33

6 6 0
                                    

Naging ayos na rin naman ang lahat pagkatapos ng madramang pag-uusap namin. Nagbigayan pa nga kami ng advice sa isaʼt-isa kahit alam naman ng lahat na hindi namin kayang i-apply ang mga 'yon.

Umuwi naman sila pagkatapos noʼn samantalang tinawagan ko naman si Taba para makapag-usap rin kami.

Sinabi ko sa kanya na may gusto akong sabihin at kung pwede sana ay magpunta siya saʼmin. Gusto kong sa personal masabi ang lahat ng sama ng loob ko kaso lang, ang dami niyang excuse. Kesyo busy, kesyo hindi pinayagan, at kung ano-ano pa na mas nakakapadagdag lang sa sama ng loob ko.

Recently din, hindi na siya nagpupunta saʼmin. Dati naman salitan kami pero noʼng tumagal, ako na lang ang nagpupunta. Kapag inaaya ko naman siya na magpunta saʼmin kasi hinahanap siya saʼkin ni Mama, ang dami niyang dahilan. Noon naman, kahit sobrang busy niya, kaya niyang gawan ng paraan.

Ang sakit lang na ramdam na ramdam ko ang panlalamig niya.

Pinilit ko siya noʼn. Ang sabi ko, kahit isang oras lang, makapag-usap lang kami pero hindi siya patinag. Sumuko na lang ako at sinabi ko sa kanya na sa ibang araw na lang.

Lumipas pa ang ilang araw, linggo at buwan. Hindi ko pa rin nasasabi at nawawalan na ako ng pag-asa na masasabi ko pa ang lahat sa kanya. Kapag nag-ta-topic naman kasi ako, naiirita siya. Nag-iinarte na naman daw ako.

Kapag sinusubukan kong sabihin sa kanya ng maayos, parang wala siyang naririnig. Kada salita na banggitin ko sa kanya, lumalampas lang sa kabilang tenga.

Pagod na ako sa totoo lang pero anong magagawa ko, mahal ko siya. Kahit ang dami ng rason para sumuko, pinipili ko pa rin ang lumaban. Kahit halos ako na lang ang bumubuhay ng relasyon namin, sige lang. Pipilitin kong intindihin kasi ganoʼn ko siya kamahal.

“Grabe! Ang galing talagang pumili ng place ni Tantan, pangmalakasan!” manghang sabi ni Chin habang nililibot ang tingin sa buong resort.

Dahil tuloy sa tawanan nila, bumalik ang isip ko sa reyalidad.

Doon ko napagtanto na nasa resort nga pala kami ngayon dahil nagkayayaan kami ng swimming.

Hindi ko nga alam kung paano nangyaring pinayagan si Taba pero masaya ako na kasama namin siya ngayon. Sa tinagal-tagal ba naman na puro siya excuse, sa wakas naman ay nakasama na siya.

“Magsisitayuan na lang ba tayo rito? Tara na!” excited namang sabi ni Andeng.

Nag-unahan naman sila sa pagtakbo papuntang cottage. Nakita ko nga si Taba na nakikihabulan kina Chin. Kung sino raw ang mahuli, pangit.

Natawa na lang ako at napailing habang pinagmamasdan sila. Ang cute. Para silang mga batang naglalaro.

“Pandak, ano pang ginagawa mo diyan? Tara na!” pagyaya saʼkin ni Taba ng mapansin niyang ang bagal ko maglakad.

Tumango lang ako bilang response.

Matapos kong makarating ng cottage, inayos ko kaagad ang mga gamit ko. Dumiretso ako sa banyo para magbihis at pagkatapos ay lumusong na ako sa pool.

Gusto kong bumawi dahil noʼng nakaraan, hindi man lang ako nakaswimming. Palibhasa, ang epic ng swimming na 'yon. Para bang puro kamalasan ang  nangyari.

“Wow naman, talagang nauna ka pang lumusong. Hindi naman halata na masyado kang excited,” pagbibiro ni Chin na ngayon ay katabi ko na sa pool.

Tinawanan ko lang siya at tinapik ng mahina sa braso.

“Baliw ka! Alam mo namang hindi ako nakapag-swimming noʼng nakaraan kaya naman gusto kong bawiin ngayon. Ang ganda kaya ng swimsuit. Sayang naman kung hindi ko magagamit,” sagot ko naman.

24th of DecemberWhere stories live. Discover now