32 : Gap

9 6 0
                                    

Umuwi ako ng masama ang loob, as in sobrang sama.

Sa sobrang sama ng loob ko, wala akong tigil sa pag-iyak habang nakasakay ako ng taxi. Ramdam kong nakatingin saʼkin si Manong pero 'di ko na 'yon pinansin. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na hindi umiyak.

Kaibigan ko si Chin. Isa siya sa mga kaibigan na palaging nakasuporta saʼkin. Kahit noʼng kay Stanley pa lang, nakasuporta siya. Noʼng panahon na halos wala na 'kong malapitan, siya palagi ang nakikinig.

Kahit noʼng panahong gulong-gulo pa ako sa feelings ko kay Taba, siya ang nagpalinaw pero bakit? Bakit niya 'yon biglang nasabi?

Idagdag mo pa 'tong l cheng Taba naman na 'to na hindi pa rin ako kinakausap. Ang mas nakakasama pa ng loob, siya 'tong may kasalanan pero imbes na suyuin niya ako, talagang nakipagsabayan pa siya.

Bakit ba palagi na lang akong puno ng sama ng loob? Kung nagiging regalo lang siguro 'to, baka ayoko ng makatanggap. Sobrang dami na. Wala ng space para tumanggap pa ng panibago.

“Nandito na ho kayo, Maʼam,” rinig kong sabi ni Manong kaya naman pinunasan ko ang luha ko sa pisngi, pagkatapos ay nagbayad na ako.

Matamlay akong naglakad papasok ng bahay. Kulang na lang gumapang na ako dahil parang pati paa ko, ayaw ng makisama.

Kinukwestyon ko ngayon ang worth ko kasi feel ko, hindi ko deserve mahalin.

Totoo ba talaga 'yong sinabi ng babae kanina? Sa una lang ba talaga masaya? Kung ganoʼn, pwede bang una na lang palagi? Pwede bang ibalik ang lahat sa umpisa?

Wala na. Umiiyak na naman ako. Mabuti na lang at bago pa magmistulang gripo ang mata ko, nakarating na 'ko ng kwarto.

Malaya akong makakaiyak. Malaya kong mailalabas ang lahat ng sama ng loob na ang tagal kong kinimkim.

Habang umiiyak ako, pumapasok sa memorya ko ang masasayang alaala namin ni Chin. Nakakamiss ang pagiging maingay niya, ang mga kakulitan niya, namimiss ko lahat. Naiisip ko pa lang na hindi ko na siya magiging kaibigan, sobrang bigat na sa loob.

Ibang alaala na naman ang bigla kong naalala. Ang mga masasayang alaala ko kasama si Taba. Kung paano kaming dalawa sa tuwing magkasama kami. Kung paano namin harapin ang problema ng magkasama, mga lambingan na hindi mahihigitan ng ano pa man.

Sa mga oras na 'to, naghahalo na ang nararamdaman ko. Magkahalong lungkot at sama ng loob. Hindi ko na maintindihan. Parang bibigay na. Natatakot akong dalawang espesyal na tao ang mawawala sa buhay ko kung wala akong gagawin.

Gusto ko mang balewalain na lang sila, nagsimula akong kunin ang cellphone ko. Agad kong di-nial ang number ni Taba.

Mabuti na lang at kahit alam kong galit siya saʼkin, sinagot niya pa rin ang tawag.

“Wala ka ba talagang planong kausapin ako, ha?” tila puno ng panunumbat ang boses ko, “Kung hindi ba kita naisipan na tawagan, matitiis mo talaga ako?”

Narinig ko ang pag-buntong-hininga niya.

“Kie, ano na naman ba 'to? Nakakapagod na. Lagi na lang tayong ganito,” iyon na naman ang mga katagang ayokong marinig.

Sa tuwing naririnig ko ang mga bagay na 'yon, parang ayaw tanggapin ng sistema ko. Hindi ako makapaniwalang si Taba talaga ang nagsasabi noʼn.

Ang layo sa dating siya.

Minsan napapaisip ako kung bakit kami umabot sa point na ganito. Ang saya naman namin dati. Napapatanong ako sa sarili ko.

May kulang pa ba?

Masyado ba akong nagkulang sa kanya kaya siya nagkaganoʼn?

Hindi ko ba napaparamdam sa kanya na mahal ko siya kaya binabalewala niya ako?

24th of DecemberWhere stories live. Discover now