42

6 4 0
                                    

“No, I donʼt. Napuwing lang,” kinuha ko ang panyo saka pinunasan ang luha ko.

Mukhang hindi siya naniwala. He laughed at me.

“Kie, nasa bar ka. Paano ka naman mapupuwing dito?” he laughed at me pero inismiran ko lang siya. Heʼs talking at me right now na para bang sobrang close na namin.

“Edi 'wag kang maniwala,” pagsusungit ko.

Mag-oorder pa sana ako ng isa pang tequila pero pinigilan niya ako. He said na kanina niya pa napansing nakailang shot na ako. Baka raw hindi na ako makauwi.

“As you can see, I can still talk properly. Kaya ko ang sarili ko so please, huwag mo na akong pigilan na mag-inom,” muli akong lumingon at nag-gesture ako sa bartender na bigyan ako ng tequila. Napakunot ang noo ko ng mapansin kong heʼs hesitant to give me one. “Donʼt tell me na naniniwala ka dito? Just please, give me my tequila.”

“'Wag mong bigyan,” pagpigil ulit ni Chester kaya nainis na talaga ako at hinarap siya.

“Ano bang problema mo? Bakit mo ba ako pinipigilan? Itʼs a bar, Chester. Iʼm supposed to have fun here,” yamot kong sabi.

“Hindi ka ba nag-enjoy na panoorin akong kumanta kanina? Nakakaenjoy 'yon. Mag-eenjoy ka naman without drinking here. Delikadong uminom ng marami ng walang kasama,” he poked my forehead, kaya mas lalo lang nagsalubong ang kilay ko sa pang-iinis na ginagawa niya.

“How can I enjoy your song e pang-broken ang kinakanta mo. Balak mo pang paiyakin ang mga costumer sa bar na 'to?”

He laughed at my statement. Hindi ko alam kung bakit ba tuwang-tuwa siya na makita akong naiinis. Talagang hindi niya na ako nilubayan pagkatapos niya akong iligtas doʼn sa lalaki.

“So, are you telling me na naiyak ka sa kanta ko kasi namimiss mo pa rin siya?” naningkit ang mata niya. Para bang tinitingnan niya kung ano ang magiging reaction ko.

“Tingin mo ba ganoʼn ako ka-inlove sa lalaking 'yon para iyakan siya? Ang tagal na naming wala. I already moved on,” iniwas ko ang tingin sa kanya.

I breathed deeply. Puro kasinungalingan ang sinabi ko dahil ang totoo, of course, I am still inlove with Gian. Totoong matagal na kaming wala pero hindi pa rin ako nakaka-move on. Silently hoping pa rin ako na babalik siya.

“Naka-move on ka na? Oh, I see,” tumango-tango siya pero parang nagdududa siya saʼkin.

Inismiran ko na lang siya then seconds after, kinalabit niya ako.

“What?”

“Heʼs here,” pagkasabi niya noʼn, automatic na lumingon ako sa paligid. Halos nilibot ng tingin ko ang kabuuan ng bar pero wala akong Gian na nakita.

“Where? Saan banda mo nakita?”

“Ganʼyan ba ang naka-move on?” bigla siyang tumawa kaya naman halos mamula ang mukha ko sa inis.

“Pinagtitripan mo ba ako?” I almost gritted my teeth because swear, he is annoying. Kahit pa siya ang nagligtas ng buhay ko noon, I canʼt help myself from being annoyed from him. Hindi ko gusto ang pang-aasar na ginagawa niya saʼkin.

“Iʼm not making fun of you. I just want you to tell me the truth,” iyon lang ang sinabi niya.

Tell me the truth ang mukha niya. Sana pala hindi na lang kami nagkita kung iinisin niya lang ako ng ganito.

“Ano naman ngayon kung nalaman mong hindi pa ako nakakamove on? Ichichismis mo 'ko, ganoʼn?” nakatingin ako ng masama sa kanya habang nakatitig naman siya ng inosente saʼkin, “Hindi porkeʼt maganda ang takbo ng lovelife mo, bubully-bullyhin mo na 'ko.”

24th of DecemberWhere stories live. Discover now