26

27 5 0
                                    

Hindi ko talaga alam kung bakit hindi ako nakasagot ng mga oras na 'yon, kahit alam ko naman sa sarili kong hindi.

Mas lalong hindi ko rin alam kung hanggang kailan ko titigilan ang kakaisip ng mga negative thoughts, ganoʼng ang ganda ng takbo ng relationship namin ni Taba.

“Naku, hija. Masaya talaga ako na nakarating ka.” natauhan ako mula sa malalim na pag-iisip ng marinig ko ang boses ng Mama ni Taba.

Kasalukuyan kaming nandito sa eskwelahan ni Taba dahil Graduation Day nila ngayon.

Nag-aalangan nga akong pumunta pero ayoko naman na wala ako sa importanteng araw niya.

“Alam mo bang kanina ka pa talaga niya hinihintay?” tanong saʼkin ni Tita.

Ngumiti naman ako saka tumango.

“Muntikan na nga po akong hindi makarating. Buti na lang at nakahabol pa po.” sagot ko naman.

Natigil kami sa pag-uusap ng magsalita na ang Principal bilang Opening Remarks.

“Good Afternoon Honored Guests, Ladies and Gentlemen.” pagbati ng Principal sa aming lahat pero wala talaga sa kanya ang focus ko.

Pasimple kong sinulyapan si Taba na nakaupo sa kabila kasama ang mga kaklase niya.

Nakakatuwang makita siya na nakasuot ng toga.

“A graduation ceremony is always a special occasion—the culmination of years of hard work, the realization of goals attained, and the recognition of accomplishments. So it is only fitting that we commemorate the road we have all traveled together over the last four years today.” muling pagsalita ng Principal.

Nagkasalubong kami ni Taba ng tingin kaya naman nginitian ko siya.

Kung pareho lang sana kami ng edad, sabay sana kaming ga-graduate. Sabay kaming mag-aapply ng trabaho, sabay mapo-promote, sabay sa lahat ng bagay. Kaso, malabong mangyari 'yon.

“Itʼs been a long journey that began with hesitant steps but has brought us to incredible heights. Weʼve had some difficulties along the way, but weʼve persevered and emerged stronger as a result. We have shared extraordinary moments, wonderful moments, and made memories that will be treasured for years to come.”

“Uh, excuse me?” napalingon ako mula sa kanan ko ng may kumalabit saʼkin.

“Ano ho 'yon?” magalang ko namang tanong sa babae na tingin ko ay nasa mid-30ʼs na.

“May nakaupo ba rito?” turo niya sa katabing upuan ko.

Mukhang isa siya sa parents ng mga maggu-graduate.

“Wala po. Sige na po, maupo na po kayo.” pagyaya ko.

Kaagad naman siyang nagpasalamat saʼkin at naupo.

Ibabalik ko na sana ang tingin sa unahan para makinig ng speech pero muli siyang nagsalita.

“Taga-rito ka ba, hija? Ngayon lang kita nakita dito sa barangay namin.” ani ng babae.

Nahihiya naman akong umiling.

“Kung ganon, abaʼy may anak kang ga-graduate dito? Mukhang bata ka pa, hija.” muli siyang nagsalita.

“Nandito po ako para suportahan ang boyfriend ko po.” magalang na sagot ko.

Pagkasabi ko noʼn, nag-iba ang reaksyon niya.

“Ke bata-bata niyo pa. Alam ba 'yan ng magulang niyo?” pagalit niyang tanong.

Agad naman akong tumango na lalong ikinainis niya.

24th of DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon