04

43 9 0
                                    

Hindi ako nagreply at nahiga ako sa kama.

Nakatingin lang ako sa kisame habang lumilipad ang isip ko.

Ang dami ko na ngang pinoproblema, dumagdag pa 'tong si Gian.

Ano namang alam niya sa panliligaw?

Bata pa siya. Sigurado akong sa edad niya na 'yon, puro laro lang ang tingin niya sa mga babae.

Isa pa, isang beses pa lang kaming nagkita.

“Teka nga, Kie, bakit mo ba iniisip ang bwiset na 'yon?” pagkausap ko sa sarili, “Kung gusto mong matahimik ang buhay mo, pwede mo naman siyang iblock. Tapos ang problema!”

Nakahinga ako ng maluwag at binuksan ulit ang phone ko. Ganon na lang ang gulat ko ng may nag pop-up uli na notification galing kay Gian.

Nag-comment siya sa profile picture ko!

“Bwiset ka talaga, Gian!” malakas kong sigaw at binato ang unan ko sa kung saan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

“Bwiset ka talaga, Gian!” malakas kong sigaw at binato ang unan ko sa kung saan.

Wala na ba talaga siyang ibang alam gawin sa buhay kundi ang mang-inis?

I-dedelete ko na sana ang comment niya ng bigla namang tumawag si Chin.

Wala sa sariling sinagot ko ang tawag.

“Ano?” matamlay kong tanong matapos kong sagutin ang tawag niya.

“Napano ka?” tinawanan niya ako, “Ayos na ba ang pakiramdam mo?”

Napaupo ako ng kama saka umiling kahit alam kong hindi niya naman ako nakikita.

“Hoy.” muli niyang turan.

Hindi pa rin ako nagsalita at nakabusangot lang.

“Sabi ko naman saʼyo 'diba? Kapag may problema ka, sasabihin mo dapat saʼkin.” paalala niya.

Hindi ako nagsalita.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Lately, nalulungkot ako kahit wala namang rason. Palagi akong gumigising ng mabigat ang loob.

“Nga pala, sino 'tong Gian na tinutukoy nina Owen sa group chat?”

Kaagad na nanlaki ang mata ko dahil hindi ko pa pala nadedelete ang comment ng bwiset na 'yon.

Napakachismoso pa naman ni baklang Owen at mahilig magkalat ng fake news.

“Hoy, Kie, t ngina, may nanliligaw saʼyo?” gulat nitong tanong.

“Wala! Baliw ka ba? Alam mo namang si Stanley ang gusto ko, bakit naman ako magpapaligaw?” agarang sagot ko.

“E bakit ganito ang comment noʼng Gian? Sabi dito, “Ang ganda talaga ng future gf ko”, hanep, ah.” tinawanan ako ni Chin.

“Magtigil ka nga!” inis kong sabi, “Hindi nanliligaw ang bwiset na 'yon saʼkin. Huwag ka ngang magpapaniwala kay Owen! Alam mo namang fake news naman lagi ang pinagkakalat noʼn.”

24th of DecemberWhere stories live. Discover now