga ko raw pagdating sa pag-ibig. Sinasayang ko lang raw ang utak ko. I was offended kaya nag-away kami pero nagkabati lang rin naman kami noʼng New Year.

About Chester naman, nakipagkita ako sa backstage gaya ng sabi niya. Dinala niya ako ulit sa coffee shop at nagkamustahan kami sa isang taon na halos hindi kami nagkita. He also told me na nakapasok siya sa Upbeat Records at halos dalawang taon ang kailangang tapusin sa training nila bago sila mabigyan ng album. Mahabang preparation daw talaga ang kailangan dahil nagsisimula na rin silang makilala.

A year after, naging mas close pa kami ni Chester to the point na para siyang nagsilbing boy bestfriend ko, at the same time, Kuya. Heʼs older than me kasi ng dalawang taon or tatlo yata, limot ko na.

Nakasanayan ko na rin every year na magpunta sa bar na 'to. Dito talaga ako nag-ce-celebrate ng Pasko dahil nga nag-stay na sila Mama sa probinsya for good. Wala na raw kasing makakasama doon sila lola. Sanay na rin naman ako kaya parang wala na lang rin naman saʼkin kung mag-isa ako.

Namanhid na rin naman ako nitong mga nakalipas na taon.

“Kanina ka pa dito?” napalingon ako and I saw Chester walking towards me. Tinabihan niya ako sa bakanteng upuan sa may counter.

“Medyo,” nakapangalumbaba kong sagot.

He suddenly pinched my cheeks kaya napaaray ako sa ginawa niya. He smiled at me na parang nang-aasar kagaya ng lagi niyang ginagawa. Wala talagang magawa sa buhay niya ang lalaking 'to.

“Kung nandito ka na naman para inisin ako, umalis ka na lang,” yamot kong sabi. Hawak-hawak ko pa 'yong pisngi ko na kinurot niya.

“Aalis ako mamaya kaya walang manggugulo saʼyo. Isang performance lang kami tapos pupunta ako kay kay Nova, doʼn sa manager namin,” sabi niya sabay order ng dalawang vodka.

Inabot niya saʼkin 'yong isa at hindi naman ako nagdalawang isip na inumin 'yon.

“Paskong-pasko, may training pa rin kayo?” gulat kong tanong. “Sabihin mo naman kay Nova na bigyan kayo ng Christmas break.”

“No, may pag-uusapan lang about our new song. Hindi kasi nawawalan ng idea si Gavin, gustong i-propose kay Nova 'yong kantang sinulat niya,” natatawang sabi nito.

Napangiti ako kasabay ng pagngiti ni Chester. Ever since, I can see his passion for music. Alam kong dedicated talaga siya sa trabaho kaya naman deserved niya talagang makapasok sa Upbeat Records. Dati ko ring pinangarap 'yon, e. Kaya lang, music siguro is not for me.

Ang dami ko ring inaasikaso lalo pa at third year college na ako. Madugong labanan na dahil sa thesis. Tapos nagpapart time pa ako, hindi na aabutin ng oras ko kung mag-aapply ako as solo artist. Parang masyado namang 'di bagay saʼkin ang maging singer. Masyadong mataas 'yon at baka kakalipad ko, mabalian ako ng pakpak.

“Ayaw mo bang mag-apply sa Upbeat Records? Alam mo, naghahanap 'yon si Nova ng ihahandle. Kapag naging artist ka niya, nasa iisang manager tayo, edi palagi tayong magkasama,” he seems proud of his idea. Parang nagningning pa ang mata niya habang sinasabi 'yon samantalang napailing naman ako.

Halos mapangiwi ako sa idea na 'yon. Ako as an artist? Thereʼs no way!

“Maging artist ako ni Nova sa hindi, anong pinagkaiba? Palagi naman tayong nagkakasama,” bagot kong sabi. “Nasasawa na nga ako sa pagmumukha mo. Hindi mo ako tinatantanan. Pati ba naman sa bahay ko na lang?”

Tinawanan niya ako dahil sa sinabi ko. He was about to pinched my cheeks again pero buti na lang, natabig ko ang kamay niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin habang nakangiti naman siya ng mapang-asar saʼkin.

24th of DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon