35 : Third Anniversary

5 3 0
                                    

Alam kong nakakatawa kung sasabihin kung oo, pero 'yon ang isinagot ko.

Sa kabila ng lahat, mahal ko pa rin siya. Kahit sobrang bigat na, siya pa rin. Kahit sa puntong 'to na hindi ko na maintindihan kung saʼn patungo ang relationship namin, siya pa rin.

Siya naman talaga lagi, wala ng iba.

Alam kong ang tanga pakinggan pero sa kahuli-hulihan, si Taba pa rin ang pipiliin ko.

“Happy Third Anniversary, Ba! See you later!” masiglang bati ko ngayon sa kanya through call.

Alam kong alas-syete pa lang ng umaga pero masyado akong excited. Akalain mo ba naman, kahit puro kami pagtatalo nitong mga nakaraang buwan e nananatili pa rin kaming matatag.

“Ang aga naman ng bati mo. Akala ko naman kung anong emergency kasi nakailan kang tawag. Pwede bang patulugin mo muna 'yong tao?” yamot niyang sagot pagkatapos ko siyang batiin.

Sa isang iglap, nawala ang excitement na nararamdaman ko para sa anniversary namin.

Talagang gumising ako ng maaga para lang mabati siya tapos hindi niya naman pala ma-aapreciate 'yon.

“Sorry kung naabala kita, Boyfriend ko. Masyado lang talaga akong na-excite. Syempre, ikatlo na natin 'tong anniversary. Hindi ka ba natutuwang naalala ko ang special day natin?” pinilit kong magsalita ng masigla.

“Paano ako matutuwa, naistorbo mo ang tulog ko?” halata sa boses niya ang pagkayamot kaya hindi na lang ako nagsalita.

Nakakasama ng loob na kahit sa konting bagay, palagi na lang siyang galit. Ginagawa ko naman ang best ko para mag-work out ang relationship namin pero hindi ko naman 'to kaya ng ako lang.

“Sorry, Ba. Huwag na tayong mag-away, please. Anniversary natin ngayon, kahit palampasin mo na muna ang inis mo saʼkin,” pakiusap ko.

“Kung ayaw mong mag-away tayo, pwes, huwag kang gumawa ng bagay na ikaiinis ko. Sige na, mamaya na lang—”

“May gagawin ka?” pagputol ko ng sinasabi niya. “Mag-usap muna tayo.”

“Kie, nakikinig ka ba sa sinasabi ko o ano?” medyo pabulyaw ang pagkasabi niya noʼn kaya naman natahimik ako.

Kahit magkatawagan lang kami, ramdam na ramdam ko ang inis niya. Mas gusto niya pa talagang matulog kaysa makausap ako. Dati naman, kahit antok pa siya, kapag napapaaga ang tawag ko, ini-entertain niya ako. Never ko naramdaman na naiistorbo ko siya. Lagi niyang sinasabi na pagdating saʼkin, walang isto-istorbo.

“Kakasabi ko lang na kung ayaw mong mainis ako, huwag kang gagawa ng bagay na ikaiinis ko, tapos tatanungin mo kung may gagawin ako?” para siyang nanenermon at nasasaktan ako dahil ganito ang naging bungad ng anniversary namin. “Alam mo naman na natutulog ako bago ka tumawag tapos gusto mong mag-usap tayo ng matagal? Kie, nag-iisip ka ba?”

Bigla na lang akong naiyak sa huling sinabi niya. Parang gripo ang luha ko, tuloy-tuloy lang sa pagtulo.

“Ba, anniversary natin ngayon. Pasasamain mo ba talaga ang loob ko?” humihikbi na ako dahil hindi ko na kaya ang pakikitungo niya.

Kung tratuhin niya ako, para bang hindi niya ako girlfriend.

“Kie, put ngina naman! Ang aga-aga, mag-da-drama ka talaga, ha?”

Hindi ko nasagot ang tanong niya at puro na lang ako hagulhol. Nakakapagod na rin namang magsalita. Hindi niya naman ako pinapakinggan.

Masakit.

Hindi ko maipaliwanag, basta masakit. Sa sobrang sakit na ganito na lang lagi, wala na akong ibang gustong gawin kung hindi ang umiyak na lang.

Mali ba ako kung iisipin kong nawawalan na siya ng interes saʼkin? Mali ba ako kung iisipin kong may iba na siya at hindi niya na ako mahal?

24th of DecemberWhere stories live. Discover now