36

6 4 0
                                    

“Okay ka lang? Kung hindi mo kayang pumasok, ako na lang mag-isa ang pupunta kay Taba. Ako na ang bahalang kumausap,” sabi ni Stanley ng makita niyang nag-aalinlangan pa akong pumasok.

Nakarating na kami sa resto bar. Ito 'yong resto bar na pinuntahan namin noʼng first anniversary namin. Dito rin sila nag-away ni Chester noʼn.

“Kinakabahan ka ba, bro? Magsabi ka lang, ako ng bahala sa lahat,” muling sabi ni Tantan pero umiling ako.

Totoong kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung anong pwede kong madatnan sa loob. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kung sakali ngang totoo ang sinasabi ni Jeffrey. Kahit na ganoʼn, gusto ko pa ring ako mismo ang makakita.

“Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako kinakabahan, Bro. Sobrang kinakabahan ako pero gusto ko pa ring pumasok sa loob. Handa ako o hindi handa, gusto kong ako mismo ang makakita ng lahat,” pahayag ko.

Tinanguan ako ni Stanley kaya naman dumiretso na kami ng pasok sa loob.

Pagkapasok namin, sinalubong kami ng malakas na tugtog. Napakaraming tao. Halatang mga nakainom na kaya naman ang hirap makisiksikan dahil panay ang sayawan nila na animoʼy nasa bar. Halos hindi na nga rin magkarinigan.

Nilinga ko ang tingin sa paligid pero wala akong halos makita. Madilim sa loob. Mabuti na nga lang at hinawakan ako ni Stanley sa braso kaya naman hindi ako nahiwalay sa kanya.

Naupo kami malapit sa stage. Kumakanta na ang grupo nila Chester kaya hindi magkamayaw ang ingay sa loob.

Muli kong nilinga ang tingin sa paligid sa pagbabakasakaling makikita ko siya. Mabuti na lang at hindi ako sumuko. Agad na nahagip ng mata ko si Taba na nakapwesto doon sa inupuan namin noʼng unang beses na dinala niya ako rito.

“Ba!” halos sumigaw ako para tawagin siya pero dahil sa sigawan at tugtog ng banda, mukhang hindi niya ako narinig.

Nag-uusap sila ng mga tropa niya at hindi lang 'yon, may katabi siyang babae. Mas ikinadurog pa ng puso ko na makitang inaakbayan niya iyon.

“Ba,” naging pabulong na ang boses ko ng makalapit ako sa kanya.

Namilog ang mata niya na para bang nakakita ng multo. Tinanggal niya rin ang pagkakaakbay doon sa babae at saka napatayo sa upuan.

“Kie, anong ginagawa mo rito?”

“Hindi ba dapat, ako ang nagtatanong niyan?” pagbabalik ko sa kanya ng tanong.

Nangingilid na ang luha ko pero pinilit ko iyong pigilan. Ayokong makita niya akong umiiyak. Gusto kong ipakita sa kanya na kahit umabot na kami sa puntong ganito, kaya ko.

“Anong ginagawa mo rito at sino ang babaeng 'yan?” gumaralgal ang boses ko dahil pinipilit ko pa ring pigilan ang pag-iyak.

“Ikaw ang sino? Baʼt ka ba biglang nanunugod, ha? Hindi mo ba alam na sinisira mo ang celebration namin?” pag-epal naman ng babae at talagang lumingkis pa sa braso ni Taba.

“Sinira mo rin naman ang celebration namin ng boyfriend ko. Third anniversary namin ngayon,” paliwanag ko sa babae pero tinawanan niya lang ako.

Pati mga tropa niyang nandoʼn, tinawanan ako. Parang hindi sila naniniwala sa sinasabi ko lalo paʼt hindi ko sila kilala. Mukhang mga bago silang kaibigan ni Taba.

“Totoo bang jowa mo 'yan, pre?” tanong sa kanya noʼng lalaking abo ang kulay ng buhok. Nakaupo siya sa tabi ni Taba at may babae namang nakakandong sa kanya.

Sabihin mong girlfriend mo ako, Ba.

Please.

“Kakilala ko lang 'yan, pre. Minsan talaga may sapak 'yan sa ulo. Kung umasta kala mo merong kami. Inlababo kasi 'to saʼkin,” may halong pagmamayabang ang turan niya at sa puntong 'to, tuluyan na ngang nagbagsakan ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

24th of DecemberWhere stories live. Discover now