10

34 7 0
                                    

Sumapit ang Sabado.

Nasa bahay lang ako at kasalukuyang nakahiga sa kama. Kapag weekends, wala naman akong ibang ginagawa kung hindi ang magmukmok sa kwarto.

Hindi ko alam kung bakit pero kahit apat na araw na ang nakalipas, sariwang-sariwa pa rin sa isip ko ang mga sinabi ni Ato.

Buksan ko raw ang puso ko para kay Gian kaya lang, kung sakaling gagawin ko 'yon, hindi ba ako masasaktan?

Paano kung tuluyan na akong nahulog tapos malalaman kong laro lang pala ang lahat para sa kanya?

Natatakot akong mahulog dahil hindi ko alam kung saan kami hahantong. Bata pa siya at hindi pa ganoʼn kalalim ang pananaw niya sa pag-ibig.

Ayoko ng maulit ang pagkakamali ko na basta-basta lang akong nakipagrelasyon.

Kung makikipagrelasyon ako ulit, gusto kong 'yon ay dahil mahal ko siya at hindi dahil sa buyo ng tropa.

Napailing na lang ako sa mga naiisip ko. Nababaliw na yata ako para magpapaniwala kay Ato.

“Ay, kalabaw!” gulat kong sabi ng marinig kong nagriring ang cellphone ko.

Agad kong tiningnan kung sino ang tumatawag at halos magningning ang mata ko ng makita kung sino.

“Hello, Bro?” utal kong sabi, “Napatawag ka?”

Hindi siya nagsalita kaagad.

Tahimik akong nahihintay na magsalita siya dahil sa loob ng ilang linggo na hindi kami nagkausap, namimiss ko ng marinig ang boses niya.

Namimiss ko na ang bro ko.

“Bro, sorry kung ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na kausapin ka. Hindi ko lang talaga alam kung paano ka kakausapin pagkatapos ng mga nangyari.”

“Ano ka ba? Wala kang dapat ipagpaumanhin dahil naiintindihan ko naman.” sagot ko, “Gusto ko rin na kalimutan mo na ang kung ano mang inamin ko saʼyo. Wala akong planong ipagpatuloy 'yon.”

“Bakit?” hindi ko alam kung guni-guni ko lang 'yon pero naramdaman kong lumungkot ang boses niya.

Bumuntong-hininga ako bago muling nagsalita.

“Masaya naman tayo ng magkaibigan lang, 'diba? Doon tayo mas magtatagal, Bro.” masayang sambit ko, “Sorry kung ngayon ko lang narealize ang lahat ng 'yon. Kung noon ko pa 'yon naisip, hindi na sana tayo nagkailangan pa. Hindi na sana tayo dumating sa puntong ganito tayo.”

Hindi siya sumagot.

“Gusto kong maayos ang dati nating pagkakaibigan, Bro. 'Yung walang feelings na involved kasi, mahaba na rin naman ang napagsamahan natin. Ayokong masira 'yon ng dahil lang sa nagustuhan kita.” paliwanag ko.

Hindi pa rin siya nagsalita at ngayon, nagsisimula na akong maiyak.

“Bro, sana huwag kang mailang saʼkin, ha?” garalgal kong tanong, “Promise, mag-momove on ako agad. Kapag nakamove on na ako, back to normal na tayo. Sa ngayon siguro, mas okay na 'to na bibihira lang tayo mag-usap.”

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

“Bro, sorry talaga sa lahat.” naririnig ko ang pagiging utal ng boses niya pero pilit siyang nagsasalita ng normal.

Hindi ko magawang makapagsalita dahil nauubusan ako ng sasabihin. Kahit wala akong nasasabi sa mga oras na 'to, alam kong alam niya naman na papatawarin ko siya.

“Bro, hindi ko man masuklian ang pagmamahal mo pero tandaan mo sana lagi na mahal kita, bilang bro ko.” sambit niya, “Alam kong may tamang tao na para talaga saʼyo at sorry kung hindi ako 'yon.”

24th of DecemberМесто, где живут истории. Откройте их для себя