29

16 5 0
                                    

Nag-break si Andeng at Bugoy pagkatapos ng nangyaring 'yon.

Si Chin at Kuya Mj naman, pilit na inayos ang problema at sinabing hindi niya na uulitin ang pananakit na ginawa niya.

Nagkausap pa nga kami noʼn ng masinsinan. Sinabi kong hindi ko na siya ulit kakausapin at magkalimutan na, kapag naulit pa ang pagiging mahigpit niya.

Kami naman ni Taba, madalas pa ring mag-away pero pinipili naming ayusin kaagad ang kung ano mang pinag-aawayan namin.

Madaling lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Palagi kaming nakatengga sa bahay. Wala naman masyadong ganap dahil bakasyon.

Paminsan-minsan, pumupunta kami sa lugar nina Taba kapag may biglaang plano. Hindi na namin dinadalasan ang pagpunta roon dala na rin ng chismis.

Noʼng Mayo naman, napadalas ang mga lakad namin dahil simula na ng enrollment.

Excited na akong magpasukan lalo pa at malapit na sa eskwelahan namin ang papasukan na eskwelahan ni Taba. Pwede na kaming magkasama tuwing uwian.

Hunyo naman, sumapit ang ikalabing-siyam na kaarawan ko.

Simpleng handaan lang naman ang nangyari at tanging mga espesyal na tao lang ang inanyayahan namin.

Noʼng buwan ng Hulyo, Agosto, Setyembre at Oktubre, na-busy na kami dahil sa school activities.

Nagkakasama lang kami tuwing uwian, minsan nga hindi pa dahil sa mga group projects at thesis.

Hindi naging madali ang i-survive ang relasyon namin dahil halos bihira na lang kung magkita kami at magkausap. Madalas pa ang mga naging pag-aaway namin noʼn. Nagbabati lang yata kami kapag nagkikita pero kahit na ganoʼn, nanatili pa rin kaming matatag.

Kasalukuyang month of November ngayon. Kapag ganitong Ber months talaga, damang-dama mo na ang parating na Pasko.

“Ate!” narinig ko kaagad ang sigaw ni Pearl pagkapasok na pagkapasok ko ng bahay nila.

Kinarga ko naman siya saka hinalikan sa pisngi.

“Ang laki-laki na ni Pearl, ah? Nasaʼn si Mama?” tanong ko sa kanya na nakangiti saʼkin ngayon.

“Labas, Mama.” sagot naman ni Pearl sa nahihiyang tono.

“Lumabas si Mama? Anong ginagawa ni Mama sa labas?” muli kong tanong.

Hindi siya kumibo. Tinuro niya lang ang nasa tapat na bahay nila Taba.

“Punta Mama, ate. Punta.”

“Saglit lang, Pandak, ha? Ihahatid ko lang si Pearl kay Mama. Mukhang gusto niya rin yatang lumabas.” ibinuka ni Taba ang kamay niya para kunin saʼkin si Pearl.

Wala sa sariling napangiti ako habang pinagmamasdan si Taba na karga ang kapatid niya. Iniisip ko pa lang kasi na magiging ama siya balang araw, natutuwa na ako. Sigurado akong mamahalin niya ng sobra ang mga magiging anak niya.

Sana lang, kapag dumating ang panahon na 'yon, ako pa rin ang kasama niya. Ang selfish naman kung hihilingin ko 'to, pero gusto kong ako ang maging ina ng mga magiging anak niya.

Hindi ko makita ang sarili ko na nagmamahal ng iba.

“Pandak!” napapitlag ako ng marinig ko ang boses ni Taba.

Tinawanan niya naman ako ng makita ang gulat kong itsura. Nakuha niya pa talagang asarin ako.

“Mukhang ang lalim ng iniisip mo, ah? Ako ba 'yan?” turan niya sa nang-aasar na tono.

Inismiran ko naman siya pero imbes na tumigil, mas lalo niya lang akong tinawanan. Kapag sinabi ko sa kanya ang iniisip ko, mas lalo niya lang akong pauulanan ng pang-aasar.

24th of DecemberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon